ground for annulment ba pag pang almusal ang hapunan mo?

nagtatanong lang, at hayaan n’yo akong ikuwento ang pangyayari mula sa pinakamalapit sa umpisa.
umuwi ako galing ng walong oras na pagtatrabaho at dalawang oras na balikan sa byahe, alas onse pasado ng gabi, dinatnan kong nakapatay ang ilaw ng bahay, panggabi si mrs. cabron at nasa bahay ng nanay ko ang anak ko. binuksan ko ang ilaw sa sala at sa labas habang naghuhubad ng sapatos at medyas, binuhay ko ang tv habang nagtatanggal ng pantalon at ng polo, at nagsasalin ako ng malamig na tubig sa baso habang nagsusuot ng short. napangiti ako ng nakita ko sa ibabaw ng ref ang balutan ng mcdo, naisip ko na sinurpresa ako ng mag ina ko, nagpadeliver sila kanina at malamang kung hindi spageting may manok, chicken sandwich ang hapunan ko, diretso muna ako sa banyo para maghilamos at magsepilyo ng biglang kumalam ang sikmura ko, may pang sampung ulit na siguro ‘to ngayong maghapon na parang aswang na umuungol, tinignan ko ang tiyan ko at nakangising hinamon ang sikmura ko “bring it on, biatch!”
dahil sigurado ako.. ilang minuto lang magpipiyesta na ang mga bulate ko sa mcdo.
mayabang kong kinuha ang plastic sa ref at pumwesto sa harap ng tv, para lang magulat sa abnormal na gaan ng bitbit ko, at kahit inaasahan ko na, dahan dahan ko pa ring binuksan ang plastic ng mcdo para makumpirmang tissue at ilang pirasong ketchup lang ang laman ng supot na ‘yun!
buwisit na buwisit kong itinapon sa lamesa ang taenang plastik at pumunta sa kalderong natatakpan para tignan kung anong mahiwagang hapunan ang nakahain sa isang haligi ng tahanan na halos dose oras ng hindi nalalamanan ang tiyan maliban sa laway na pinatamis ng bubblegum,
at dun.. nakita ko sa loob ng kaldero, sa ibaba ng kanin ang isang malungkot na platitong naglalaman ng tatlong hotdog at isang pritong itlog.

Shares 0

0 thoughts on “ground for annulment ba pag pang almusal ang hapunan mo?”

  1. atleast may ulam…

    mas mabad-trip ka kung walang laman ang plastik,ketsup at tissue lang…may kanin at walang laman ang malungkot na platito….eh di kanin ketsup na lang pagkain mo…YUN ang ground for annulment!!!

  2. hahaha. at least tinirahan ka ng food! tsaka pwede na yan. ako sa bago kong tinitirahan ngayon, nanibago ako bigtime, kse ang mga pagkain nila for breakfast: nilagang isda, paksiw — sobrang di ako sanay!

  3. hiwalayan mo na. pucha, kung sa akin mangyayari yan papataubin ko yung buong bahay namin sa galit. ayaw ko pa naman yung tinakam na ako at naglaway tapos itlog at hotdog lang pala. kabanas yun!

  4. potek! ang saklap nga nyan pre..siguro kung sakin ngyari yan sasama loob ko..tinakam ka lang sa mcdo tapos hotdog at itlog lang ang ulam? pagod at gutom sa pagtatrabaho tapos ganyan lang ang ihahain..anong sustansya naman ang makukuha mo dyan?

    kung ako sayo mag iimbak na lang ako ng mga de-lata..

  5. hehe, hangsama nga nun itlog at hotdog sa gabi..walang sustansiya at nakakatamad kainin lalo na galing sa trabaho, mas mabuting magpahinga at matulog na lang..tsk tsk

  6. ahaha..hati ang opinyon ng babae at lalake… dun na lang ako magkocomment sa galing mo sa pag multi-tasking… Namaster mo na ang art of multi-tasking ah…

    “binuksan ko ang ilaw sa sala at sa labas habang naghuhubad ng sapatos at medyas, binuhay ko ang tv habang nagtatanggal ng pantalon at ng polo, at nagsasalin ako ng malamig na tubig sa baso habang nagsusuot ng short”

  7. pero kung gabi-gabi yan ang ulam mo sa kabila ng pagbibigay mo ng pamalengke at pang grocery, baka pedeng maging grounds yun. ung misis ko naman, naghain ng sinigang na baboy for breakfast.hirap pala lunukin nun pag kagigising mo lang!

    dumaan lang pare.

  8. kayong mga lalaki,napaka-demanding nyo!!

    kala nyo ang sarap magluto…kung ayaw nyo yung inihain sa inyo,kayo magluto ng pagkain nyo!!!!!!!!!!

  9. bakit kase ugali na nating mga pinoy ang mag imbak ng mga disposable plastic spoons/forks, libreng ketchup, hand sanitizer..nagiging ugat tuloy ng malaking akala at possible annulment…

    alam kong alam mong nakakatawa mga entries mo, kelangan ko pa ding sabihin na napapatawa mo ko lagi! kudos!!

  10. malungkot na platitong naglalaman ng tatlong hotdog at isang pritong itlog

    natawa ako dito.. nakakagalit at nakakalungkot nga ang makakita ng malungkot na platito na naglalaman ng almusal ng dis oras ng gabi.. mas mabuti pang balot na lang ang nakahain, at least bagay sa gabi diba? lolz

  11. masarap naman ang hotdog at itlog lalo na pag no choice na….
    o kaya dapat nagpadeliver ka na lang din… hehe

  12. ang sweet nga ng misis mo eh, buti nga binigyan ka pa ng sawsawan para sa itlog at hotdog mo. at galing pa ng mcdo ang ketchup ha, sosyal.

  13. bute may iniwan pa sayo lol. kung walang ulam na iniwan, dats the time na pwede mo nang i consider ang annulment

    saka yung mga ibang kababayan natin, wala na halos makain at umaasa na lang sa pagpag.

  14. kulang ako sa atensyon at mahina ang pang unawa ko, gusto ko ring makapunta sa langit pero madalas kong pag pantasayahan ang aso namin.

  15. kulang ako sa atensyon at mahina ang pang unawa ko, gusto ko ring makapunta sa langit pero madalas kong pag pantasayahan ang aso namin.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *