sermon

sabi ko nga dati, ang buhay ay hindi timbangan ng tama at mali kundi sukatan ng tagumpay at saya. ang tama sa’yo ay maaaring mali sa nakararami at ang mga bagay na kumportable kang gawin ay pwedeng hindi normal sa paningin ng iba pero sa bandang huli ikaw pa rin ang hari ng sarili mo at ikaw lang ang sarili mong tigapag-alaga. ilaan mo ang bawat oras mo sa paghahanap ng tamang pwesto kung saan ka magiging masaya at iwasan mong magsayang ng kahit isang minuto sa pagiisip ng tamang eksplenasyon para sa iba sa bawat aksyon mo, hindi mo makokontrol ang utak ng ibang tao pero ikaw lang ang may hawak kung saan at kanino ka magpapaapekto. Continue reading “sermon”

‘zup?

andami ng nagbago, natapos na akong magtrabaho sa hotel napunta na din ako sa eskuwelahang eksklusibo sa mga babae at ngayon nasa opisina na ako sa kaparehong kumpanya ng eskuwelahan na ‘yun. mahirap ang byahe dahil para makapunta lang sa pinapasukan ko kailangan ko pang sumakay ng isang taxi, mahigit sampung istasyon ng tren, at isa pa ulit taxi. madalas pa na mahirap maghagilap ng taxi sa tinutuluyan ko kaya unahan talaga at swertihan lang. wala ka ng oras para pumili ng masasakyan minsan kahit mabaho ang drayber o bulok ang sasakyan pikit mata mo na lang lulunukin kase nga wala ka ng oras at kumbaga huling byahe na ‘yun bago ka tuluyang hindi na makapasok, alam na alam ng naging asawa ni salve ang sitwasyong ‘yan.
Continue reading “‘zup?”

taragistagish

isang taon na din ang nakalipas nung binuo ko sa utak ko ang konsepto ng taragistagish sa tumblr, kumbaga sa isang establisimentong itinatayo pa lang hilaw at kulang ang mga materyales na ginamit sa proyektong iyon, isang halimbawa dun ang unang display picture na ginamit ko.. larawan ng pusa, isang hayop na kung hindi ko sisipain ay walang halaga sa akin. taragistagish na yata ang isa sa may pinakasimpleng disenyo sa tumblr, puting kabuuan na kusang pinagdamutan ng arte kaya sa tingin ng iba kung iyon ang pagbabasehan parang hindi daw pinagisipan pero para sa akin ikinukumpara ko ‘yun sa isang opisinang walang kagamitan sa loob bukod sa mesa at upuan na mag aalok sa’yo ng trabaho pero kailangan mo munang maglabas ng pera at dahil nga konti ang laman ng opisina pagkakuha n’ya ng gusto n’ya sa’yo madali silang makakalipat ng ibang lugar, fly by night.
natatawa pa rin akong paglaruan sa isip ko kung ano kaya ang tumatakbo sa isip ng mga karamihan na lumabas sa taragistagish, sa paningin nila ako ang kawawa at walang magawa sa buhay samantalang malinaw na sila ang mas nanlilimos ng atensyon. sila ‘yung mga kinakailangan pang magpakita ng laman nila para lumimos ng pansin sa internet at kanino nila hinihingi ‘yun? sa mga lalaking walang ginawa kundi mag abang ng huwebes para makakita ng hubad na katawan.
at nagkataon lang na andun din ako hindi para maghanap ng inspirasyon kundi para maghanap ng pagtatawanan at sa oras na lumabas sila sa blog ko ako na ang bastos at walang respeto, hindi ko pa rin maintindihan hanggang ngayon kung papaano naging kasalanan ang magpaka captain obvious sa mga bagay na alam na alam na naman ng lahat. ang pagkaka iba lang namin ng mga pumupuri sa inyo ay ‘yung intensyon, dahil hindi katulad nila hindi ako naghahangad na bilugin ang ulo n’yo para lang makaiskor sa inyo pero alam mo ba ang “masakit” na pagkakapareho naming lahat? ang masagwa sa paningin ko ay masagwa din sa mga mata nila pero ako lang ang may boses na sabihin ‘yun ng harapan sa’yo. Continue reading “taragistagish”

araw ng kagitingan

sa iba ang kaarawan ay basta numero lang na idadagdag sa idad nila at bilang ng taon ng pamamalagi nila dito sa mundo pero para sa akin kung mas palalalimin pa ang kahulugan nun ito ay tagumpay ng nanay ko sa pagaalaga ng isang sanggol na sakitin, pagiintindi sa batang nagpupumilit magrebelde, at pagpapaalpas sa anak na pinatibay ang mga pakpak ng panahon at sariling karanasan. kagabi pa ako nakakaramdam ng lungkot na hindi ko alam kung saan nanggagaling, nalulungkot ba ako dahil bertdey ko at malayo ako sa amin? kalokohan, pang apat na bertdey ko na sa bansang ‘to at isa pa kung nasa amin din naman ako malamang ako din lang mag isa ang magiinom katulad ng mga sinundang bertdey ko. siguro ganun lang talaga, nasa idad na siguro ako na tuwing nadadagdagan ang idad mo kailangang obligahin mo ang sarili mo na magpakamatanda at sa totoo lang sa dahilan na ‘yan naipagkakamali ko lang siguro na lungkot ang takot na nararamdaman ko. Continue reading “araw ng kagitingan”

BSrelationship

nakakatakot ang biglang pumasok sa isip ko habang nilulunod ko ang mukha ko sa patak ng shower kanina, masaya naman ako kung nasaan ako ngayon at kahit papaano proud naman ako sa kung anong narating ko pero hindi ko maiwasan hindi magkaron ng panghihinayang pag pinagiisipan kong mabuti ang lahat.
kung iisa isahin at uumpisahan ko sa simula sana hayskul pa lang inayos ko na ang lahat para mas nagkaron sana ako ng gana at yabang na panindigan ang kolehiyo. wala akong inatupag nung hayskul kundi makipag relasyon na ayos sana kung pagiging inspirado ang paguusapan pero ang mahirap sa akin kung relasyon ang kalakasan ko, relasyon din ang mismong kahinaan ko. wala akong naging maayos na relasyon sa buong buhay hayskul ko kaya ang pagkakaiba iba lang nila mas matagal akong  nagsayang ng oras sa isa kesa dun sa iba. normal akong estudyante nung hayskul at may mga iilan din naman akong kaibigan, ayun nga lang mas pihikan pa ako sa kakaibiganin kesa sa rerelasyunin ko. mabilis na nangalahati ang sampu dahil sa dahilan na ayaw sa kanila ng karelasyon ko at hindi din nagtagal nung kinailangan ko na rin na umiwas sa limang natira dahil naman sa kabaliktaran na dahilan, sila naman ang may ayaw sa karelasyon ko. hindi na kailangan pang pag isipan ang mabigat na desisyon na ‘yan nung mga panahon na ‘yun, hindi mo obligasyon na gustuhin kung sino man ang karelasyon ko pero wala kang karapatang ayawan s’ya. malabo pero ayan ang naging batas. Continue reading “BSrelationship”

makikisakay lang

ayan na nga ba ang sinasabi ko! kaya nga ba hindi ako pumapatol basta basta ng walang halong pag iingat, natural uunahin mo muna ang kaligtasan mo bago ang kung anong makamundong pagnanasa meron ka tsaka sa lahat talaga ng pagkakataon kailangan wais ka at tuso. ..tsaka ayun nga pala huwag kang papatol sa alam mong may nagmamay ari na, maniwala ka sa akin mahirap malagay sa sitwasyon na sa bandang huli pagsisisihan mo na sana nagsaltik ka na lang sa banyo hindi ka pa nalagay sa alanganin. minsan ko na din naranasan na ilublob ang paa ko sa kaparehong ilog na ‘yan para sukatin ang temperatura ng tubig at mabuti na lang nagawa ko pa ring bawiin ang paa ko sa pagkakalubog sa ilog bago  pa mahulog ang buong katawan ko dun. nasa kolehiyo ako nun nung hindi sinasadyang magantihan ko ng inosenteng kindat ang malambing na ngiti ng babaeng nasa parehong kurso ko pero nasa ibang klase, tawagin na lang natin s’ya sa pangalang “christina” dahil sa malaking pagkakahawig n’ya kay christina aguilera nung mga panahon na ‘yun at sa totoong dahilan na nakalimutan ko na ang totoong pangalan n’ya.. at sa totoo lang pati ang itsura n’ya kaya imbento na lang din ‘yang christina aguilera na ‘yan.
Continue reading “makikisakay lang”

federer

kung matagal ka ng nagbabasa sa blog ko o sumusubaybay sa twitter ko malamang alam mo na hindi ako katulad ng pangkaraniwang lalaki dahil wala akong sports at 3 inches lang ang ano ko. ang totoo, walang kinalaman ‘yung huling sinabi ko na ‘yan para sa entry na ‘to.. nabanggit ko lang naman ‘yun.
sumubok din naman akong magbasketbol nung kabataan ko kasama ang mga pinsan ko pero dahil lumaki akong sakitin na bata madalas akong mapagalitan ng nanay ko tuwing umuuwi akong pawisan galing sa paglalaro, hanggang dumating ako sa punto na hindi na sapat ‘yung libang na nakukuha ko sa paglalaro nun kesa sa latay na dinadanas ko sa palo ng nanay ko at unti unti nawalan na din ako ng interes. siguro kung paglalaruin ako ngayon ng basketbol kaya ko pa rin naman pero malamang hindi ko na kayang maglaro ng tama. ako ‘yung tipo ng bata na naiiwan sa paglalaro ng tau tauhan sa lupa tuwing magtatakbuhan na ang mga kalaro n’ya para manood ng PBA sa tv. hanggang ngayon wala akong interes sa kahit na anong sports maliban sa boxing. nakakita ka na ba ng isang pares ng unggoy sa isang grupo na nagkakagatan at kalmutan? pansinin mo kung papaano maghiyawan ang mga ibang unggoy na nanonood sa kanila at ‘yung iba nagpapalakpakan pa habang inuuga nila ‘yung mga sangang tinutuntungan nila, tingin ko sa kanila natin nakuha ang pagkahilig natin sa panonood ng mga kabrutalan. hindi din ako naniniwala na ako lang dito ang nanonood ng circus o mga sayawan na nagliliparan sa ere ang mananayaw para talaga sa intensyon na malibang lang talaga kundi para mag abang ng kapalpakan o aksidente, ipokrita ka kung sasabihin mo na hindi tayo magkatulad.. o kaya mahinang klase ka ng tao at ikaw ‘yung tipo ng estudyante dati na dahil takot mabasted pag nagbigay ng sulat sa crush n’ya “from secret” ang ipipirma at kunyari may nagpapabigay lang, supot!
Continue reading “federer”

midnight snack

ang isang malawak na espasyong pumapagitna at naghihiwalay sa pagiging manunulat at ng mambabasa ay ‘yung pag nagsusulat ka hindi mo kailangan ng mambabasa para matawag kang manunulat, ang kailangan mo lang ideya. hindi tulad pag ikaw ang nagbabasa kailangan mo ng letra ng nagsusulat para matawag kang mambabasa dahil kung wala nun mas lohikal na tawagin ka sa mas ibang pagkakakilanlan katulad ng ale o mama o kaya normal na taong internet lang. sa mas madaling salita, kailangan ng pangalawa ang nauna at p’wedeng paghugutan ng lakas ng nauna ang pangalawa pero hindi ibig sabihin na ikamamatay n’ya ang pagkawala nito. ang manunulat ay mananatiling manunulat hangga’t pumapayag s’yang kunsintihin ng mga letra n’ya ang landi ng utak n’ya. Continue reading “midnight snack”