“aNy Thing Basta d kOrNI wElL tHaTs My lIFe”

pag alis ng mga managers at sa mga miminsang pagkakataon na wala ako sa mood mag browse ng porn sites, naaaliw akong mag kalkal ng friendster accounts, hinahanap ko yung mga link link at talaga namang masasabi kong dapat tayong magpasalamat kay bill gates, dahil kung hindi dahil sa kanya malamang hindi natin nararamdaman ang kapangyarihan ng friendster sa mga panahon na ‘to. kung bakit ko nasabi ‘yan.. wala lang. trip trip.
napag initan kong kalkalin ang friendster account ng eskuwelahan ko nung high school, at sa kaka click sa pictures ng mga babaeng thumbnail picts pa lang e may potential na.. hindi sinasadyang napadpad ako sa account ng isang babaeng nagpatibok ng puso ko dati. isang babaeng minahal ko pero hindi naging akin.
at nakakamanghang sa tinagal tagal, merong hindi maipaliwanag na hapding gumuhit sa dibdib ko nung makita ko sa profile n’yang … may karelasyon na s’ya, at ang masaklap, may asawa at isang anak na.
ilang lipat pa ng mga pictures at namukhaan ko kung sino ang napang asawa n’ya, mas matanda ako sa mjkanila ng dalawang taon at ito ‘yung kaklase n’yang nerd na binato ko ng babolgum sa buhok dati, at nung pumalag at binatukan ko walang ibang naisip na depensa kundi umupo sa isang sulok at sumigaw ng sumigaw.. nakakapag taka kung papa’no nakabuntis ng babae ang isang ‘to.
at kung papa’nong ‘yung mahal ko pa ang asawa n’ya ngayon.
pero pinaghilom ng sumunod kong nabasa ang sakit at panghihinayang na naramdaman ko. dahil naisip ko na kung s’ya kunyari ang naging asawa ko, parang hindi ako mapapalagay na ang hobbies at interest n’ya ay “MaG IpOd LaNg..” at ang paboritong music n’ya ay “KhhiT AnO lAng pRe!!” hindi matatanggap ng loob ko na ganyan s’yang gumamit ng mga letra, na trasher ang occupation n’ya at higit sa lahat, hindi ko kayang lunukin na ang paboritong movie ng asawa ko ay

aNy Thing Basta d kOrNI wElL tHaTs My lIFe.

Shares 0

0 thoughts on ““aNy Thing Basta d kOrNI wElL tHaTs My lIFe””

  1. 9. isang online girlfriend na hindi masyadong matalino at hindi gaanong malakas ang personalidad.

    –> sAKto O! jON bAka YaN nA yUnG piNAkaHiHInTay mOng BAbaE nA MaY pOtEnTIal mAgINg oNliNE gF mO!

  2. hmmmn, ilang taon na ba ang nagsulat nito? hindi kaya Mr Cabron eh anak nya ang nag create ng account na yan? ahihihihi…parang HS lang ang me ari ng profile…

    ayus!

  3. di naman maintindihan kung ano hinahanap mo…ayaw mo nyan?sure na di ka aagawan ng computer kasi ipod lang kaligayahan nya?…

  4. ““aNy Thing Basta d kOrNI wElL tHaTs My lIFe””

    pede naman magsulat ng di kelangan pahirapan ang sarili, ginawa pang complicated!

    anyhoo. sana po wag kang magalit kung view kita sa fs, bawi2x lang view mo din naman ako tsaka pareho naman naka private profile natin!

    humahanga lang sayong pagsusulat…

  5. Ikaw ah… wag ka mag alala pinagnanasahan din kita.

    ==
    yung ip mo ibinuking ka na ikaw si michael gaspar. hindi mo alam ang ip? k.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *