tanong sagot 31

Mga paboritong tanong sagot galing dito.

T. kaylan ka huling nagdasal?
S. kagabi, ewan ko kung anong meron kahapon pero buong araw akong nagtiis para gawin ‘yun pakiramdam ko kase ambigat bigat na ng nasa loob ko pero nasa opisina ako buong araw at hindi nagtutugma ang pagkakataon at lugar para dun kaya pag uwi ko sa bahay ibinuhos ko lahat lahat habang may tumutulong luha sa mga mata ko. ..sorry ang unang basa ko “nagsal*al” magdasal ba? hindi ko na maalala.

T. anu ba dapat gawin pag ung ex mo na may asawa na, ikaw pa din tinatakbuhan pag may problema siya tapos pati nanay nia nagkwekwento din sayo ng problema nila ng manugang nia?
Snatural depende ‘yan kung nagtapos naman ang relasyon n’yo na nagkasundo kayong maging magkaibigan e asahan mo ng ganyan nga ang mangyayari pero sa lahat ng bagay tandaan mo kung hindi ka kumportable e umangal ka. Continue reading “tanong sagot 31”

tanong sagot 30

mga sinagot na tanong mula dito

T. maayos ka na man pala magsulat bat kailangan mamburaot pa sa tumblr? dito ka na lang kuya!
S.  kelan pa naging pambuburaot ang tawag sa pagtuturo ng tama at pagpuna sa masagwa? huwag ka ngang tanga!

T. bakit ang pogi pogi ko??? – jeff
S. ganun talaga, alin kung basta sa tatay mo lang aasa ang nanay mo hindi ka lalabas na ganyan, kala mo ba!

T. ikaw ang blogger na hindi nagmumura kaya kita idol
S. tangena salamat ha.
Continue reading “tanong sagot 30”

tanong sagot 29

mula sa: TANONG / SAGOT

T. nalaman ko na kabit ako, pero mahal ko ang boyfren ko na may asawa na? anong gagawin ko kung di ko sya kayang i let go kung kumakapit pa din sya saken .parehas kaming nagmamahalan.
S.  ilagay mo sa isip mo na ang minahal mo ay ‘yung boypren mo na wala pang asawa at hindi ‘yung ngayon na may asawa na, magkaibang tao ‘yun.  timbangin mo muna lahat kung anong magandang dahilan n’ya para ilihim sa’yo ‘yun at kung anong dahilan kung bakit kailangan ka pa n’ya sa buhay n’ya kung may asawa na pala s’ya, may problema ba sila kaya ka n’ya kailangan? pwes, kailangan ka n’ya para saan? gulong na reserba ba o ashtray na tambakan ng yosi pag mapait na sa panlasa? bigyan mo ng oras ang sarili mo na hanapan ng sagot ang mga tanong na ‘yan at pagkatapos nun tsaka mo asikasuhing hanapan ng sagot ang hindi masyadong importanteng tanong mo tungkol sa kung anong gagawin mo kung hindi mo s’ya kayang iwan dahil nagmamahalan kayo. Continue reading “tanong sagot 29”

tanong sagot 28

magtanong dito – TANONG/SAGOT

eto ang tanong sagot ika-dalawampu at walo.

T. idol ka para sakin the way you carry yourself pati pagnagsalita ka na aamin ako na most of the time ginagamit kitang inspirasyon sa diskarte sa chicks. salamat idol isa kang alamat!
S. salamat, madalas na inspirasyon ko din ang sarili ko tuwing dumidiskarte ako sa “chicks” at awa naman ng swerte wala pa naman sablay lalo na pag hindi naman ganun kagandang babae ang pinaggagamitan ko n’yan.

T. Nasisiraan na daw ako sabi ng nanay ko! Hahaha kaw lang nagpapatawa sakin ng ganito! Salamat! Apir!
S. sabihin mo sa nanay mo bukod sa patawanin kaya din kitang paligayahin. ..ikaw ha, hindi ang nanay mo!

T. papayag kaba pagkatulad mo as joncabron ang naging bf o asawa ng unica hija mo?

Continue reading “tanong sagot 28”

tanong sagot 26

dahil wala din akong gana na magkuwento para makabuo ng isang entry hayaan n’yo muna akong maging isang mabuting kaibigan at magbigay ng ilang payo sa isang kaibigan na dumadaan sa isang pagsubok. 

maaari ba akong magtanong? Nalulungkot lang ako, sobra. Kahit hindi pupwede, magtatanong pa rin ako.

Paano ba ang lumimot?

Mahigit isang linggo na akong nasa kalungkutan. Nililibang ko ang sarili ko, lumalabas, nakikipag-usap pero dahil bakasyon, madalas mahaba ang oras ng pag-iisa ko at ang ex ko ang naiisip ko. Hindi ko alam, ngayon ko na lang uli naranasan ‘to. Continue reading “tanong sagot 26”

tanong sagot 20

mga sinagot na tanong.
MULA DITO

T. kua i.t. din ako, nakakatamad mag aral ng i.t. maski na pangarap ko to, anu mapapayo mo?
S.hindi ko maintindihan kung bakit ka tinatamad para kaseng hindi tamang magkasama sa iisang pangungusap ang salitang “pangarap” at “tinatamad”. tingin ko tipikal ka na estudyante na kumukuha ng kursong IT, ‘yung tipong napahilig sa mga online games o naging tambay sa internet cafe kaya naengganyong kumuha ng IT, malawak na kurso ‘yan, iho. maniwala ka sa akin, kung matapos mo man ngayon ‘yan pero isa ka sa matatawag na basta “nakatapos” lang dahil pinairal mo ang katamaran mo.. ikaw din ang kawawa paglabas mo ng eskuwelahan na binayaran ng mga magulang mo.
Continue reading “tanong sagot 20”

tanong sagot 19

ang mga kasagutan.
MULA DITO

T. kamusta ka na jon cabron?parang namiss kita..
S. medyo ayos naman.

T. Paano mo malalamang mahal mo ang isang tao?
S. hmmm pag s’ya na ‘yung mundo mo at s’ya din ang dahilan kung bakit umiikot ang mundong ‘yun.

T. kelangn ko na ba iwan ang bf ko for 5 years kung nagkaanak sya sa naka 1nyt stand nya nung nagcool off kame ?
S. depende sa dahilan ng cool off at sino ang humiling nun.

T. meron pa ba?
S. meron pa naman, matagal lang.
Continue reading “tanong sagot 19”