alam mo kung anong nakakairita sa facebook?

magpopost ka sa wall mo ng isang sobrang halatang lyrics ng isang kanta, pwedeng dahil sumakto ang mga salitang ginamit dun sa kung anong nararamdaman mo sa mga oras na ‘yun o sa iba pang dahilan na ikaw lang ang nakakaalam.

ilang minuto lang..

may isa kang kaibigan na magko comment dun ng pamagat ng kanta at kung sino ang kumanta nun.

.. at nagtataka ka pa kung bakit walang nangyayaring maganda sa atin?  :ermm:

Shares 0

0 thoughts on “alam mo kung anong nakakairita sa facebook?”

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *