craving

naranasan mo na ba ‘yung bigla na lang may dadaan sa sistema mo na pananabik ng labis sa isang pagkain? ‘yung kahit abala ka sa isang bagay bigla ka na lang magke crave sa isang pagkain na malamang sa hindi at sa kung ano mang biro ng pagkakataon ito pa ‘yung pagkain na hindi basta abot kamay mo lang?
pipilitin mong humanap ng pamalit sa pagkain na ‘yun pero kahit anong isalpak mong pagkain sa bunganga mo at kahit imbakan mo ng katakut takot na pagkain ang bituka mo at lunurin ng sandamakmak na tubig ang sikmura mo pakiramdam mo hindi ka pa rin busog.
ganun talaga pag may gusto kang isang bagay na hindi mo makuha, madadaya mo ang utak mo pero hindi ang buong pagkatao mo. p’wede kang magpakalayu layo kung may tinatakasan ka, pero may isang lugar ka pa rin na babalik balikan. maaari kang maglibang at pansamantalang kalimutan ang problema mo pero kokornerin ka pa rin nun pag mag isa ka na lang. p’wede mong lokohin ang lahat ng kaharap mo sa pamamagitan ng pekeng ngiti, pero alam mo ang totoo.

naranasan mo na ba ‘yung pakiramdam na punong puno ka na, pero hindi ka pa rin busog?

Shares 0

1 thought on “craving”

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *