antok at skittles

dahil kakagaling ko lang sa pang madaling araw na shift baliktad pa rin ang oras ng sistema ko sa mga panahon na ‘to, gising ako ng madaling araw at tulog ako ng hapon. ‘yan din ang dahilan kaya kahit ilang araw na akong hindi pumapasok wala pa rin akong nabubuong gimik, hindi pa rin ako nakakalabas ng bahay para mag inom.
andami kong gustong puntahan, kainin, at bilhin pero pinipigilan ako ng antok at ng pangangailan kong matulog sa mga oras na posible ko sanang makamtan ‘yung mga bagay na ‘yun. katulad na lang ngayon, gusto kong pumunta ng mall para bumili at kumain ng skittles pero pakiramdam ko sa sobrang antok na nararamdaman ko makakatulog ako habang naglalakad sa mall. isang bagay ang kailangan kong gawin ngayon, matulog, at isang bagay ang kailangang kailangan ko na magkaron, isang kaibigan na handang sumagupa sa init ng panahon para ibili ako ng skittles at pupunta dito sa kwarto ko habang natutulog ako, ibubuka ang bibig ko at ibubuhos sa loob ang bawat makukulay na piraso nun at hindi n’ya ako iiwan hanggang hindi nagkukulay rainbow ang buong bunganga ko.

Shares 0

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *