adik ka ba?

may isang batayan akong naisip kung papanong mapapatunayan na  hindi talaga patas dito sa pilipinas. naisip ko lang,
pag ang mga babae ipinamukha mo sa kanya ‘yung pagiging mahina n’ya, magagalit ang mga feminista at maghuhurementado ang gabriela.
pag binitbit mo na parang baboy ang isang lalakeng naghurementado at bumaril sa’yo matapos mo s’yang madis armahan.. patay ka sa human rights.
pag sinapak mo sa mukha ang tomboy na umagaw ng syota mo, nilabag mo ang karapatan n’ya bilang babae.
hindi mo p’wedeng pandirihan ang bakla na naglabas ng dila n’ya para basain ang labi n’ya habang nakatitig s’ya sa’yo nung nakasabay mo s’yang umiihi sa banyo ng isang mall.

.. pero pag may isang kabataan ang bigla na lang sumigaw ng holdap sa isang pampublikong sasakyan.

.. o may isang estudyante ang bigla na lang hindi na pumasok sa klase n’ya para bumarkada sa kalsada.

.. o isang empleyado na sa kaaburiduhan e bigla na lang tumalon sa 6th floor ng kumpanyang pinapasukan n’ya.

.. at ang grupo ng kabataan na nahuling nambabato ng basura sa mga nakasakay sa bus.

adik na agad.
lahat ng kabataan na naliligaw ng landas adik na agad. lahat ng magulo, adik. lahat ng malalakas ang loob, naka drugs. lahat ng nangmasaker at pumatay, adik. pag sumuko ka sa buhay, adik ka. pag hindi ka nalalasing, naka drugs. pag hindi makakain, humithit ng bato. pag namumula ang mata, naka tsongki. pag nagnakaw, kailangan ng panggamit. pag laging nakajacket, nagtuturok. pag bumili ng rugby, sisinghot. pag magaling na boksingero, gumagamit. pagpuyat, adik. pag payat, adik.

hindi ako magtataka kung dadating ang araw na magsasama sama lahat ng mga matitinong adik sa pilipinas para labanan ang diskriminasyon sa kanila. hindi lahat ng adik nagwawala at patapon.

.. naglilibang lang.

Shares 0

0 thoughts on “adik ka ba?”

  1. tulad nitong blog mo …, nkaka ADIKKKK. d kumpleto ang araw ko kung di ako sumisilip dito!
    yesssss nman
    wish ko nga araw2 may bgo e

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *