aminin mo

madalas napupuna mo lang ang kabaduyan ng estilo mo pag nakita mo na itong ginagamit ng iba.

puro naman tayo mga bakya at baduy sa simula, lahat naman tayo mga panatiko muna ng kung sino bago nagumpisa. mga kopyahero at kopyahera sa kung sinong nauna sa atin kaya ang labanan na lang dun kung sino sa atin ang mauunang makahalata at makaisip lumihis sa bakas na sinusundan n’ya at gumawa ng sarili n’yang tatak.

tayo ang mga kabaduyan ng noon na pinagtatawanan natin ngayon.

 

 

Shares 0

2 thoughts on “aminin mo”

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *