bating panimula

ako ang gumawa sa joncabron.com,
hindi joncabron.com ang gumawa sa akin.

at hindi pangalan kundi utak ang ginagamit ko sa tuwing nagsusulat.

ano na daw ba ang nangyari sa joncabron.com?
sa loob daw ng mahigit kumulang limang taon siguro inabutan na rin ng katamaran ang nagsusulat, siguro daw pati pagpapaalam ng maayos kinatamaran na rin kaya bigla na lang nawala.

sinabi ko na dati, hindi ako kahit kailan tatamarin magsulat. habang buhay mangangati ang utak ko at walang gamot dun kundi pagkamot.  isang mainit at maligayang pagbabalik sa akin dito sa luma kong bahay, kung saan nagsimula ang lahat.

hinahangad ko na kung gaano ako nasasabik magsimula ulit dito, ganun din ang sabik na nararamdaman ng dating host ng blog ko. seryosong bumilib ako nung binlocked mo ako sa facebook account mo para hindi na ako makapag padala ng mensahe sa’yo, napakahenyo kung papaano mo naisip ‘yun. naiimagine ko ang matalas na ngisi na kumawala sa gilid ng mga labi mo habang ginagawa mo ‘yun.

nung sinabi ko na hindi kita titigilan, hindi ako nagbibiro nun.
abangan ang susunod na kabanata.

Jon Cabron

Shares 0

0 thoughts on “bating panimula”

  1. maligayang pagbabalik kaibigang jon cabron! haha! kala ko mananatiling pribado tong blog mo na to. antagal kong naghintay makabasa ng blog post mo, ser. nyehehe

    banatan mo pa yang ex-host mo.

  2. welcome back po sir jon.. akala ko napasakay ka ng taxi sa dubai at na hostage ng mga bading na may mahabang balbas.. pero ngayong nagbabalik ka.. hayaan mong bigyan kita ng flying kiss na walang malisya..

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *