cyber ex

patawarin mo ‘ko kung nasabihan kita na ‘wag ka ng magpi pm at ‘wag mo na ‘kong itetext. ang gusto ko talagang sabihin nun ay umalis ka na sa buhay ko. patawarin mo ‘ko kung hindi ko nasabi sa iyo ng diretso ‘yun, pinahahalagahan ko lang ang damdamin mo dahil s’yempre may pinagsamahan din naman tayo. at parang ang ungentleman ko naman kung sasabihin ko sa’yo ‘yun. nalulungkot akong iniisip mo na masakit akong magsalita, antagal din nating nagsama hanggang ngayon pala hindi mo pa rin ako nakilala ng lubusan, hindi mo pa rin pala alam na para sa akin ang tanga ay tanga, ang gago ay gago. hindi mo pala naiintindihan ‘yun.

at pag sinabi kong *&%@^!!!, hindi literal ‘yun.
.. walang ina akong pinapatungkulan nun, ikaw lang.

pinagsisisihan ko ang araw na nakilala kita, katulad ng pagsisisi ko kung bakit sa tinagal tagal natin hindi man lang kita nasuntok sa nguso at kung bakit sa idad na ‘to di ko man lang naisipang magpa tule.

isa kang malaking pag aaksaya ng oras at bandwidth.

Shares 0

0 thoughts on “cyber ex”

  1. wala bang side effects sa sex at sa pagkakaroon ng anak ang hindi nagpapatuli? dinig ko meron eh.. bulag daw o mutain ang bata.. hehehe.. :grinnod:

      1. hahahaha!!! ayoko na lang magtanong.. delikado kang sumagot.. pag-iisipan ko yang paraan mo.. baka di kasi compatible genes naitn eh.. wahahaha

  2. oi abnuy bakit ba ganyan… mejo mei pagka-isnabero si jon sa guys. puro chikas pinapansin dito, teka matawagan nga si mrs.cabron wahaha

    1. hindi naman sa lahat ng guys, dun lang sa mga guys na parang kikiligin lang pag pinatulan mo, yung tipong haaaay nagagalit sakin si jon sa blog nya!!! teka pupunta ako ng cr….. kaw naman matampuhin ka masyado.

    1. masyadong personal na yang tanong mo at hindi ko pwedeng idetalye dito yan, kung gusto mo magkita na lang tayo at pagusapan natin yan sa isang pribadong lugar.

  3. isang sentence lang yung tungkol sa tuli pero mas pinag-usapan ng mga tao kesa sa cyber ex mo. ngayon alam ko na kung san mas interesado ang mga tao. nyaha.

  4. parang hindi ako naniniwalang di ka pa tuli. pero ang kulit nga ng mga comments dito mga 95% tungkol sa pagkasupot mo. anlayo sa title ng entry..haha!

    kawawa naman si cyber ex baka napamahal na sayo jon. :no:

  5. Gusto ko rin ng cyber – ex na mababash sa blog ko!
    God is not fair, so God if you’re listening alam mo na wish ko..

    O sige na hindi magkakatotoo yan, kasi : a) hindi ako marunong makipagcyber, b) wala akong blog, c) walang God… ooops, tago!

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *