sindakan lang ‘yan

pahirapan sumakay ng taxi sa lugar namin dahil bukod sa trapik halos nobenta porsiyento yata ng pasahero na sumasakay dun minimum lang ang ibinabayad dahil puro sa malapit
na metro station lang nagpapahatid. bakit ka nga naman sasakay ng taxi hanggang sa mismong pinapasukan mo kung pwede ka naman magpahatid hanggang train station lang na bukod sa laking tipid na makakaiwas ka pa sa trapik ..at kung tipikal kang katulad ng iba maliban sa akin syempre ang mas pinakamatimbang na dahilan nagte-train ka para may makasakay at makatabing seksing babae.  Continue reading “sindakan lang ‘yan”

‘yung kumpanyang ‘yun

inutusan ako ng boss ko nung isang araw na maghanap ng mga kumpanya na mag aayos ng internet namin dito sa hotel, proyekto namin ‘yun nung sekretarya n’ya dahil paalis ang boss ko papuntang ibang bansa kaya ang mangyayari ako ang maghahanap tapos ipapasa ko sa sekretarya para s’ya ang kakausap at magtatakda ng araw para sa mga presentasyon, demo, at mga kung anu ano pa, pagkatapos n’yan pipili kami ng dalawa o tatlo sa mga ‘yun na ihaharap naman namin sa boss ko pagbalik dito.
nagising ako kanina mula sa mababaw na pagtulog nung may halos tatlong minuto lang ang pagitan ng magkakasunod na pagtunog ng telepono ko, isang email mula sa sekretarya para sa kumpanyang ‘yun, isa sa sagot ng kumpanyang ‘yun, isang tawag mula sa sekretarya para itanong sa akin kung natanggap ko ‘yung palitan nila ng email, at isa pa ulit tawag mula naman sa kumpanyang ‘yun para daw sa pagbisita nila mamaya sa hotel na pinagtatrabahuhan ko. Continue reading “‘yung kumpanyang ‘yun”

pards

   hindi ko na maalala kung papaano napadpad ang mahabang usapan namin ni jec kanina patungkol dun at basta namalayan ko na lang ang sarili ko na nakakagat sa bagang ko at gigil na gigil na tuluy tuloy na walang humpay na tinatapos ang kwentong ibinabahagi ko sa kanya. hindi naman naging mahirap sa aking pulutin ang bawat piraso ng tagpong iyon, sariwa pa hanggang ngayon sa akin ang ala ala na ‘yun kaya saulado ko pa kung saan sa loob ng utak ko sila isa isang pupulutin at maayos na bubuuin. ngunit kasabay din ng paggunita ang pagsusulputan ng magkakahalong emosyon ng sakit, galit, at panghihinayang.
nasa unang baitang ako ng kolehiyo nun matapos kong tumigil ng isang taon pagkatapos ng hayskul. bagong mundo at bagong mga kakilala at para paikliin ang kwento meron akong nakilala at hindi nagtagal naging mundo namin ang isa’t isa. maayos ang relasyon namin, kung tutuusin hanggang ngayon isa ‘yun sa pinaka plantsado kong relasyon sa lahat.  Continue reading “pards”

maestro

tawagin mo ‘kong henyo sa mga sitwasyon na ganito o simpleng sensitibo.
alam ko kung sa akin pinapatama ang bala kahit hindi sa akin nakatutok ang baril.
para sa akin hindi porke’t blangko ang bala hindi na kailangang ilagan at hindi dahil daplis lang hindi na papatulan.
hindi ko na kailangan maglabas pa ng pangil dahil alam naman ng lahat na kumakain ako ng kaibigan.
buong tapang. Continue reading “maestro”

sa facebook

alam mo kung ano ang lalong nagpaliit ng paikli na nga ng paikli na pananampalataya ko sa mga tao sa facebook? ganito ang senaryo, mag post ka ng picture mo na may kasama kang mga babae na p’wedeng mga pinsan o mga katrabaho mo tapos bumilang ka ng sampung minuto at matagal na ang twenty minutes ano ang mababasa mong mga komento mula sa kalalakihan sa facebook para sa pictures na ‘yun?

1. sino ‘yung nakapula?
2. ang ganda naman nung nasa kanan mo, may asawa na s’ya?
3. ang swerte mo naman, dala dalawa ‘yan ah!
4. sama ako ng sampu!
5. ipakilala mo naman ako d’yan!

o kung medyo pailalim ang atake

1. hi jon, antaba mo ngayon ah! ..sino ‘yung nakapula?
2. saan ka na nagtatrabaho ngayon? ..ang ganda naman nung nasa kanan mo, may asawa na s’ya?
3. hanep talaga ‘tong si jon ..ang swerte mo naman, dala dalawa ‘yan ah!
4. nakapunta na rin ako d’yan, sama ako pagbalik n’yo. ..sama ako ng sampu!
5.  kelan ‘to? .. ipakilala mo naman ako d’yan!

seryoso?
Continue reading “sa facebook”

muntik na akong magkalitson sa bertdey ko

ayoko pa sanang bumangon kanina, sinadya kong magpuyat dahil kagabi ko pa balak na magbabad sa higaan at bumangon lang pag madilim na sa labas. ‘yung tipong hindi na nakakahiya na mag inom ng mag isa. mahirap iwasan ang pagpapapansin ng telepono, mahirap magpakipot sa pag agaw n’ya ng atensyon ko. natabunan na ‘yung antok ko sa pagbabasa sana ng ilang mensahe lang.
iniisa isa kong sagutin ang mga pagbati mula sa twitter hanggang facebook ng nag ring ang telepono ko, babaeng hindi pamilyar sa akin ang boses at hindi pamilyar sa telepono ko ang numero. nakita n’ya daw ang papel ko sa internet at kailangan n’ya ng tulong dahil desperada na daw s’ya sa bagal ng computer na ginagamit n’ya sa opisina, kung p’wede ko daw puntahan kahit saglit lang. bago lang ang kumpanya namin, walang IT dito, ang sagot n’ya sa tanong ko kung bakit hindi n’ya ipagawa sa nakaposisyon sa kumpanya nila. at walang tao dito kundi ako lang ngayon, naman ang sagot n’ya sa sinabi ko na hindi ako makakaalis dahil busy ako.
mabilis ang rehistro ng mga posibilidad sa utak ko. ang “enkuwentro” sa loob ng opisina mula sa isang sekretaryang nag iisa ay karaniwang pumapasok sa listahan ng limang sitwasyon na hindi dapat palagpasin ng isang tunay na lalaki,
kasama ng mga sumusunod: Continue reading “muntik na akong magkalitson sa bertdey ko”

dahil ako si jon cabron..

hindi dahil tao ka lang karapatan mo na ang magkamali at hindi porke’t nagpatawad ang diyos obligado na rin akong magpatawad.

naghain ka ng gera na ako mismo nagdududang kaya mong tapusin, kinalaban mo ako sa duwelo na laro na lang ang dating sa akin at  hinamon mo ako sa larong ilang beses ko ng pinanalunan. isang malaking hakbang ang kakailanganin mo para kalabanin ako sa larangan ng pagsusulat. at ako, kinakailangan ko pang humakbang pabalik para lang harapin ka. madalas na bastos kong hinaharap ang pagkakamali ko at wala akong modo pag alam kong ako ang nasa tama, habaan mo ang pisi mo dahil hindi pa tayo naguumpisa. kumbaga sa boksing papalapit ka pa lang sa ring namumutla ka na at bago ka pa humarap sa akin alam ko na kung saan ka titirahin, ganun akong lumaban, kung saan alam kong mas masasaktan ang kaharap ko dun ako sumusuntok. Continue reading “dahil ako si jon cabron..”