pet peeves

A pet peeve (or pet hate) is a minor annoyance that can instill great frustration in an individual.[citation needed] It means capricious or silly.

1. mga taong kumakanta ng hindi nila saulado yung lyrics tapos tinotonohan na lang nila
ex.
oh diyos ko! ano ba naman ito, di ba tang ina. nagmukha akong tanga, pinaasa nya lang ako.. GRETCHENG pagibig to oooh wooo– pare ko

2. mga nanay na namamalengke ng madaling araw na tipong pagkagising sa umaga hindi na nakuhang maghilamos o magsepilyo at yung mismong damit na ginamit pantulog ang suot suot kaya amoy higaan pa. na makakasakay mo sa jeep bago ka pumasok sa trabaho, at bagong paligo ka. and worst paghiwalay nyo sa jeep mapapansin mong kumapit na yung amoy nya sayo at tinalo ang pabango mo.

3. galing ka ng 19th floor, nagmamadali kang bumaba sakay ng elevator tapos sa 5th floor may sasakay para lang bumaba sa 4th floor. .. hindi naman pilay’

4. papasok ka ng cr para sumikretong tumae, tapos may aabutan kang nananalamin. hihintayin mo s’yang lumabas dahil naiilang ka, mananalamin ka rin kunyari habang naka “muscle control” tapos yung gago biglang magsesepilyo pa at pagkatapos nun ibababa pa yung pantalon n’ya para ayusin yung tuck in n’ya at magpapaikot ikot sa salamin at magpapakendeng kendeng pa.

5. ‘yung mga nauuna sa’yo sa pila sa fast food, mga ilang minuto na kayo sa pila tapos kung kelan nasa harap na s’ya ng counter tsaka palang magiisip ng oorderin.

6. nasa cr ka kasalukuyang nagsesepilyo dahil kakatapos mo lang kumain, tapos biglang may papasok sa cubicle, tapos walang hiya hiya na makakarinig ka na lang ng pagbulusok ng isang malambot na bagay sa inidoro na may kasama pang hangin at sipol “wuuuuussssshhhhhhplaaaak” at habang bumubula pa ‘yung bibig mo magtatakbuhan sa ilong mo ‘yung amoy ng kinain n’ya kagabi.

7. mga pasaherong nagdadala ng mga bagaheng sobra pa sa mga kaya nilang dalhin.

8. mga pasaherong nanay na nagdadala ng mga batang sobra pa sa kaya nilang alagaan.

9. mga drayber at kunduktor na nagsasakay ng mga pasaherong sobra pa sa karapat dapat sa bus nila, walang problema sa tayuan dahil lahat naman talaga gustong makarating sa pupuntahan at lahat e ayaw ma late, ang problema kung yung ilang oras mo sa byahe e hininga ng kaharap mo na ang hinihinga mo.

10. at napansin nyo ba na pag masyadong maraming sakay ang bus sumesenyas ng lihim ang kunduktor na bagalan lang ng drayber ang pagmaneho para masingil nya lahat ng pasahero bago dumating sa unang istasyon. yun din ang dahilan kaya pag mabagal ang kunduktor, mabagal din ang byahe.

11. mga chatter na habang naka headfone ka, mag ba buzz.. tae! tumataas ang balahibo ko sa batok pag ganun.. tapos pag tinanong mo kung bakit, ang sagot sayo “kamusta na u?”

12. mga tao sa opisina na parang nasa bahay lang, pagpasok mo kinabukasan yung mga tissue na ginamit nasa may table lang nila.. ang masama pa nun napansin mong uubo ubo at sinisipon sya kahapon.
seryoso, kung ganyan ka sa opisina na kahit papano e kinakailangan mong magpakitang tao, pa’no pa kaya sa loob ng kwarto mo? .. di ako magtataka kung may mga maligno sa ilalim ng kama mo.
nung isang araw may nakita akong tissue dito na nakakalat tinusukan ko ng wire at nilawitan ng papel tapos may nakasulat na “hoy tao! pakihatid ako sa basurahan, wala akong paa“.

13. ayoko ng kausap na apir ng apir. nabubuwisit ako.

14. mga babaeng naguusap na sinisimulan at tinatapos ang salita sa “girl”
ex.
“girl! uuuuy saan ka rumampa kagabi .. gurl?!”

15. ‘yung pag nakadamit na pula ka bibiruin ka ng happy birthday! taena, panahon pa ng john n marsha ‘yang joke na yan.. move on!

16. nadidiri ako sa nanay ko pag kausap yung ex balae nyang babae tapos ang tawag nila “MARS” for mare.
ex.
gng. cabron: mars, san ka pupunta?
balae: dito lang mars, magbi bingo
seryoso, nakakarimarim at naiiskwatiran ako.

17. mga magandang babae na alam nilang maganda sila at ginagamit nila yun para humingi ng pabor sa’yo.

18. yung salitang “ah talaga” at “ay ganun” sa kwentuhan. amplastik at nakakabuwisit lalo na kung paulit ulit!

19. yung salitang “yun lang” na wala sa lugar, ok lang yung paminsan minsan pero kung ginawa ng bisyo nakakabuwisit na!
ex.
“naka pulang damit sya o… yun lang, aba at naka sinturon pa.. yun lang”

20. mga banat ng chatter at texter na epektib para makuha yung atensyon mo pero nakaka rindi!
ex:
kups: hoy!
jon: sino ka?
kups: asl?

isang tag para sa sangkatauhan

  eto na ang pinakamakabuluhang tag sa buong sangka blogahan’ tamad akong pumatol sa mga tag tag na ganyan pero ang isa to ang hindi ko maipagsasawalang bahala, dahil hindi imposibleng itong tag na to ang maging daan sa pagkakasundo sundo ng mga pulitiko sa pilipinas at maaring maging susi sa gamot sakit na aids..

maraming  salamat mommy kengkay sa pagpili mo sakin, isang napakalaking karangalan ang
ma itag mo sa usaping ito..
isang malaking hakbang pasulong para sa kristyanismo ang tag na ito!!!

* rules:

dont tag me back, tag mo lang sa next in line sayo, and tell your downline to get 3 members to join the pyramid scheme tag just 1 person in his/her blogroll (which excludes the blogger already excluded in the list)… hopefully, whoever’s name is included in the list by dec 25 will get something from def (daw)… so make this tag go around.. Dont forget to put the name of the person you are tagging under your name so they would know that they are being tagged. And dont forget to link, kaya nga chain lab letter di ba?

TAGGED PEOPLE LIST:

1. defpotec – defpotec.wordpress.com

2. moo – maruism.com

3. jojie – jojitah.wordpress.com

4. selvo – joselgonzales.wordpress.com

5. kengkay – kengkay.wordpress.com

6. jon cabron – joncabron.wordpress.com

7. azrael – azrael666.wordpress.com

8.

(please dont ask me to count for you.. add numbers if required)

poTAGragish

sinabi ko na dati na hindi ako maglalagay ng katag tagan dito sa blog ko pero dahil sa kagandahan ni ms kath e la na kong nagawa kundi issreenshot ang desktop ko at magisip ng wish list ko.. kahit etong may sakit ako at pagod ako sa byahe.. what a friend’

desktop:
desktop
desktop1
* dahil naniniwala ako na ang simple ay mahal ng diyos’ ..lols

My Desktop Free View Instruction:
A. Upon receiving this tag, immediately perform a screen capture of your desktop. It is best that no icons be deleted before the screen capture so as to add to the element of
fun.
You can do a screen capture by: [1] Going to your desktop and pressing the Print Scrn key (located on the right side of the F12 key). [2] Open a graphics program (like Picture Manager, Paint, or Photoshop) and do a Paste (CTRL + V). [3] If you wish, you can “edit” the image, before saving it.
B. Post the picture in your blog. You can also give a short explanation on the look of your desktop just below it if you want. You can explain why you preferred such look or why is it full of icons. Things like that.
C. Tag five of your friends and ask them to give you a Free View of their desktop as well.

D. Add your name to this list of Free Viewers with a link pointing directly to your Desktop Free View post to promote it to succeeding participants.

note:
lam ko parang may mali sa ginawa ko.. basta kinopya ko lang yan kay kath.. kayo na bahala mag usap’

MY CHRISTMAS WISH LIST
.. wala akong christmas wish dahil hindi ako naniniwala kay santa at baka may magalit sakin at magsalita gamit ang boses na malaki ngunit malamig at ma echo at parang nanggagaling sa taas..

“hoy jon, anak’ langyah ka halos mag iisang taon mo na kong ginagago sa blog mo may pa lista lista ka pa ng wish mo.. pakyu!”

.. tinatag ko lahat ng mga drayber at kunduktor ng saint rose transit na byaheng calamba – lawton salamat sa pagiging hindi ganid tulad ng pastrana bus, tina – tag ko din yung mga pakyung pahinante ng mga naglalakihang trak sa express way na walang pakundangang nakataas pa yung mga madudumi nilang paa sa dashboard at windshield ng trak habang pasipol sipol sa mga babae sa bintana ng bus.. at mga potaragis na mga traysikel drayber sa alabang na nambabastos ng mga babaeng dumadaan..

salamat!