alaw ina magnat

kakapasok lang ng text na ‘to sa telepono ko.

“may 10, 1976. nasagasaan ang isang matandang babae pero tinakbuhan ng nakasagasa. bago mamatay ang matanda tinuran n’ya ‘to “alaw ina magnat”, isang itim na dasal. sa lahat ng nakabasa nito magpapakita ang matanda ng tatlong beses ng madaling araw! tatabi sa’yo, duguan at humihingi ng tulong! nangyari ito kay marky cielo ng starstruck dahil hindi n’ya naipasa sa labimpitong tao, namatay s’ya nung december 7, 2008 11:15. hindi s’ya nagising. sorry kailangan ko ipasa kase ayon sa research totoo ito! naipalabas na ito sa nginig sa tv..

at dahil mas nanghihinayang ako sa labimpitong pisong load kesa sa buhay ko  ibig sabihin ba nun sayang lang ang pagkakaligtas ko sa posibleng kamatayan dahil sa matinding gutom kahapon?  at dahil midnight shift ako sa opisina at ako lang mag isa dun tuwing ganung oras, ibig sabihin ba nun malaki ang posibilidad na magpapakita sa akin ang matanda habang nanonood ako ng porn?

ng tatlong beses?

ohooookward.

Shares 0

0 thoughts on “alaw ina magnat”

  1. Ano ito pamahiin? Hindi ako naniniwala dito… Isang malaking kaungasan!!! Mas gusto kong maniwala na maiiligtas ako ng panginoon sa anomang kapahamakan kung hihingin ko ito sa kanya sa pamamagitan ng pagdarasal, ito lamang ang paraan para makipag ugnayan sa panginoon at higit na makapangyarihan ito sa anomang maitim na ritwal o orasyon.

  2. ano ba ang ibig sabihin ng alaw ina magnat saka lang ako maniniwala kung sasabihin mo ang ibig sabihin ng alw ina magnat

    1. gets ko nah pag balitarin mo ung word na alaw ina magnat ang kabilaktaran tanga maniwala!!!!!!!!!!!! panakot lang naman pala yan

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *