ginang cabron

dahil naglalaro ng bigas ang pamangkin kong babae na bata pa pero hindi ko alam ang idad.
sinaway s’ya ng nanay ko.


ginang. cabron:
tigilan mo ‘yan magagalit si god
… nakita n’ya kong tinatawanan s’ya sa isang tabi
ginang cabron: gago! ganun talaga ang sinasabi sa mga bata!
jon cabron: sinungaling!

dahil bumaha sa mismong bahay namin nung umulan at hindi naman nangyayari ‘yun kahit kelan bago kami magpagawa ng garahe na malamang sa hindi na iyon ang salarin.

jon cabron: papano na ‘yun? wala bang ibang magagawa? habang buhay na ‘yan?
ginang cabron: (sa nanggagalaiting boses) anong magagawa mo e natural disaster ‘yun? pano mo pipigilan ang ulan?
jon cabron: ma’ anong klaseng katwiran ‘yang sinabi mo? napaka kristyano! natural hindi mo mapipigilan ang ulan, kaya baha ang pipigilan mo. hindi porket hindi mo mapipigilan e tatanggapin mo na lang ‘yung mangyayari.
ginang cabron: ah ganun ba noah? pwes umalis ka dito sa pamamahay kong gago ka, hindi ka na naman pinagluto ng asawa mo kaya dito ka nanggugulo!

wimmens  :|

Shares 0

0 thoughts on “ginang cabron”

  1. tsk.

    di ka pinagluto ni mrs. cabron kaya nandun ka kay ginang cabron.

    in the end, kahit anong pangyuyurak pa ang gawin mo sa babae, sa isang babae ka pa rin tatakbo.

    belat.

  2. wahahaha panalo ang attitude ni madir. ganyan naman talaga kayong mga boylets, kapag walang ulam sa bahay eh umuuwi sa nanay at doon makikigulo.

  3. ahaha… parang nanay ko ata ito a. buti na lang mga babae kami kaya menos sa perwisyo ang nanay ko sa amin. hmmm… menos nga ba?

    nacurious naman ako sa comment ni irvin ryan. bat naman hihingi pa ng picture ng nanay mo? para textmate ba?

  4. talagang si ginang cabron lang nakakasupalpal sa mga paghirit mo eh noh? shempre pa. kanino ka nga ba magmamana? hehehe.

    ganyang-ganyan din makahirit ang nanay ko kapag alam nyang barado na sya. papalayasin kami sa pamamahay nya. hahaha.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *