patuka sa utak

“ang totoo wala naman talaga akong sakit, kaya lang ako nagmumukhang may sakit dahil umiinom ako ng gamot. ang totoo, normal na sa sistema ko ang mataas na sugar at uric acid, makolesterol na dugo, mabilis na tibok ng puso, at namamagang bituka. sabi ko nga, high blood lang ‘yan wala namang namamatay d’yan, ang high blood nakakahilo lang pero hindi naman nakakamatay. “

ganun ‘yun eh

alam mo ang totoo, pag nagmamahalan kayo give and take naman talaga dapat eh. ibibigay mo lahat  sa kanya tapos ibibigay n’ya rin lahat ng kanya para sa’yo. wala kayong ititira para sa sarili n’yo. ganun ‘yun eh, ‘yung nagsasabi na hatiin mo lang at dapat magtira ka para sa sarili mo.. malamang hindi pa nakakaranas ng totoong pagmamahal ‘yun.
dahil wala naman kaseng nagmamahal na mag aaksaya pa ng panahon na lingunin ‘yung magiging sitwasyon n’ya kung sakaling mawala na sila at mag isa na lang s’ya. pag nagmamahal ka hindi ka nakukulangan pag nagbibigay ka katulad ng hindi ka nawawalan pag nagpaparaya ka at hindi ka nalulugi pag nagsasakripisyo ka. madalas kase mararamdaman mo lang na nagpakatanga ka pag tapos na.

nasa isip mo lang ‘yan

minsan may mga bagay na dumadating sa atin na kahit na anong gawin nating paraan para resolbahin hindi rin nareresolbahan. kahit na anong pilit natin na ayusin ang kung anong nakikita natin na sira wala din nangyayari. sinanay tayo ng mundo na laging dapat itama ang sa tingin natin ay mali para lang maging kumportable tayo sa lahat ng bagay.
Continue reading “nasa isip mo lang ‘yan”