bobblehead

bobblebobbleheadalso known as a bobbing head doll, nodder, or wobbler, is a type of collectible doll. Its head is often oversized compared to its body. Instead of a solid connection, its head is connected to the body by a spring in such a way that a light tap will cause the head to bobble, hence the name.
– at anong kinalaman nitong picture at definition sa post ko ngayon? wala akong pinagkaiba dyan sa character na yan sa mga panahon na to.. uuga uga ang ulo dahil sa puyat at mega dum dum ang tingin ko sa sarili ko.. alas dos nako lagi nakakatulog, partida pa yan kse di na ko nakakahawak ng pc sa bahay, mula alas nwebe naka program na ang kilos ko.

09:00pm – mahihiga sa kama at magpipilit matulog
10:00 – tatanggapin sa sariling hindi pa inaantok (kukunin ang celfone at makikinig sa boys night out)
11:00 babalibaliktarin ang unan, tatapatan ng elecricfan ang mukha (aasang yun ang dahilan kaya di makatulog)
12:00 – lolokohin ang sarili na inaantok na
01:00am – mapapansin na hindi pa rin nakakatulog sa dami ng iniisip (mayaman kunyari, may kapangyarihan, may ka date na artista, legal ang tsongki etc.)
01:20am – magkukulong sa banyo para magyosi
01:30 – 2:00 – mawawalan ng malay
4:00 – tutunog ang alarm (snooze muna ng 5 minutes)
4:05
– tutunog ulit ang alarm, mapipilitan ng bumangon
4:10 – init ng tubig pangkape, pagkatimpla tatapatan ng electric fan para lumamig
4:15 – 4:40 – lahat ng pwedeng gawin sa loob ng banyo
4:40 – 4:55 – magbibihis, lahat ng kailangang gawin
5:00 – 5:15 – byahe hanggang alabang ng jip
5:15 – 5:35 – sakay ng bus hanggang vito cruz
5:35 – 5:40 – byahe ng jip hanggang sa may sakayan ng pedicab
5:40 – 5:45 – daan ng convenient store / mini drug store para sa tubig, imodium at babolgum
5:45 – 5:55 – pedicab ride, swipe ng timecard

.. ganyan ang magiging program ng buhay ko sa loob ng isang buwan’ at sa mga gantong pagkakataon na mag isa pa lang ako sa opisina at nahihilo pa ko sa antok, pumapasyal din paminsan minsan sa isip ko na mang hiram ng lubid sa engineering department, magbigti dito sa opisina at mamatay muna saglit para makapag pahinga lang… pero naisip ko na bukas dayoff ko naman so pagdating ng 2pm maya maya lang, iinom ako, magpapakalasing, hihithit ng sandamukal na yosi, hihithit ng apyan, mambababae kung meron, at walang makakapigil sakin kahit si mrs. cabron, yey! masaya pa rin ang buhay!!!! pero naisip ko na alas otso pa lang ng umaga at napakahaba pa ng oras para sa mga iniisip ko… taena!

Shares 0

0 thoughts on “bobblehead”

  1. salamat sa post.. napaganda mo ang otherwise pangit kong morning!… ganyan din ako from 9pm to 1am.. hehe.. di pala ako nagiisa..

  2. “4:10 – init ng tubig pangkape, pagkatimpla tatapatan ng electric fan para lumamig” <—– ayus! nagpainit tapos pilit palalamigin. sino kaya nag imbento ng paraan na to?

  3. hala. hindi kaya dumami ang pimpols mo sa skedyul mong yang? 2 hours lang halos ang tulog? ano nga bang maia-advise ko sa yo na pampatulog? susko, wala rin ata. try mo magbasa ng napakaboring na libro bago matulog, baka sakaling antukin ka. hehe.

  4. Hay, I could relate. I’ve been on the night shift for the past two weeks at nahihirapan pa rin ako matulog sa umaga. Yoko naman magtake ng sleeping pills and be dependent on it.

  5. ako din naging mild insomniac for the past few weeks dahil sa vacation. pero ngayon hirap na maibalik ang dating sleeping sched ko. pero kailangan pilitin kung hindi para akong zombie sa school. delikado pa naman lalo na pag nakaduty kmi sa hospital. usually, i nice shower po bago matulog ang ginagawa ko so i can sleep better

  6. papadala po ako ng sulat kay mrs. cabron, “sana po mag lambingan kau ni kuya jon at nang …….” …

    di ko kaya! happy new year po ulit! xD

  7. its already 2AM here….so by this time,bangag ka na ba?…may TB ka na ba sa dami ng nahitit na yosi?…at nakapambabae ka ba ng walang pumipigil?…kung lahat yan nagawa mo…congatulations,its worth all the pagpupuyat…ngayon sa lunes,humanda ka sa bagong yugto ng bobblehead part 2 nyahahahhaha!!!!^^

  8. napaka-exact ng skeyjul ha. buti ka pa once lang dinedeadma ang alarm. ako, 4-5 na beses pindot ng snooze. kelangang katukin (o gibain) muna ng nanay ko ang pinto ko para bumangaon na ako at maghanda para sa trabaho!

  9. mag gatas ka…yung isang karton inumin mo…kung indi pa yung de lata na gatas!!tganan natin..ahehe…may sleeping pills naman ah?inumin mo….yung buong bote..ahehhe…o di kaya sa opisina ka nalang matulog.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *