paratha egg roll with melted cheese and cucumber

o kung dati tinuruan kita nito

ngayon naman tuturuan kitang magluto ng paratha egg roll with melted cheese and cucumber.

gusto mo ba ng miryenda na madali lang gawain pero hindi magkamayaw ang sustanya at garantisadong masarap?

hindi? pwes umalis ka dito sa blog ko at magbukas ka na lang ng delatang pork n beans at namnamin mo ang lasang sugat na pagkain na ‘yun.

kung oo naman ang sagot mo, ngayon pa lang kinakamayan na kita bilang pagbati sa napakasarap na miryendang ito at sa kakayahan mong mag desisyon ng tama para sa sarili mo. Continue reading “paratha egg roll with melted cheese and cucumber”

tuna pasta

tuturuan kitang magluto kahit wala naman akong napapala sa’yo.

eto ang mga kailangan:
tp.jpg


1.
Century Tuna (ang ginamit ko d’yan sa picture e ‘yung maanghang pero p’wede din ‘yung flakes in¬†vegetable oil kung mahinang klase ng tao ka sa anghang)
2. Sibuyas (kalahati nung isang katamtamang laki tapos tadtarin mo na ng maliliit)
3. Keso (‘yung ganitong sukat e tadtarin mo na rin ng paparisukat na maliliit o kung gusto mo pa-star o hugis alpabeto kung wala kang pagpapahalaga sa oras mo)
4. pamintang durog (kung walang durog p’wede na din ‘yung buo para kada subo mo maiisip mo kung gaano ka katanga)
5. dalawang kutsarang mantika.
(walang biro)
6.¬†asin na durog (papaano kung walang durog? salansanin mo na lahat ‘yang pinaglalabas mong sangkap at kumain ka na lang sa karinderyang malapit sa inyo, letse!)
7. pasta
(kalahating kilo) Continue reading “tuna pasta”