balat sibuyas

alam mo kung anong mahirap sa ating mga pilipino? masyado tayong mga balat sibuyas at mga makabayan kuno. ang takbo ng utak natin pag tayo ang gumawa sa iba ayos lang pero pag pangalan at bansa na natin ang nakataya otomatik na kailangan nating maghurementado.
tignan mo ha kung hindi ba naman napaka hindi natin patas na mga tao tayo. sa pelikulang pilipino, ano ‘yung karaniwang karakter ng mga intsik sa palabas?
big boss ng sindikato, tinderong ayaw magpautang, boss sa isang kumpanya na mangmumulestya ng empleyado n’yang babae sa kalagitnaan ng pelikula.
at kailangan ko pa bang sabihin kung papanong pinatino ng salitang “bumbay” ang karamihan sa atin nung mga bata pa tayo?
bakit nanggagalaiti tayo sa kapirasong kurot ng isang maliit na tao? kase sugat sugat na ang katawan natin sa bugbog at kase may parte nung sinabi n’ya na totoo naman. hindi ako natatakot gumawa ng masama, ok lang sa akin na husgahan n’yo ako sa mga titig n’yo basta ‘wag n’yo lang akong pag uusapan, ganyan tayo. natutulog ka ba nung pumutok ‘yung kwento dun sa pinay na ginahasa ng sundalong kano? nakaidlip ka rin ba kaya hindi mo nasundan ‘yung kasong ‘yun? nasubukan mo na bang isearch ang salitang “pinay” sa google?
galit na galit ka na ginaganun ka e sarili mo ngang lahi kinakahiya mo, ayaw mo nga ng baduy kase sabi mo nagmumukha kang bisaya, naiilang ka nga pag may kasabay kang negro sa jeep kase mukhang hindi gagawa ng mabuti sabi mo. ‘wag ka ngang maarte.
nakinabang din naman ‘yung komedyanteng ‘yun dahil sa pagpatol n’yo,
“ahh s’ya pala ‘yung dati sa the man show, s’ya pala ‘yung kapartner ni jimmy kimmel” bigla ko tuloy naisip, kung gusto ko palang sumikat pipitik lang ako ng isang bansa na may mga ipokritong tao tapos nun maghihintay ako na patulan nila ako para mapag usapan ako.
“ahh s’ya pala ‘yung blogger, antaba n’ya tsaka 3 inches lang ang tite n’ya.”

Shares 0

0 thoughts on “balat sibuyas”

        1. hindi mo na dapat pang sabihin sa akin ‘yan. maniwala ka, hindi ko namiss ang wisdom tooth ko sa kaliwa nung pinabunot ko ‘yun ilang taon na rin ang nakakalipas.

    1. salamat, bukod sa mga online forums na may auto generated birthday greetings sa email ikaw lang ang bumati sa akin. may tumulong tubig sa kaliwang mata ko. seryoso. kiss? no? ktnx

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *