bakasyon… ang katapusan

mga plano at dapat gawin para sa bakasyon

1. iclaim ang union bank account sa banko
2. iupload ang mga pictures ng nanay para sa mga amiga nya
3. mag linis ng screen ng bahay at mga electric fan
4. mag pagupit
5. mag grocery
6. kumain sa labas kasama ang pamilya
7. makipag laro ng chess kay lolo habang umiinom ng tsaa
8. mag ukit ng puso sa puno habang kasama si mrs. cabron
9. manghuli ng paru paro sa hardin kasama ang anak at mga pamangkin
10. lumanghap ng sariwang hangin sa dalampasigan kasama si lola
11. magturo ng pagpinta sa mga bata sa bahay ampunan
12. mag aral ng karate
13. ipasan si mrs. cabron habang nasa ulanan at may kagat kagat na rosas

mga wala sa kontrol na pangyayari sa apat na araw na bakasyon

wednesday – bar hopping sa alabang
thursday – buong araw tulog dahil sa hangover
friday – inuman kasama ang kapatid at pinsan hanggang 4am
saturday – buong araw nahihilo at nasusuka kaya paidlip idlip lang

.. wala akong kwentang tao at mamamatay ako sa pinakamahirap at pinakamabagal na paraan pagtanda ko …. at matanda na sa akin ang idad na trenta.

Shares 0

0 thoughts on “bakasyon… ang katapusan”

  1. 2. iupload ang mga pictures ng nanay para sa mga amiga nya
    ang cool talaga ni ginang cabron. may multiply account ba sya?

    8. mag ukit ng puso sa puno habang kasama si mrs. cabron
    13. ipasan si mrs. cabron habang nasa ulanan at may kagat kagat na rosas

    ang ganda ng cinematography…naiimagine ko ang slo-mo scenes habang tumutugtog ang isang linggong pag-ibig

  2. uy nag tea tea ka din pala

    at napaka sweet nmn ng mga plano mo, para kang c rogelio dela rosa. di mo knows? yaan mo na

  3. wednesday – bar hopping sa alabang
    thursday – buong araw tulog dahil sa hangover
    friday – inuman kasama ang kapatid at pinsan hanggang 4am
    saturday – buong araw nahihilo at nasusuka kaya paidlip idlip lang

    at wag na kayong magtaka kung bakit parang puro ka-sweetan ang nasa plano ni jon. apat na araw puro alak at konektado sa kalasingan lang kaya ang inatupag nyan ano pa aasahan nyo! bwahahaha!

  4. gusto ko lang pala segundahan yung sinabi ni jovi tungkol sa emoticon.. alam kong off topic pero hindi sya mukhang green peas..

    mukha syang munggo :grinnod:

  5. Jon! Kung walang kwenta akong kebigan, di ako araw araw pupunta dito para i-click yang mga ads mo! Eyeheytyu! (Teka bat walang green emoticon para sa galit?)

  6. 8. mag ukit ng puso sa puno habang kasama si mrs. cabron
    13. ipasan si mrs. cabron habang nasa ulanan at may kagat kagat na rosas

    ang twit twit naman ni mr. cabron
    mula nga po pala ako sa wp-pinoys at bago mong fan

  7. @ baboyita
    welcome sa blog ko at please wag mong sabihin na fan kita ipagpalagay na lang natin na bagong kaibigan at baka sakaling future girlfriend kita, hmmkei? :nod:

  8. ang sweet talaga ni jon at naguukit pa talaga ng puso. kapag dinala ba kita dun sa lugar na ganyanan at ganunan, isama mo rin ba si misis? , hehehe

  9. bigla kong naalala si rudy fernandez sa entry na to. kamamatay lang at mahirap ang pinagdaanan nya.

    duda rin ako kung kasama ba talaga sa plano mo ang “11. magturo ng pagpinta sa mga bata sa bahay ampunan”

    siguro nga lasing ka nung naisipan mo ang mga bagay bagay na yan. :nod:

  10. @ gasti
    una, maraming salamat sa pagkukumpara mo sa akin sa taong kamamatay lang.
    pangalawa, di ka naniniwalang kaya kong pumunta sa bahay ampunan at magturo ng pagpipinta sa mga bata dun? anong akala mo sakin puro pagiinom lang ang alam?
    … heheh, tama ka, wag ka na lang maingay.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *