grocery

bago umalis kanina.
Jon Cabron: isusuot ko ‘yung hoodie ko, naguuulan naman e’
Mrs. Cabron: yuck! ambaduy mo, ang init init na’ wala ng ulan.
Jon Cabron: bakit ba e sa giniginaw ako?
Polin: daddy, akala mo ang gwapo mo? mukha kang may trangkaso’
Jon Cabron: oo na, huhubarin ko na’
… nasa SM na kami nung napansin kong pareho silang naka sweater na dalawa at ako lang ang naka tshirt.

sa grocery.

Mrs Cabron: anong gusto mong palaman?
Jon Cabron: eto na lang bacon sandwich spread, gusto ko ‘to.
Mrs. Cabron: tsk! eto na lang ham spread..
(sabay dampot, lagay sa cart, talikod at lakad papalayo)

Mrs. Cabron: ibinili kita ng sabon sa mukha, dalhin mo sa office mo, para hindi ka tinitigyawat. maghilamos ka pagkadating mo dun at pag pauwi ka na’
Jon Cabron: ngeks’ lagi nga akong late papano pa ‘ko makakapag hilamos pag dumadating ako?
Mrs. Cabron: sus! bibigyan mo na naman ng dahilan ‘yang pagiging tamad mo, basta maghilamos ka, sarili mo na lang tinatamad ka pang asikasuhin.
Jon Cabron: oo na.
… maya maya
Jon Cabron: naalala ko, bili mo ‘ko nitong cologne’ walangya nung isang araw hindi tinalaban ng downy ‘yung polo ko napakabaho! samahan mo na rin nitong facial scrub para bago ako matulog maglalagay ako.
Mrs. Cabron: taragis! tumigil ka nga, kelan ka pa naging banidoso? para kang bakla.

sa may counter.
Jon Cabron: polin, ano ‘to bugtong bugtong bata pa si pedro, kulubot na ang balat?
Polin: hmmmmmm teka……
Mrs. Cabron: ( sa malakas at kumpiyansang boses) BETLOG!!!
.. pakiramdam ko biglang tumigil ‘yung malakas na tugtog sa SM at nagtinginan lahat ng tao sa kanya, taena’ gusto kong mawala na lang bigla sa kinatatayuan ko. gusto kong hubarin ang tshirt ko at ibuhol sa mukha ko na parang ninja, sabay takbo papalabas ng mall. napansin kong palipat lipat ang mga mata ni polin sa aming dalawa, may halong panunumbat at pagkadismaya sa mga titig n’ya.
Jon Cabron: siko ang sagot! idiota!

Shares 0

0 thoughts on “grocery”

  1. eto yung mga pagkakataon na kahit ano gawin mo,mali ka pa rin….

    sala sa init,sala sa lamig….

    pinahiya ka?palitan mo na!!!
    di ako marunong mamahiya,mamahalin lang kita ng lubos-lubos naks!

  2. Mrs. Cabron: ibinili kita ng sabon sa mukha, dalhin mo sa office mo, para hindi ka tinitigyawat. maghilamos ka pagkadating mo dun at pag pauwi ka na’
    Mrs. Cabron: taragis! tumigil ka nga, kelan ka pa naging banidoso? para kang bakla.

    siguro konti lang binigay mong pang-grocery

    naawa akong bigla sayo, gusto mo ng shoulder to cry on?

  3. mahal ko na ang pamilya mo.. parang the simpsons..

    iniba ko lang ang pangalan ko.. dahil..ayaw kong masira ang comments section.. puro babae ata ang mga tagapagbasa mo..

    panalo sa paningin ko..

  4. aysus!!!

    bagay na bagay kayo ni mrs. cabron..hehehe!
    nakahanap ka ng katapat! gudluck po..

    pero ang saya ng buhay nyo..parang lagi kayong nakatawa niyan!

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *