tanong sagot 4

mga tanong at hindi mga tanong.
http://jncbrn.com/problema

T. ano ang pinakatangang bagay na ginawa mo ?

S.
seryoso, wala ako akong maisip sa ngayon. naniniwala kase ako na magiging katangahan lang ang isang bagay pag wala kang napala galing dun o pag wala kang ginawa para maitama ‘yun at hinayaan mo lang na pagsisihan mo ‘yung bagay na ‘yun. halimbawa, disinwebe pa lang ako may asawa na ako masyadong bata ‘di ba? pero kung hindi nangyari ‘yun wala si polin, o baka wala na rin ako ngayon dahil malamang pakalat kalat pa rin ako sa kalsada sa loob ng sampung taon. mas mabuti nang sumubok akong magdrugs nung high school pa lang ako kesa ngayon na may trabaho na ako at easy access ang drugs at pera. malaki ang nasayang ko sa mga kursong nilaro ko lang nung kolehiyo, pero kung hindi nangyari ‘yun hindi sana ako nagkaron ng interes sa computer. wala akong naiisip na sobrang katangahan na nagawa ko sa buhay na sa sobrang bigat dala dala ko pa hanggang ngayon, marami akong pinanghihinayangan sa buhay ko, mga sana ganto tsaka sana ganyan.. pero sabi ko nga, mabilis akong tumanggap ng mga bagay na wala ng kalutasan.

T. ano ang pinakamasarap na ginawa mo sa babae ? yung tipong ngeenjoy sya habang ginagawa mo yun habang ngsesex kayo?
Continue reading “tanong sagot 4”

tanong sagot 3

mga tanong at sagot na pupukaw sa iyong sekswalidad.
ok, hindi.

T. hmmmm…nakakalungkot namang kasama ako dun sa ginagawang mali ang isa pang mali…so, ano ang mga radikal na sagot sa mga taong nanunumbat sa pangangalunya ng isang tao? – kagaya ko…

S. sagot sa mga nanunumbat? kung hindi mo ako kayang paligayahin tulad nito, ‘wag mo ‘kong pakialamanan.

T.
kung mahal mo ang isang tao, gagawin mo ba lahat?

S: pag mahal mo ang isang tao, maraming mga bagay ang otomatik na.
Continue reading “tanong sagot 3”