kimbo

kimbodedkimbo
alam kong masaya ka dyan sa lizards’ limbo, kapiling ng mga iba’t ibang herbivore reptiles na tulad mo, sa hardin sa loob ng bakuran ni sir lord.. patawarin mo ko sa lahat ng pagkukulang ko, sobrang hassle talaga sked ko kaya di na tulad dati na araw araw kitang nahahawakan at naaalagaan.. masyado talaga akong kupal pagdating sa time management.. sorry’
… okei okei’ nagka PSP kse ako kaya di na kita naaasikaso’ sorry na.. di mo naman kailangan na hindi huminga dahil lang dun ah’ nun naman huli kitang pinakain nung isang linggo di ka naman kumibo.. sana nagpahiwatig ka kung masama pakiramdam mo o kung masama ang loob mo.. pinaliguan pa nga kita nun ah.. hmp! baka naman nagtatampo ka lang at nagpapatay patayan.. okei bibigyan kita ng sampung segundo para gumalaw.. isa..anim…walo..sampu! gudbye!
R I P
KIMBO d’ DRAGON
may – july

payback

isang blasphemous blog entry kasunod ng todo offensive entry, hindi makakalagpas sa kanya yan’ magbabayad ang dapat magbayad’ sobrang tagal umalis ng bus kanina.. pawis na pawis nako kahit nasa tapat ako ng bintana sa pantatluhang upuan, dalawa yung tiga tawag ng pasahero, yung kunduktor tsaka isang.. hmmm taga tawag lang talaga’
mainit na ang ulo ng lahat, hindi biro yung mahigit 30 minutes kang nakaupo sa bus na hindi naman umaandar’ nakakatatlong stick ng sigarilyo na yata yung mamang driver ayaw pang umalis.. dagdag buwisit pa yung pag kalampag ng mga taga sigaw sa may tapat ko para bigyan alerto yung drayber at para makuha yung atensyon nung mga pasaherong sasakay.. kung anu ano na pumapasok sa isip ko.. gusto kong umuwi at kumuha ng baril sa bahay.. sabi ko tangena bahala na’ patay na kung patay! pero naisip ko na kung uuwi pa ko malamang di ko na aabutan tong bus na to, terti minutes din ang byahe pabalik.. at naisip ko din na sobrang late nako pag umuwi pako, kumuha ng baril, tapos mamaril pako,
at bukod dun naisip ko rin na wala naman nga pala akong baril sa bahay..
nung medyo umaandar na paunti unti yung bus.. nakita ko yung nagbebenta ng tubig iniilag ilag nya yung ulo nya.. tangena nanlaki ang mata ko.. may malaking ipis na lumilipad! sa isip ko tangenang bus na to sa tagal umandar tinubuan na ng ipis.. may napakatinding takot ako sa ipis.. nag escort ako dati sa ms. muntinlupa sa pinsan ko’ nung question and answer na bigla akong nawala.. may lumilipad kse na ipis akong nakita at dumapo pa mismo dun sa lalaking nagtatanong’
di ko malaman ang gagawin ko habang nakaupo sa bus, gusto kong magdasal pero nagiguilty ako dahil dun sa entry ko.. gusto kong magtapon ng pera, gusto kong magpapremyo.. kung sino makakapatay sa ipis na yun’ magbabayad ako.. bente, singkwenta, isandaan.. wala akong pakialam’ mawala lang yung ipis na yun sa sistema ko’
kung yun yung paraan ng paniningil para sa entries ko, syempre hindi nya naman papaliparin yun dun kung hindi papadapuin sa akin.. naisipan kong yumuko na lang at magtulugtulugan kahit pawis na pawis nako sa kumbinasyon ng init at pagkatakot.. ng maramdaman kong parang may nalaglag sa may balikat ko kasabay ng matuling paggapang ng matutulis na paa sa may batok ko.. anlakas ng sigaw ko ng “inaaaaaay!!!” napatayo pa ko sa inuupuan ko.. tawanan yung mga pasahero, lahat nakatingin sakin.. bilang depensa sumigaw ulit ako.. “putangina kse sa tagal umalis inipis na tong bus” napatigil sa pagtawa yung kunduktor at taga sigaw.. sabi nung kunduktor “eh di sana bumaba ka na kanina” sabi nung taga sigaw “kung gusto mo ng mabilis dapat nag taksi ka” .. di ako nakakibo.. yumuko na lang ulit ako’
natutunan ko nung mismong oras na yun na hindi magandang kumbinasyon ang pagpapakita ng karuwagan sa ipis at susundan mo ng paninindak at pagsigaw sa kunduktor.. hindi epektib.. hindi gagana.

ibigay mo sakin ang espasyong natitira para humingi ng paumanhin sa huling dalawang entries ko.. gusto ko lang magpasaya, gusto ko lang matuwa yung mga kapatid ko.. kung nagamit man kita patawad na.. kung talagang dapat akong magbayad dahil dun.. wala akong magagawa’ sana lang kung mamarapatin mo magbibigay ako ng anim na keywords na wag naman sanang mapabilang sa mga pagdadaaanan kong kabayaran:

1. ipis
2. pagtatae
3. holdap
4. sipon
5. format
6. hindi pagtigas
.. maraming salamat po!

christopher

nung unang panahon merong isang henyo ngunit pilyong bata na nagngangalang, christopher’ isa syang ventriloquist, kaya nyang magsalita ng hindi bumubuka ang bibig at palabasing hindi sya ang nagmamay ari ng boses na nagsasalita.. isang araw habang nanghuhuli sya ng ibon sa gubat nakita nya si noah na nakaupo sa isang putol na puno at nagpapahinga.. pagud na pagod sa pangunguha ng mga tuyong sanga ng puno na gagamiting panggatong’
gumana ang pagkapilyo ng batang si christopher, nagtago sya sa mataas na puno at pinalaki nya ang boses nya.. “noah, sa dadating na tag ulan ay magbabaha ng lampas poste’ pumutol ka ng mga puno at gumawa ka ng malaking barko, pasakayin mo dun ang mga tao at mga hayop na maniniwala sayo at gustong maligtas” … nagulat si noah at agad na sumunod sa boses na narinig nya.. halos tatlong buwan din syang nagputol ng mga puno sa kagubatan at gumawa ng barko.. nung malapit na ang tag ulan, halos naubos na ni noah ang mga puno sa kagubatan, kaya wala ng mga ugat ng puno na sisipsip sana sa malakas na agos ng ulan.. 1 +1 do the math.. kaya bumaha!
tawa ng tawa si christopher na nakatakda palang mangibang bayan bago dumating ang tag ulan sa lugar na yon..

hotchick from slum

sakay ako ng jip byaheng vito cruz – taft, jeprox yung drayber.. medyo may idad na pero ang tugtog sa stereo nya alternative rock.. tabi kami sa unahan’ makuwento sya’ dati daw sya may banda, san daw ako nagtatrabaho?!, puro matatakaw daw yung mga pulis trapiko sa makati.. etc. etc. maya maya tulad ng normal na byahe sa kalsadang yun’
may tinigilan syang kanto.. naghintay ng pasahero, may naaninag akong papalapit, babaeng maputi na naka sleeveless at naka short shorts.. hotchick from slum and dating’ napapalatak ako kay mamang drayber, sabi ko “ayos, dito mo na sa unahan pasakayin” napatingin sya tapos napangiti sakin.. pag lapit nung babae sinabihan nya “dito ka na sa unahan” .. sa tabi nga namin sumakay yung babae, ang bango’ amoy shampoo.. nakatingin lang si manong.. nginitian ko sya’ maya maya nagsalita yung babae.. “hinahanap ka ni pareng rolly., birthday nya raw bukas tulungan mo raw sya magkatay ng baboy”
napatingin si manong drayber sakin bago magsalita “sige daan tayo mamaya, si henry ba tulog na?!” sagot si hotchick from slum.. “hindi pa, bayaan mo na wala namang pasok bukas, iniwan kong nanonood ng tv” hindi ko na matandaan yung mga nangyari habang bumibiyahe kami.. basta napansin ko na lang na basang basa ako ng pawis at hindi ako makahinga.. pumikit ako ng madiin at pagmulat ko nasa harap nako ng bababaan ko..
may mga pagkakataon na iniisip ko na tutal naman bulol ako, sana ginawa na lang ng diyos na di -roskas ang dila ko.. para pag nasa biyahe ako at di naman kailangang magsalita.. babalutin ko na lang ng panyo yung dila ko tapos ibubulsa ko..

technophobia

kanina bago ako pumasok, pinaayos ng nanay ko sakin yung laptop nya’ search ako ng driver ng videocard and soundcard sa net.. install ko at dahil malelate nako’ nirestart ko lang pagkatapos then umalis nako.. tatlong oras halos sa opisina, nagtext nanay ko, nagpapatawag ano daw ba ginawa ko sa laptop nya.. may error daw’ tawag naman ako.. syempre unang tanong ano yung error?! error daw sa display.. sabi ko ano yung saktong error?! basta sa display something daw, sabi ko apat na libong error ang pwedeng lumabas na may nakasulat na display.. di nya raw kse nabasa at pinatay nya na yung laptop.. wtf?!
paguwi ko kaninang umaga.. nadatnan ko silang nagaalmusal, nakiramdam ako.. mainit ulo ko, trapik na naman kse sa alabang.. nagawa na raw ng tatay ko yung laptop, saglit lang ginawa.. parang may halong pangungutya pa yung tono nya na tipong “wala ka pala eh”
di ako kumibo.. tumango lang ako, wala ako sa mood makipag diskusyon at makipag usap.. inaantok nako’ pagkagising ko nagyoyosi yung tatay ko sa terrace, kailangan kong pumunta dun kse papakainin ko yung iguana ko, di nya binabanggit yung sa laptop kaya ako na nagtanong, wala naman daw syang ginawa pag bukas ng laptop may nakalagay kung tinatanggap yung bagong display setting, pinindot nya lang yung OK.. di na lumalabas ulit.. oh a genius’
naisip ko lang na siguro nung mga kerubin pa tayo sa langit bago tayo ideploy sa lupa kinakausap tayo ni baby jesus..

baby jesus: ikaw ginang cabron, gusto mo bang maging masipag na nanay sa lupa?
gng cabron: aba opo!
baby jesus: ilang porsiyento?
gng cabron: isandaang porsiyento, baby jesus!
baby jesus: okei.. pagdating sa COMPUTER naman anong BRAIN ang gusto mo?
pero dahil abala ang nanay ko sa pagtugtog ng harp nung mga oras na yun.. ang rinig nya TRAIN.. kaya ang isinagot nya:
gng cabron: yung mabagal lang po!
baby jesus: kk

hiatus

kung regular visitor ka dito sa blog ko at hindi ka kasama sa mga alternicks ko na palihim na nagpopost ng mga comments dito para magmukhang maraming sumusubaybay at apektado sa mga pinagsususulat ko.. kung hindi ka naligaw lang dito dahil sa naloko ka ng hoax email na nagsasabing pumasok ka dito sa blogsite na to para makita mo si angel locsin ng nakahubad.. kung naloko ka lang sa chat room ng isang nagpost na dito ka yayaman sa site na ito.. mapapansin mong pasulpot sulpot na lang ako magblog sa ngayon.. di na tulad dati’ ayoko ng magpaligoy ligoy pa o magimbento ng mga dahilan para lang lumabas na sobrang busy ko.. na wala kseng nangyayaring makabuluhan sakin.. or what’
the thing is na approved kse at nasa kamay ko na yung citibank creditcard ko at ginamit ko na sya.. sobrang na amused ako papirma pirma lang, para kong may ari ng SM na lahat ng ituro napapasakamay ko.. kailangan lang pumirma.. sobrang naging alipin ako ng card.. eto yung mga nabili ko sa loob ng isang araw lang na pamamasyal at papirma pirma sa SM:
1. psp w/ 4gig mem (white)
2. logitech playgear pocket (white)
3. 993 pcs. personalized calendar (2007 – 3000)
4. personalized 99% silver doorknob from silverworks
5. grapes
6. milks
7. labindalawang damit sa guess na tiglalabindalawang kulay bawat isa
8. sandamukal na groceries na parang pang bukas ng sari sari store
9. kumain din kami sa isang resto at nagbatuhan ng lechon.. umorder ng turkey na may kaldereta sa loob ng tyan.. etc etc’

sa ngayon wala akong ibang ginagawa bukod sa magtrabaho kundi mag PSP habang nakababad yung mga paa ko sa katas ng ubas.. kaya pasensya na kung bihira na ko makapag update.. sana naiintindihan nyo at di pa rin kayo magsawang sumubaybay sakin..
mahal ko kayo!

alamat ng kesong puti

   sa isang malayo at liblib na isla ng doroteo nakatayo ang isang napakalaking kaharian na gawa sa isang ordinaryong keso, keso na kulay dilaw’
makalipas ang limang taon pagkamatay ni reyna aurora..  natagpuan ni haring damian ang kanyang anak na si prinsesa elena na malungkot sa kanyang silid, “mahal kong anak, di yata’t hindi nagamot ng limang taong lumipas ang pangungulila mo sa iyong mahal na ina” napatingin si prinsesa elena at dagling pinunasan ang mga luhang kanina pa dumadaloy sa kanyang mga pisngi, “mahal kong amang hari, ang pagkamatay ni ina ay sadyang napakahirap dalhin, ngunit tanggap ko na, sa kadahilanang wala na naman tayong magagawa.” “kung gayon ano ang bumabagabag pang iba sayo oh aking prinsesa?” tanong ni haring damian sa anak na prinsesang nababakasan ng lungkot sa mukha.. “ang ating pader na yari sa keso, mahal na amang hari’ kung mamarapatin nyo po’y nais kong ipabago ng kulay, sa tuwina’y naaalala ko si ina at ang kanyang mga pagdidisenyo, pagnakikita ko ang mga pader na iyan” tugon ng anak sa amang hari, “kung iyon lamang, anak kong mahal,  ang iyong pinagkakaganyan.. bukas na bukas din ay ipapatawag ko ang ginoong si simeon ang henyo, at tanyag na taga gawa ng kesong pader sa buong isla doroteo!”
   kinabukasan..
umagang umaga pa ay pinulong na ni haring damian ang lahat ng tao sa kaharian’ maya maya pa’y bumaba mula sa hagdan na nababalutan ng iba’t ibang kulay ng rosas si prinsesa elena, palakpakan ang mga tao na agad ding pinutol ni haring damian.. “konting katahimikan.. andito tayong lahat ngayon upang ianunsyo ang pagpapalit natin ng kulay ng kesong pader.. bunga na rin sa kagustuhan ng aking pinakamamahal na anak .. si prinsesa elena!!! muling nagpalakpakan ang mga tao bilang pagsalubong sa kanilang mabait na prinsesa..
nahihiyang nagsalita si prinsesa elena.. “alam nyong hindi na kayo iba sa amin ng aking mahal na amang hari, mula sa pagkabata ng aking nasirang ina ay andito na kayo sa kahariang ito na yari sa keso..” “ngayon ay hinihingi ko ang kooperasyon nyo.. kailangan natin ng pagbabago.. kailangan nating lumimot sa nakaraan, iwanan ang mga malulungkot na pangyayari at humarap sa bukas ng may bagong pag asa! .. at ito ay isinisimbulo ng bagong kulay ng ating pader na gawa sa keso!!”
sigawan! ang mga tao.. kanya kanyang bulungan at suhestiyon, ngunit nangibabaw ang isang boses’ ang boses ng ginoong henyo at tanyag na  tagagawa ng pader na keso..
“bakit hindi puti?! puting kulay ang nababagay sa ating bagong kaharian..”  napamaang na napatingin si prinsesa elena sa kanyang ama.. at parang hangin na lumabas sa kanyang mga labi.. “ke-song – pu-ti!” napuno ng kagalakan si haring damian at itinaas nya ang kanyang nakatikom na kamo at napasuntok sya ng pataas, habang isinisigaw ang “kesong puti! kesong puti ang magiging kaharian natin!” sumangayon ang lahat ng mga tao at sabay sabay silang nagsigawan ng kesong puti!

makalipas ang mahigit isang taon.. masayang naghihintay ang henyong taga paggawa ng kesong pader sa labas ng silid kung saan iniluluwal ng kanyang prinsesang asawa ang kanilang unang anak.. tahimik naman na nakamasid ang mahal na haring damian ngunit hindi maitago ang kagalakan sa kanyang unang apo..
hanggang sa lumabas ang taga pagpaanak kasunod ng iyak ng sanggol.. “lalaki! lalaki ang anak ni prinsesa elena!!” sumugod agad ang lalaki sa loob upang makita ang bagong silang na anak at madamayan ang nanghihina pang si prinsesa elena..
maluha luhang kinarga ni haring damian ang kanyang apo at lalong nalubos ang kanyang kasiyahan ng sabihin ng anak na prinsesa na sya ang naka takdang magbigay ng pangalan sa bagong silang na sanggol.. napatingin sya sa manugang na si simeon na tumango naman bilang pag sang ayon…
mula sa araw na ito.. sabi ni haring damian..
ikaw apo ang nakatakdang mamuno sa lahat ng ating nasasakupan..  at ikaw ay pinapangalanan kong…..  “francis jeremy”
masayang nagyakap ang mag asawa..

* tangenang bus na sinasakyan ko dito sa pedro gil’ sobrang sugapa ng kunduktor at drayber.. nakagawa nako sa isip ng isang buong kuwento mukhang wala pa ring balak umalis.. bulsyet naman oh’

yapak

 palakad lakad pa kayo ng nakapaa.. sus ginagawa ko rin dati yan pag nanghahablot ako ng sumbrero sa dyip! para mas mabilis ang takbo hinuhubad ko yung tsinelas ko kaya tigilan nyo na yan.. at tigilan nyo yang kakabuhat ng krus sa kalsada dahil kung gusto nyong magsisi sa mga kasalanan nyo dun kayo sa mga kwarto nyo.. magdasal kayo ng taimtim at mangakong hindi nyo na gagawin yung kung ano man yun.. dahil pag sa kalsada nyo pa ginawa yung pagtitika nyo.. ang lumalabas mas lamang na gusto mo lang makita ng mga tao na nagsisisi ka sa kasalanan mo.. wala silang pakialam dapat dun..
  at kung sasabihin mo sa kin na irespeto ko yung paniniwala nyo.. pwet este pwes nasa blog kita.. akin to kaya paniniwala ko lang ang dapat irespeto dito.. at kung magpapaka smart ass ka na dadalihan mo ko ng mga aral aral.. eto lang masasabi ko..
nakasulat na ang katawan natin ang templo ng espiritu santo.. kaya kontra yun na kailangan mong pahirapan ang katawan mo para maging kalugod lugod ka sa paningin ng diyos.. sabi nya pangalagaan daw natin yung templo nya.. one plus one’ ibig sabihin
pangalagaan natin yung katawan natin.. wag tayo manigarilyo, wag tayo uminom, wag tayo magpasok ng kahit na anong kemikal na makakasama sa katawan natin at higit sa lahat wag tayong magpaa sa kalsada at wag tayong magbuhat ng mabigat.. anak ng baka di mo ba alam yun?!

gudmorning pilipins

naisip ko lang kaninang umaga habang nasa bus.. byaheng pauwi galing sa midnight shift.. ang lamig ng hangin na pumapasok sa nakabukas na bintana.. nakaka antok’
 may sumabit na dalawang kabataan sa bus’ parehong may dalang plastik na nakatago sa ilalim ng damit nila.. hindi mahirap hulaan na rugby yung sinisinghot nila.. sa ganung oras ha! .. siguro yun na yung almusal nila.. pinapababa sila nung kunduktor na payat.. pero di sila natinag.. nasa may pinto lang naman daw sila at malapit na raw sila.. walang nagawa yung kunduktor.. kahit pa natatakot na yung ilang mga kasabay kong kolehiyala.. pero infairness mukha naman walang balak mag trip yung dalawang bangag.. naisip ko lang ano kayang pakiramdam ng rugby sa almusal?! sabi nila nakakahilo daw yun.. so ibig sabihin pasado alas sais ng umaga nagpapakahilo sila.. para makalimot daw sa gutom.. pwede nga naman’ pero pano pagkalipas ng tatlong oras pag wala ng amats ng rugby?! sisinghot ulit?! followup?! potah!
 sa may tulay sa expressway sila bumababa.. at infairness ulit sumigaw sila ng pasasalamat dun sa kunduktor.. heheh talo pa yung ibang mga may pinagaralan na walang modo ah’ .. sinundan ko sila habang naglalakad sila.. sumisinghot pa rin silang dalawa.. napansin ko dun sa nilagpasan nila may isang gripong nakabukas.. tapos may lumapit na nanay karga yung anak nya.. yung bata nakasando lang walang salawal.. hinugasan nya yung pwet ng anak nya dun sa gripo.. pagkatapos dumating yung isang anak nya.. umiiyak.. madaling hulaan na mas panganay yun kesa dun sa batang hinuhugasan ng pwet.. maya maya lumuhod yung batang panganay sa gripo tapos uminom sya gamit yung kamay nya.. yun na rin siguro yung almusal nya’ potah!
  tuloy ang byahe ng bus.. anlamig pa rin ng hangin..
   hindi kalayuan dun sa lugar na yun may umpukan ng mga nanay.. mga babaeng may idad na.. naninigarilyo pa yung iba habang nakaupo sa tindahan.. sila yung mga nagaalmusal ng tsismis.. tumitigil lang sila kakasalita pagmakikinig sa iba o pag naghihikab.. minsan nga hindi pa’ pinagsasabay nila yung paghikab sa pagsasalita lalo na pag nasa climax na yung kwentuhan..
nakakainis isipin na yung mga karakter sa mga tsismisan nila mga natutulog pa.. kung pwede lang mabilaukan habang natutulog malamang maraming sabay sabay na mamamatay sa bangunot nung umagang yun’ .. habang kuwentuhan isa isang maglalapitan yung mga anak nila.. may humihingi ng baryang baon.. may naghahanap ng medyas.. may kulang ang butones ng polo.. may bunsong nagsusumbong kse sinipa ni kuya.. ..nanghihingi ng pambayad sa project.. kalimitan yung mga anak nila pagmagkakasing idad lang malamang sa hindi magkakaklase pa yung mga yun.. kaya dagdag sangkap sa kuwentuhan ng mga nanay pa yun.. kung sinong anak ang pinakamagaling at kaninong anak ang pinaka mahina.. ang napatae sa eskuwelahan.. ang pinakamalibog.. ang pinakaguwapo.. ang amoy nana at amoy pulbos..
 .. unti unting kakalam ulit ang mga sikmura nila.. ng mga tsismosang nanay’ ng mga bata pabyaheng eskuwelahan’ mga tatay na may hangover pagkagising kaya sumusundot pa ng isang lapad.. mga rugby boys.. pero wala naman silang mapagpipilian.. daldal na lang ulit ng daldal.. singhot ng rugby.. iipitin na lang ng mga bata yung tyan nila para di maramdaman yung pagkalam.. si tatay nangangatwiran.. ang alak laman tyan din naman.. malalasing ka na mabubusog ka pa.. sa pagkain mabubusog ka nga di ka naman malalasing..
ganyan na lang ang ikot ng buhay nila.. araw araw.. tuwing umaga’
.. sa huli ang may pinakamasayang umaga.. yung may anak na nagsipag kagabi.. nagpuyat at sinuwerte sa kara krus kaya ngayon may kropek silang mag anak pangsawsaw sa mainit na tubig.. solb ang almusal’