bating panimula

ako ang gumawa sa joncabron.com,
hindi joncabron.com ang gumawa sa akin.

at hindi pangalan kundi utak ang ginagamit ko sa tuwing nagsusulat.

ano na daw ba ang nangyari sa joncabron.com?
sa loob daw ng mahigit kumulang limang taon siguro inabutan na rin ng katamaran ang nagsusulat, siguro daw pati pagpapaalam ng maayos kinatamaran na rin kaya bigla na lang nawala.

sinabi ko na dati, hindi ako kahit kailan tatamarin magsulat. habang buhay mangangati ang utak ko at walang gamot dun kundi pagkamot.  isang mainit at maligayang pagbabalik sa akin dito sa luma kong bahay, kung saan nagsimula ang lahat.

hinahangad ko na kung gaano ako nasasabik magsimula ulit dito, ganun din ang sabik na nararamdaman ng dating host ng blog ko. seryosong bumilib ako nung binlocked mo ako sa facebook account mo para hindi na ako makapag padala ng mensahe sa’yo, napakahenyo kung papaano mo naisip ‘yun. naiimagine ko ang matalas na ngisi na kumawala sa gilid ng mga labi mo habang ginagawa mo ‘yun.

nung sinabi ko na hindi kita titigilan, hindi ako nagbibiro nun.
abangan ang susunod na kabanata.

Jon Cabron

love letter

dear yzz,
ipagpaumanhin mo sana kung hindi kita masyadong nabigyan ng pansin nung nagtangka kang mang agaw ng atensyon, masyadong mainit ang tagpo nung mga sandaling ‘yun aksayado ng oras kung titilamsikan ka ng kaunting pansin, pero ngayon humupa na ang init at maluwag na ako.. ‘di kita bibiguin.
ang totoo, pinagsisihan ko ang isinagot ko sa’yong ito dahil nung nagpalit ka ng theme ng tumblr mo dun lang nagkaitsura ang blog mo sa akin. hindi ko alam kung ano ang nagtulak sa’yo para bumisita sa munti kong tahanan at pagsalitaan ako ng masakit na ingles. nakakatawa na isa tayo sa nakikipaglaban na “wag n’yong pakialaman ang isinusulat ko dahil blog ko ito” pero isa rin tayo sa nagkakamali na sumalungat sa ipinaglalaban na ‘yan, madalas para tayong tanga. Continue reading “love letter”

ang nagustuhan ko po sa’yo mata tsaka poki lay

alam mo kung anong nakakarimarim? ‘yung mga magsyota na gumagamit ng po at opo pag nag uusap. seryoso, hindi lang lima o may sampung beses na pag nakakarinig ako ng ganyang tagpo malayo na ‘yung nalalakad ko papalayo pero nagsisisi pa rin ako kung bakit hindi ko dinuraan ‘yung kamay ko at inihilamos sa bunganga nung magsyotang ‘yun. Continue reading “ang nagustuhan ko po sa’yo mata tsaka poki lay”

may araw ka din

ilang gabi na akong natutulog ng maaga dahil ilang araw na akong pinapahirapan ng lalamunan ko na namamaga. ilang araw na dagdag dusa dahil hindi p’wedeng magsick leave sa trabaho. naka leave ang reliever at nakarest day ang kapalitan kinabukasan. sobrang dusa ang kumbinasyon ng pamamaga ng lalamunan at ng ubo. ansakit na ng dibdib ko kakapigil umubo dahil pakiramdam ko nagagasgas ang lalamunan ko. at lahat ng pagdurusa na ‘yan basta’t nasa bahay rin lang ako pag talagang hindi ko na kaya idinadaan ko na lang sa pagtulog. Continue reading “may araw ka din”

mayor mayor

sinabayan ko ng mahinang katok ang pagpindot ko ng doorbell sa kwartong ‘yun. may ilang segundo pa ang lumipas bago ko naaninag sa maliit na butas na silipan ang pagkawala ng sinag ng ilaw na nagmumula dun tanda na may tao na sa kabila ng pinto na sumisilip sa akin. isang malaking lalaki ang nagbukas ng pinto at sa ingles na salita pinatuloy n’ya ako at inesplika kung ano ang problema ng internet n’ya. akala ko nung una taiwanese s’ya dahil kakaiba ‘yung puti n’ya, at oo hindi intsik ang unang pumasok sa isip ko dahil.. maputi nga ‘di ba? Continue reading “mayor mayor”

sana niresetahan mo na lang ako ng mothballs

hindi ang alarm ng telepono ang gumising sa akin kanina kundi ang paghilab ng tiyan labinlimang minuto bago ang normal na paggising ko para mag ayos pagpasok ng trabaho. naantala din ng labinlimang minuto ang normal na oras ng pag alis ko dahil sa kaba na baka abutin ako ng delubyo sa daan papasok. kung normal lang sana ang opisinang pinapasukan ko na kahit kailan p’wede kang tumawag ng biglaan dahil sa mga problemang ganito baka nasa bahay lang ako ngayon, umiinom ng orange juice at kumakain ng biskwit na marie o sunflower.   Continue reading “sana niresetahan mo na lang ako ng mothballs”

central

may mga lugar na ipinapangako mo sa sarili mo na hindi mo na muling babalikan. unang beses kong nagpunta sa isang medyo bagong bukas na bar dito sa muntinlupa malapit lang sa amin, muntik pa akong makipag sukatan ng lakas sa mga bouncers ng establisimentong ‘yun kung hindi lang pumagitna ang mga malalamig ang ulo at dumistansya ng konti ‘yung mga bouncer siguro dahil sa ilang na rin sa akin. medyo tago ‘yung bar na ‘yun na nasa tapat ng dating eskuwelahan na may tomboy na teacher ng english na kamukha ni popeye at ‘yung may ari ay nakademanda ng estafa dati. Continue reading “central”

ang sagot ni jennylyn mercado sa diumano’y dalawang taong lihim na pakikipagrelasyon n’ya

dahan dahan kong tinanggal ang earfone na nakasalpak sa tenga ko pagrehistro ni jennylyn mercado sa telebisyon sa loob ng aircon bus na sinasakyan ko nung isang hapon habang pauwi galing sa trabaho. ang ganda n’ya yata ngayon, mukhang inspirado. mukhang nakalimutan n’ya na talaga si patrick garcia.
teka, komersyal daw muna sabi nung pang hapong palabas tungkol sa mga tsismis sa showbiz.
Continue reading “ang sagot ni jennylyn mercado sa diumano’y dalawang taong lihim na pakikipagrelasyon n’ya”