ang aking larawan

   dahil sa hindi matatawarang dami ng mga regular visitors ko na nagrerequest na magpost naman ako ng picture ko dito, ang tatlo ay mas marami sa isa sa kahit na anong pagkakataon, shutup! naisipan kong gawin ang entry na ito.
hindi naman sa nagtatago ako, natatakot, o nahihiya pero hindi ko lang talaga maisip kung bakit kailangan kong magpakita ng picture, bakit mo kailangang makita kung ano ang itsura ko kung hindi ka naman nakahandang mahalin ako. naghahanap ka ba ng katibayan sa magiging itsura ko sa picture para paniwalaan mo yung mga sinusulat ko, kailangan bang maging mukhang matapang ako para lang mapaniwala kita sa mga sinusulat kong palaban? o kailangan bang maging disente ako, hindi nagsusuklay, maputla at may makapal na salamin para makunteto ka pag sinabi ko na IT ako, o maaalis ba ang duda mo dun sa mga kayabangan ko pag sinasabi kong madami akong naging girlfriends nung high school at college, dahil hindi man ako ganun kagwapo pero ampapangit ng mga lalaking kaklase ko nung college?
kung iisipin, pwede akong magpost ng picture ko dito, kahit isa lang pero pagnapangitan kayo sa picture malamang iisipin nyo nagpapatawa lang ako, pag magandang lalaki naman ang nakita nyo, magdududa kayo at iisipin nyong nagnakaw ako ng picture.. kelan nyo ba ko sineryoso?
at isa pa, kung maglalagay man ako ng picture ko dito, paniguradong pipili ako ng pinakamagandang picture na meron ako, wala ring saysay. wag ka magtitiwala sa mga primary picture sa friendster dahil natural na ang ilalagay nila dun yung mga best shot nila.
bukod sa sumpa ng pagiging sirain ang tiyan, meron pa ‘kong isang kasiraan, ang sumpa ng pagiging iba’t ibang uri ng kaabnormalan na itsura sa litrato. siguro sa sampung kuha ko ng picture sa iisang event, makakakita ko run ng mukhang tulala, itsurang mongoloid, mukhang kirat, obese, mukhang natatae o mukhang hindi matae, at kung anu ano pang kalokohan at katarantaduhang maiisip mo, at kadalasan dahil kailangan talagang pumili sa mga iyon ng picture na ipopost sa net, ipamimigay sa kachat, o kakailanganin sa totoong buhay, malamang ang pipiliin ko ang pinakamaayos sa lahat.. ang mukhang mongoloid na obese.
kaya hindi na kailangang sabihin na kung sa picture pa lang, magugustuhan o matatanggap mo na ang itsura ko.. maswerte ka giliw, dahil ipa photoshop mo sa isang second year college na nagaaral ng web designing yung picture na yun.. yun ang itsura ko sa personal.
at sa huli, mukha akong mongoloid na obese sa picture pero sa totoong buhay alipin ako ng pagbibigay ng kaunting barya sa mga pulubi sa kalsada at pagpapaupo ng matatandang nakatayo sa bus kahit inaantok ako, hindi pa ba sapat yun para mahalin nyo ko?

Shares 0

0 thoughts on “ang aking larawan”

  1. nice explanation. tamang banat! palaban pa rin..gentleman naman pala.

    sa pagkakaalam ko eh may nakita na akong pic mo dito.

    ==
    heheh, wala pa bro’ ebidensya na marami pa rin na nagmamahal sakin.

  2. okay, kahit na walang litrato mahal pa din kita kasi isa kang gentleman at sapat na nakita ko ang iyong magagandang ngipin.

    ==
    .. sana pala naging ngipin na lang ako.

  3. di kinakailangan ng litrato para mahalin kita…gabi-gabi kitang pinagpapantasyahan habang….(eherm)…

    ipakita mo na lang ang …katawan mo at liligaya na ako…

    ==
    pero.. baka.. di mo.. magustuhan.. ang.. man boobs ko..

  4. naks! dami nang sumusumpa ng wagas na pag-ibig sayo, jon! ingat lang at baka ma-STALK ka ng isang crazy b…

    ==
    selosa.. ok lang yun lengg, kayang kaya natin yang mga stalker na yan, halika nga dito at paihip sa likod ng tenga..

  5. MR.CABRON… hayaan mo ng hindi ka makita ng iba.. at baka ma in lab lang sila..ahehehe!
    ang importante..nakaukit ang iyong mukha sa aking isipan at puso..waaaa…
    kelan tayo magpapakalasing?

    ==
    awwww! hmmm as usual, pagnakaluwag luwag, bwaha!

  6. oki lang kahit wala pix kuya…. masaYa na kaming malaman na may isang JOn Cabron na naBubuhay sa munDong punong puno ng kulay ang lalim nOn hahaha…..

    ==
    mahal na kita menggay, .. na may konting patak ng malisya’

  7. ayan, more than 3 na kami… kahit alang piktyur, mahal kpa din namin.

    iba pa rin yung nasasabi nating ‘may itsura’ kesa sa ‘may ginintuang puso’

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *