an uber friendly reminder

mas matutuwa pa ako kung hindi n’yo ko masyadong seseryosohin. hindi ko naman sinasabi na bastusin n’yo ko minu minuto, iba naman ‘yung salitang respeto sa seryoso. ang sa akin lang, katulad ng ilang ulit ko ng sinabi sa inyo hindi naman ako seryosong blogger na tumatalakay sa gobyerno o patungkol sa diyos, ‘wag n’yong gamitin ang mga salita ko laban sa akin at lalo ng ‘wag n’yong ituring ang lahat ng mga sinasabi ko na para akong santo papa sa inyong harapan.
madalas, wala akong sinasabi na ikakapag pabago ng takbo ng mundo, at madalas sa hindi na magsasalita ako na ikakapag pabago ng pang araw araw na buhay mo. ‘wag mong pahagingan na ganun ang sitwasyon.
ang blog na ito ay tungkol sa kung anu anong bagay na pumapasok sa isip ko, ‘wag kang masasaktan pero hindi ito tungkol sa inyo. pag nakasalamuha mo ako sa iba pang lugar sa internet na ginagamit ang karapatan kong mag isip ng mga bagay na sasalungat sa paniniwala mo at ginamit ko ang obligasyon ko sa sarili ko na ipahayag iyon, nasa iyo ang lahat ng karapatan para salungatin ako, choice mo ‘yun at sana bigyan mo rin ako ng pagkakataon na idepensa naman ang sarili kong paniniwala, at oo, kahit gaano pa kababaw ang pinaguusapan natin, pag sa tingin ko mali ka at tama ako idedepensa ko ang paniniwala ko hanggang sa dulo ng walang hanggan, at oo, kahit kaibigan kita pag sinalungat mo ‘ko kailangan mong panindigan ‘yun dahil sasagasaan kita.  ang ibig sabihin, kung magdedeklara ka ng gera, pangatawanan mo. at kung sa minsang enkuwentro na ‘yun ay matamaan ka ng mga ligaw na masasakit na mga salita na susugat sa damdamin mo, patawarin mo ‘ko pero madalas kinakailangan talaga ng mas matinding pwersa para maipasok ang isang bagay sa mas maliit na butas. ‘wag kang umasa na makakatanggap ng mga makukulay at mabulaklak n mga salita sa akin sa mga pagkakataon na ‘yun dahil malabo kang makakatanggap nun sa akin, hindi mo kailangan ang foot spa habang tinuturukan ka ng lethal injection. patawarin mo ‘ko pero iyan ang batas.
ano ang ibig kong sabihin, kung pusong mamon ka at hindi mo kayang makipag usap ng ganun na hindi mo gagawing sahog ang pakiramdam mo, may dalawang bagay kang pagpipilian, umiwas ka sa akin sa mga usapang ganun o maghanap ka ng ibang kaibigan, hindi ako ang para sa iyo.. hindi ka tatagal sa mundo ko.
hindi para sa iyo ang internet, at hindi ka mahal ng internet.

‘wag nating seryosohin masyado ang internet. sa bandang huli lahat tayo dito naglilibang lang at naglalaro. lahat tayo sa kanya kanya nating lugar na ginagamitan ng portal sa virtual world na ito, may kanya kanyang tunay na mundo.
sa labas ng mga bahay natin.

Shares 0

0 thoughts on “an uber friendly reminder”

  1. Mas nagiging masakit ang salita kapag totoo..kaya marami ang sumasalungat sa mga banat mo kuya jon eh..hehehe

    antagal ko ng lurker dito….ngayon lang ulet ako ngcomment…hehe

  2. hindi lahat ng giyera ay dapat pasukin, dapat lang maging mapili sa kung saan tayo magpapasabog ng ating opinyon.

    kung hindi ka marunong umiwas sa inihagis mong granada, most likely, ikaw din ang tatamaan.

  3. oo nga.. sabi mo walang seryosohan.. eh bakit ang seryo-seryoso mo?? galit ka na ata eh… hehehehe joke lang…

    respetohan lang yan… kahit nasa virtual world tayo.. kahit walang pirming batas na umaaligid sa daigdig na ito, mga tao pa rin tayo na nandito na may sariling batas na sinusunod…

    http://fjordz-hiraya.blogspot.com

  4. kaibigan kita diba. magkaibigan talaga tayo? kahit dito lang kita nakilala? diba? diba? oo. wala ka nang magagawa dun. magkaibigan na talaga tayo. gusto ko lang sabihin sayo na masaya ako na naging kaibigan kita.

    *friendster testimonial to mr.joncabron*

  5. ahahha… sa prisinto dapat nag papaliwanagan… iniisip ko pa kung tatawanan ko ba to o sisiryosohin ko… hahaha, nakakata kasi, ayan natawa n pla ko… pro sige sisiryosohin ko na… naisip ko lang sa labas lang ba tlaga ng bahay? pano sa loob? saka, di nmn lahat ng butas maliit.. sa pag daan ng panahon, lalaki din yan ahahaha… nice… nice… kanya kanya ng opinyun… kanya kanya ng trip at walang basagan! isa pa, nakakatawa tlaga! longlive paps! tungkol sa internet, ay wag n lang, sa next comment ko n lang sasabihin, pra prang series din.. malay mo may magbasa ng comment ko habang binabasa ang blog mo ahahahaha…

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *