dignidad

siguro nga may kinalaman ang entry ko tungkol sa dalawa sa pinakanakakatawang joke kaya nangalahati ang hits ng blog ko, at kung hindi ko pa ilalagay sa forums at sa yahoo groups na blog ito tungkol sa mga scandals ng mga artista ay hindi pa aangat ang hits ko na tulad ng isang normal na blog. marahil ito rin ang dahilan ng mga pagabandona sa akin ng mga twitter friends ko. at mga anonymous emails tulad ng ” wala ka pala e! ” ewan ko.
pero kinakailangan kong bumawi at ibangon ang aking magandang nasimulan. at magagawa ko lang ‘yan kung magiging maingat ako sa mga bagay na gagawin at sasabihin ko, at naniniwala ako na ilang panahon lang at maibabalik ko na ang respeto at pagmamahal sa akin ng mga giliw kong mambabasa. isinulat ko ang entry tungkol sa pagkidnap kay ces drilon at ang kagaguhang patalastas ni juday para sana sa pagsisimula ng isang bagong jon cabron sa larangan ng pagba blog. nakakaaliw ngunit seryoso, nakakatawa pero kagalang galang. maganda na sana ang pasok at unti unti ko ng naibabalik ang dignidad sa sarili ko at respeto ng taumbayan sa internet ng sa hindi inaasahang pangyayari ay muli na namang gumuho ang dignidad ko.

alam ko may batas na ang lahat ng nasasabi ng isang tao pag masakit ang ulo nya at kagigising n’ya lang dapat hindi binibigyang halaga ‘yun. hindi ko alam kung sa’n ko nabasa ‘yun pero basta alam ko meron n’un.

… hindi ako dapat nakikipag usap sa mga tao pag puyat ako at may hangover.

Shares 0

0 thoughts on “dignidad”

  1. di ako naniniwala sa mga sagot mo.. at kung totoo man yan..
    di ka pde sa metro gwapo!! lagot ka kay papa bayani

    BAWAL DUMURA!!!!!!

  2. hahaha! Ayus un ah! akala ko, ginagawa lng un para dumulas… ay ano ba? kakahawa naman c jon… di po ako sure dun sa sinabi ko. *blushing*

  3. @ jane
    para dumulas… hmmm pwede bang idetalye mo pa ng dahan dahan sakin yang sinabi mo na ‘yan? also, kapangalan mo ang asawa ko, kaya kalimutan mo na yang sinabi ko.

  4. hahaha! di naman jane name ko… baka mahuli lng ako ni bf na kung ano2 sinasabi ko at magulat un nagsi-share ako ng mga “tots” ko.. hihihi!

  5. ayaw talaga tantanan ni mine ang tungkol sa fake orgasm.

    ayaw talaga maniwala na namemeke din ang mga lalaki. paminsan-minsan maniwala ka kasi sa mga expert. hahaha!

  6. malamang yung mga pumepeke eh yung mga lumalabas sa porm, kina-cut yung eksena tapos lalagyan na lang ng galapong o kaya hinalong arina at tubig. nyehehe

  7. mukang gus2 ko na nga maniwala mamaru
    ay eka, bat ba ako sagot ng sagot, para ako pa may ari ng blog! nyahaha

    sori na…

  8. magsulat ka kasi para sa sarii mo, at hindi yung nagsusulat ka para sa mga nagbabasa ng blog mo.

    yung mga nagbabasa, nagkakataon lang yan na meron o wala, ang importante hawak mo ang sarili mong blog.

    yun lang. teka ako ba ito parang ang seryoso ko

  9. tol mataas pa rin naman tingin ko sayo eh tayo tayo na ang mga bloggers wla pa sila.. mga beterano na tayo jan… you will regain your eternal glory again..

  10. “at kung hindi ko pa ilalagay sa forums at sa yahoo groups na blog ito tungkol sa mga scandals ng mga artista ay hindi pa aangat ang hits ko na tulad ng isang normal na blog”

    Ganun pala yun. Kaya pala hindi ako sumisikat gaddemet.

  11. lets face it jon..ang mga pinoy ay natural na mayka-L sa katawan..
    kunwaring konserbatibo pero kapag may konting kabastusan o kaya ay buong kabastusan ang pinag-uusapan eh hindi nawawala ang interes…

    siguro maganda kung itatalakay mo ang kasalukuyang pangyayari sa pinas pero sasamahan mo ng mga pangungusap na tunay na magpapakiliti sa mga tagahanga mo..

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *