tanong sagot 18

mga kinunsinting tanong
MULA DITO

T. bakit may mga taong walang isang salita? may mga taong di tumutupad sa pangako?
S.minsan hindi naman ginugusto ng isang nangangako na hindi tuparin ‘yung naipangako n’ya nagkakataon lang talaga na minsan may mga pagkakataon na nawawalan s’ya ng paraan para tuparin ‘yun. kung madalas kang mabigo pagdating sa mga nangangako sa’yo sa susunod ‘wag kang masyadong umasa. pag hindi natupad ayos lang, pag natupad.. jackpot.

T. puta ka?
S. minsan.

T. pag ba biniro ka ng isa babae ng green jokes, nawawala ba ang respeto mo sa kanya?
S.hindi, dahil hindi na ako bata at hindi naman din ako kasing tanda ng lolo mo.
Continue reading “tanong sagot 18”

tanong sagot 17

uhaw sa sagot
MULA DITO

T. ako ang nagpapa-aral sa kapatid ko,akala ko maayos ang lahat sa amin at sumusunod sya sa mga bilin ko or ayaw ko,tulad ng di pagkakaron ng boyfriend. last week natuklasan ko na ilusion lang pala lahat yun. ang dami kong natuklasan na kasinungalingan nya.
S. ibig sabihin may boyfriend pala s’ya na itinatago? nakukuha n’ya pa palang gumimik kung minsan? tignan mo ‘yung grades n’ya, bumaba ba? kung sa tingin mo may kinalaman ‘yung mga natuklasan mo para mapabayaan n’ya ‘yung pag aaral n’ya ngayon pa lang putulin mo na ‘yung sustento n’ya, walang pangalawang pagkakataon sa ganun. pero kung sa tingin mo ginagamit n’ya lang inspirasyon o hingahan ang mga ‘yun para hindi s’ya tamarin sa pag aaral n’ya wala akong nakikitang problema dun. hindi ko alam ang istorya n’yo pero ganto na lang, malamang kaya ikaw ang nagpapaaral sa kanya kase ikaw ang meron at s’ya ang wala sa ngayon, bilang kapatid obligasyon ng meron na punan ang kawalan ng isa ‘wag sana nating gawing dahilan ‘yun para manipulahin ang buhay ng iba.

T. love ko ang friend ko
S. hmmmm pero pareho kayong lalaki, tama ba? lols

T. isnt it sad dahil sabi mo 3inches lang ang dick mo? Continue reading “tanong sagot 17”

tanong sagot 16

ang mga sagot sa tanong
MULA DITO

T. anung maipag mamalaki na meron si Mrs. Cabron na wala ang mga Beauty Queen at Cover ng FHM. si Mrs. Cabron ba na tipong kahit bulag eh mahuhulog ang loob sa kanya pag na kilala sya ng lubusan?
S.ako.

T. mabilis ka bang mag sawa sa mga bagay na ginagawa ng paulit ulit. oh madali kang maka adopt pag inalagay ka sa isang routine?
S.mabilis akong maka adopt pero mabilis din akong magsawa. Continue reading “tanong sagot 16”

tanong sagot 14

mula ngayon tuwing lunes na ako sasagot ha?
para ‘di naman nakakahiya sa’yo.
jncbrn.com/problema

T. Matanong ko lang po kung ano ang camera na ginamit mo sa pagpipicture dito? http://badingnabading.wordpress.com Nakakahanga po kasi ang mga shots. May future po kau para maging photographer. God bless.
S. sony cybershot w50 / 6megapix lumang digicam na ‘yan pero maaasahan talaga lalo na sa macro shots,sayang nabasag ‘yung lens eh tapos ‘yung ipinalit ko cybershot din pero walang kwenta, nawalan tuloy ako ng gana. salamat, at sa iyo din.

T. Bilib po ako sa katalinuhan niyo. Ang lawak lawak niyo pong mag-isip. Saan po kayo nagaral ng kolehiyo?
S. ngeks, salamat. malikot lang ang utak ko siguro talaga. perps tsaka ieti. bulok ‘no? may kwento kase ‘yan, pagkatapos ko ng hayskul mas natuwa akong isipin na literal na nakatapos na akong mag aral hindi katulad ng mga kaklase ko na masaya sila dahil sa wakas makakapag college na sila, kaya tumigil muna ako ng isang taon. tapos nung pakiramdam ko handa na akong sumabak sa kolehiyo pinapili naman ako ng nanay ko ng unibersidad sa maynila, kaso lang ginagawa ang skyway nung mga panahon na ‘yun kaya trapik sobra paluwas, naisip ko kung lahat papuntang kanan, kakaliwa ako. sa laguna ako nagenroll. HRM ang course ko nun, oo, pambakla. Continue reading “tanong sagot 14”

tanong sagot 13

mga tanong na pinagkalooban ng mga sagot.
jncbrn.com/problema


T.
bakit naka comments off pag tanong-sagot ang post mo?
S. para gamitin mo ‘yung formspring link sa taas at baba.

T. Paano ba maging manhid?
S. upuan mo ‘yung kamay mo ng matagal, hintayin mong mangimay.

T. tuluyan mo na bang nilisan ang hindi masyadong sikretong mundo mo?
S. bading na bading sa wordpress? ikinalulungkot kong oo, bakit? nabagsak ‘yung old school digicam ko nabasag ‘yung lens, hindi ko trip ‘yung ipinalit kong digicam. sayang nga din.
Continue reading “tanong sagot 13”

tanong sagot 12

mga naipong tanong na sinagot.
jncbrn.com/problema

T. yung totoo ha..anu po bang una nyong tnitignan sa mga babae??!!is it tha face or the boobs??and why??
S. depende kung saan s’ya nakaharap. pag sa akin boobs, pag nakatalikod pwet.
ok, mali ako ng intindi sa tanong mo, sorry na.

T. panu po ba pigilan ang pagtatae kapag nasa skyway ka?…
S. hindi ako ang dapat tinatanong mo sa mga bagay na ‘yan. ilang beses na akong nabigo sa usaping ‘yan.

T. panu ba ma-kamove on?
S. para sa akin una sa lahat dapat ‘yung pagtanggap. pagtanggap na tapos na, wala ka ng babalikan at wala ng babalik. iyan kase ang karaniwang nakikita kong problema sa isang taong may pinagdadaanan na ganyan at kung bakit hindi s’ya tuluyang maka bitiw dun, minamadali n’ya kase lahat, parang batang may lagnat.. pag maganda ang pakiramdam sa umaga, magtatatalon sa paglalaro hanggang tanghali imbis na magpahinga pa dahil galing nga sa sakit, pagdating ng hapon matamlay at mainit na naman.. nabinat na. dapat mong malaman na hindi madali ang pinagdadaanan mo kaya hindi masama kung umubos ka ng mahabang panahon para d’yan.. ‘wag kang magmadali.

T. bakit siga ka sa internet..? ano ba ang pinagmamalaki mo?
Continue reading “tanong sagot 12”

tanong sagot 10

mga sinagot na tanong. TANONG/SAGOT

T. Jon, naranasan mo na rin ba dati makipag-sex habang nanunuod ng batibot? curious lang.
S. nasa sala ang tv namin, hindi mo naman siguro iniisip na wala akong manners para makipag anuhan sa katulong namin habang nasa sala kami.

T. saan ka kumukuha ng inspirasyon sa mga patuka mo sa utak sa tumblr?
S.
hmmm pag nasa mood ka lahat ng bagay na makita mo mapipitasan mo ng patuka e, pero mas madalas sa isang usapang matalino kusang lumabalas ang mga patuka ko sa utak,

Continue reading “tanong sagot 10”

tanong sagot 9

mga tanong at mga kamunduhan.
TANONG/SAGOT

T. Jon, sino nga ba ung bidang batang babae dati sa Heredera? tsaka naging fan ka rin ba dati ni Val Sotto sa Aguila? Buti ka pa nakita mo na si Amante…
S. si glaiza heradura daw sabi ng nanay ko, alam mo bang hinalikan ako dati sa pisngi nun, sa bilibid kase ang shooting nun dati tapos nagpunta kami.
crush ko ‘yung balbas ni agila dati, ‘wag kang magalala wala naman akong nakapang ikinadagdag sa pagkatao ko nung nakita ko si amante dati kaya walang masyadong nawala sa’yo na hindi mo pa s’ya nakikita.
Continue reading “tanong sagot 9”