hiroshima

unang araw:

walang tubig sa buong building namin at kung matagal ka ng nagbabasa dito sa blog ko alam mo na ang sumpang kaakibat ng sitwasyon na ‘yun para sa akin. nung una kong nalaman na wala kaming tubig nataranta ako at kung ‘yung iba nalugmok sa pag iisip ng gagamiting tubig pampaligo kinabukasan bago pumasok sa trabaho iba ang sa akin, nataranta akong maghagilap ng imodium habang iniisa isa sa isip ko ang mga kung anu anong pinagkakain ko buong araw.
kung malaking kapakinabangan ang likot ng utak ko sa mundo ng internet malaking problema naman ‘yun sa tunay na mundo at hindi uubra ang basta dalawang kapsula lang ng imodium para mawalan s’ya ng kontrol sa sikmura ko.

wala pala kayong tubig? tingin ko ngayon ang pinakatamang panahon para magtae.

Continue reading “hiroshima”

batas

bukod sa kailangan mo ng imbitasyon at hindi ka p’wedeng basta basta papasok na lang ng walang pahintulot kung ayaw mong maipalapa sa mga aso at mamatay, katulad ng isang kaharian may mga batas din na kailangang sundin ang mga magtatangkang pumasok sa buhay ko. kung tutuusin simple lang naman ang mga ito at sa katunayan hindi ko na nga kailangan pang sabihin ang ilan dahil otomatik na ‘yun para sa mga may sentido kumon.
huwag ka sanang malito sa bilang ng pagkakasunod sunod nila dahil ang batas na pinag uusapan natin dito ay walang timbangan ng kung ano ang mas pinaka importante at alin ang hindi, maliban lang dito sa nauuna.

Continue reading “batas”

para sa mga babaeng may babaerong karelasyon

kung ikaw ay babaeng nasa loob ng isang relasyon gelpren ka man o asawa ang payong ito ay para sa’yo at ito ay may kinalaman sa pambababae ng iyong kabiyak. kung kumpirmado ng may kinalolokohan si lalake ito ang pinakatamang panahon para magpakahinahon at lawakan ang isipan, huwag na huwag kang magwawala at pakaiwasan mong dumating kayo sa punto na kinakailangan n’yang pumili sa inyong dalawa nung isang babae kung ayaw mong mabakante ang kabilang bahagi ng kama mo. isa sa pinakakaraniwan at pinakamalaking pagkakamali ng babae ang subukang makipagpabigatan sa timbangan ng pagiging importante sa babaeng kasalukuyang kinalolokohan ng karelasyon n’ya, kumbaga sa boksing pasimula pa lang ang laban talo ka na, papasok ka pa lang sa ring may sumusuntok na agad sa batok mo, at kung ordinaryong gloves ang gamit mo kamaong bakal naman sa kalaban mo. bakit ko nasabi ‘yan? Continue reading “para sa mga babaeng may babaerong karelasyon”

lakbay diwa

kulang na lang ng isang araw para makumpleto ko ang isang buong linggo na halos walang tulog. imbis na isang mahabang paghimlay ang nasa pagitan ng madaling araw at umaga ko anim na araw na akong nagtitiis sa lima hanggang pitong maiikling pag idlip lang, ansakit sa ulo at nakakabaliw. walang epekto ang cough syrup na dalawa’t kalahating kutsara kong ininom nung isang gabi, inabot pa rin ako ng liwanag sa panliligaw sa mailap na antok.
makalipas nga ang anim na araw kanina lang ako nakatulog ng maayos at dire diretso, salamat sa dalawang tabletas ng pangontra sa sakit ng ulo na may kahalong mabisang pampaantok. Continue reading “lakbay diwa”

metamorphosis

ako ang balon na nagbigay  ng tubig  at hindi ang pagkasaid ko ang katapusan ng kapakinabangan ko, naging tambakan ako ng basura at nung napuno tsaka tinabunan ng lupa at kinalimutan.
nagmistula akong dyamante sa suot na singsing ng isang babaeng may ketong, makinang na gintong ngipin sa nabubulok na gilagid. kung ang mundo ay isang tipak na tae, ako ang isang butil ng mais. Continue reading “metamorphosis”

kung bakit malamang wala pa din akong atm card sa susunod na sweldo.

ako ang kakaibang kahulugan ng tinatawag nilang ghost employee. kung ang pangkaraniwang kahulugan nun ay ‘yung mga pangalang nakalista bilang empleyado na sumusuweldo na parang normal kahit na hindi naman pisikal na pumapasok sa trabaho medyo mas malapit sa literal na kahulugan ng salita ang sitwasyon ko, ako ‘yung pumapasok ng normal pero parang multo na wala namang nakakakita. ang tawag sa akin dito “kuya” o kaya “mr. IT” walang nakakaalam ng pangalan ko maliban sa sekretarya na nag interview sa akin dati, ang tawag sa akin ng boss ko “rodel” at sabi ng sekretarya n’ya ayun daw kase ‘yung pangalan ng pilipino din na IT dati dito.
mahigpit ang utos sa aming mga empleyado na kailangan sa likod ng hotel kami dadaan pag papasok at dun din lalabas pag uuwi dahil bawal kami sa harapan sa daanan ng mga guests. ako lang ang empleyado na nakakalabas masok sa harapang daan, isang adbentahe ‘yun na hindi ako namumukhaan ng mga tao sa front office kaya akala nila guest din ako. hanggang dumating ang araw na may kinailangan akong iuwing trabaho sa bahay at kailangan kong ipasa ‘yun kinabukasan ng naka folder, gaya ng pangakaraniwan dire diretso ako sa harap pero bago pa ako sunduin ng elevator mula sa taas may babaeng sumita sa akin, kung aplikante daw ako maghintay muna ako at umupo dun sa gilid ng reception at ipapatawag na lang kami isa isa para sa interview, dun ko lang napansin ang iba’t ibang lahi na nakaupo sa bahaging iyon na ang ilan masama pa ang tingin sa akin sa paghihinalang balak kong unahan sila. .. ayun ang ikapitong buwan ko ng empleyado sa kumpanyang ito at ang huling beses na sinuway ko ang patakaran nila na huwag dumaan sa harap. Continue reading “kung bakit malamang wala pa din akong atm card sa susunod na sweldo.”

liga

pasensya na kung muntik ng abutin ng isang buwan bago ako nakabalik para magsulat ulit, naging sobrang abala ako nitong unang pasok ng buwan ng nobyembre at halos hindi ko nga namalayan na kaunting gising na lang at magpapalit na naman pala ng buwan. ang balak ko talaga susurpresahin ko kayo na matapos akong mawala ng ilang panahon bigla akong susulpot para magpost ng picture ko habang nakauniporme ng pambasketbol kasama ang mga kateam ko pero eto kase ang naging kuwento.
sa pangalawang beses na nakasabay ko si bruce na dating housemate sa bahay ni kuya sa PBB dun sa pinagpapagupitan ko nagkaron kami ng pagkakataon na makapag usap habang hinihintay namin pareho na mabakante ‘yung bakla na tapusin ‘yung gupit ng nauna sa amin. nagyoyosi kami nun sa labas at nagkaron kami ng kaunting tipikal na palitan ng tanungan at sagutan matapos n’yang sagutin ng ngiti ang bating pagtango ko sa kanya.

saan ka dito? matagal ka na dito? saan ka nagwu work? saan ka sa pilipinas? napanood kita ah! ah sige ‘wag na natin pagusapan ‘yun. 
kumbaga sa tren na maayos na bumibiyahe ganun ko maikukumpara ang takbo ng usapan namin na sa kasamaang palad lumihis ang gulong sa riles. Continue reading “liga”

bubong

isa sa mga simple kong pangarap nung bata pa ako ang makaakyat sa bubong ng bahay namin. wala naman akong ibang dahilan talaga, siguro nung mga panahon na ‘yun gusto ko lang makita ang mundong ginagalawan ko mula sa ibang  anggulo at gusto kong madiskubre kung ano ang mga makikita ko sa taas ng bubong na hindi ko nakikita pag normal akong tumitingin mula sa lupa.
hindi lang siguro sampung beses akong tinutulan ng nanay ko sa limang beses na sinasabi ko sa kanya ang pangarap ko na ‘yun at hindi lang siguro limang beses akong napalo sa tatlong beses na nahuli n’ya akong palpak na sumusubok abutin ang pangarap na ‘yun.
hindi ko makakalimutan ‘yung isang araw na umuwi ako galing eskuwelahan at nalaman ko na wala ang nanay ko sa bahay kaya dali dali akong nagpalit ng damit pang bahay at pinlano ko ang pag akyat sa bubong na ‘yun. wala akong gamit na hagdan pero sa tagal kong pinag isipan ang pag akyat na gagawin ko at sa tagal kong pinag aralan ang diskarteng gagamitin ko saulado ko na kung saang parte ng bakod naming gawa sa lumang yero iaapak ang paa ko para maiangat ang sarili ko paitaas sa mas matibay na maapakan palapit sa bubong namin. tatlong malaking pagkakamali ang hindi ko napag handaan. una, nagkamali ako ng pag husga sa tibay ng inaapakan ko na nabali at kasabay kong nahulog mula sa itaas na ikinasugat ng paa kong sumakto sa isang nakausling lumang yero sa ibaba, mabilis na kumalat ang dugo sa kinabagsakan ko at namutla ako nung nakita ko ‘yung sugat na nakabuka sa paa ko, hindi ako makaalis sa kinabagsakan ko dahil sa masamang pwersa ng pagkakahulog ko. ‘yung dalawang pagkakamali ko, nagkamali ako ng akala na sa malayo nag punta ang nanay ko at pangatlo nagkamali ako ng tantya sa oras ng uwi n’ya. Continue reading “bubong”