alam mo kung anong kulang dito sa atin?

alam mo kung anong kulang dito sa atin? isang bar na pwedeng puntahan ng nagiisa ka lang na hindi ka magmumukhang miserable at hindi ka pagtatapunan ng awa ng mga dadatnan mo dahil hindi ka magmumukhang dumadanas ng isang mapait na diborsyo habang nag iinom kang mag isa dun.
hindi ka papapasukin pag may kasama ka dahil ang mesa dun sakto lang pangisahan at ang silyang nakaabang iisa rin lang. hindi ka pwedeng makipagusap kahit kanino maliban sa waiter pag may kailangan ka. pag nakipag kaibigan ka sa loob ng bar na ‘yun bibitbitin ka ng bouncer palabas.
dalhin mo na lahat ng makakapag libang sa’yo habang nagiinom ka. dalhin mo ‘yung ipod mo o magdala ka ng laptop para magchat habang nagpapakalasing o kung ano mang trip mo. pananabikan ko ang bawat pagkabigo ko sa buhay kung may ganito namang inuman na maghihintay sa akin.

Shares 0

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *