dahil ako si jon cabron..

hindi dahil tao ka lang karapatan mo na ang magkamali at hindi porke’t nagpatawad ang diyos obligado na rin akong magpatawad.

naghain ka ng gera na ako mismo nagdududang kaya mong tapusin, kinalaban mo ako sa duwelo na laro na lang ang dating sa akin at  hinamon mo ako sa larong ilang beses ko ng pinanalunan. isang malaking hakbang ang kakailanganin mo para kalabanin ako sa larangan ng pagsusulat. at ako, kinakailangan ko pang humakbang pabalik para lang harapin ka. madalas na bastos kong hinaharap ang pagkakamali ko at wala akong modo pag alam kong ako ang nasa tama, habaan mo ang pisi mo dahil hindi pa tayo naguumpisa. kumbaga sa boksing papalapit ka pa lang sa ring namumutla ka na at bago ka pa humarap sa akin alam ko na kung saan ka titirahin, ganun akong lumaban, kung saan alam kong mas masasaktan ang kaharap ko dun ako sumusuntok. pag nagbigay ako ng respeto at hindi respeto ang ibinalik sa akin kinukuha ko ‘yun ng pwersahan. hindi ako kumakain ng pagkaing nginuya at iniluwa ko na at hindi ako nagbabalik ng bagay na ninakaw ko na. maraming pagkakataon na ang isang bagay na isinubo mo na kahit hindi magustuhan ng panlasa mo maoobliga ka ng lunukin ‘yun dahil iyon na lang ang natitirang paraan para matakasan ang pangit na lasa nun. ikaw ang biswal na reprisentante ng kung ano man ang ipinapasok mo sa bibig mo. ‘wag kang makipagtalo sa salamin na mas matalino pa sa’yo. inumpisahan mo ang gera na wala akong balak wakasan, titigil lang ako pag tinamad na ako.. pero ang mga salita ko ay parang sa isang ina na habambuhay tatatak sa isip mo at parang salita ng isang ama na habambuhay susugat sa pagkatao mo.

tama ang ginagawa mong kalabanin ako sa pamamagitan ng pananahimik pero maling umasa na sa ginagawa mong ‘yan mapapatahimik mo rin ako. masyadong makati ang utak ko at obligasyon kong kamutin ‘yun sa pamamagitan ng pagsusulat.

Shares 0

0 thoughts on “dahil ako si jon cabron..”

  1. ikaw pala ang tipo na hindi pupuwedeng ipasok sa isang laban na alam na alam mo ang pasikut-sikot palabas, dahil sa oras na malabasan mo ‘yun, sisiguraduhin mong kung sino man ang nagpasok sa iyo ay iipitin mo sa loob…

    para ako lang. ‘chos! namiss kita ginoong cabron. kahusay! =)

  2. Ika copy paste ko ito, gagawing pillbox (pasabog hindi lalagyan ng mga pills) at ipapadala ko sa ex kong nilapastangan lamang ang pagmamahal at pagkahibang ko sa kanya.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *