barado

hindi ko kahit kailan hihilingin na maranasan ng kahit na sino ang sitwasyon na dinanas ko, kahit pa ‘yung mga talagang nakasamaan ko ng loob at kahit maging sa panaginip man lang nila. iyon na yata ang pinakamabagal na kwarenta minuto ng buhay ko at isang bagay ang nadiskubre ko sa sarili ko pag katapos nun, kaya ko palang hindi huminga ng ganun katagal.
napakalaki ng respeto ko ngayon sa kung sino man ang nakadiskubre ng pambomba ng baradong inidoro at naniniwala ako na pag namatay ang taong ‘yun imbis na uod, mga alitaptap ang dadapo sa bangkay n’ya dahil sa laki ng naiambag n’ya sa mundo.

Shares 0

2 thoughts on “barado”

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *