dahil ako si jon cabron..

hindi dahil tao ka lang karapatan mo na ang magkamali at hindi porke’t nagpatawad ang diyos obligado na rin akong magpatawad.

naghain ka ng gera na ako mismo nagdududang kaya mong tapusin, kinalaban mo ako sa duwelo na laro na lang ang dating sa akin at  hinamon mo ako sa larong ilang beses ko ng pinanalunan. isang malaking hakbang ang kakailanganin mo para kalabanin ako sa larangan ng pagsusulat. at ako, kinakailangan ko pang humakbang pabalik para lang harapin ka. madalas na bastos kong hinaharap ang pagkakamali ko at wala akong modo pag alam kong ako ang nasa tama, habaan mo ang pisi mo dahil hindi pa tayo naguumpisa. kumbaga sa boksing papalapit ka pa lang sa ring namumutla ka na at bago ka pa humarap sa akin alam ko na kung saan ka titirahin, ganun akong lumaban, kung saan alam kong mas masasaktan ang kaharap ko dun ako sumusuntok. Continue reading “dahil ako si jon cabron..”

bating panimula

ako ang gumawa sa joncabron.com,
hindi joncabron.com ang gumawa sa akin.

at hindi pangalan kundi utak ang ginagamit ko sa tuwing nagsusulat.

ano na daw ba ang nangyari sa joncabron.com?
sa loob daw ng mahigit kumulang limang taon siguro inabutan na rin ng katamaran ang nagsusulat, siguro daw pati pagpapaalam ng maayos kinatamaran na rin kaya bigla na lang nawala.

sinabi ko na dati, hindi ako kahit kailan tatamarin magsulat. habang buhay mangangati ang utak ko at walang gamot dun kundi pagkamot.  isang mainit at maligayang pagbabalik sa akin dito sa luma kong bahay, kung saan nagsimula ang lahat.

hinahangad ko na kung gaano ako nasasabik magsimula ulit dito, ganun din ang sabik na nararamdaman ng dating host ng blog ko. seryosong bumilib ako nung binlocked mo ako sa facebook account mo para hindi na ako makapag padala ng mensahe sa’yo, napakahenyo kung papaano mo naisip ‘yun. naiimagine ko ang matalas na ngisi na kumawala sa gilid ng mga labi mo habang ginagawa mo ‘yun.

nung sinabi ko na hindi kita titigilan, hindi ako nagbibiro nun.
abangan ang susunod na kabanata.

Jon Cabron