hapunan

alam mo kung ano ‘yung isang bagay na nakakapag pasaya sa isang pagsasama at alam mo ba kung ano ‘yung isang bagay na nakakapag angat ng ego ng isang ama ng tahanan? ‘yung malaman mo na pinapakinggan ang boses mo, kinakailangan ang suhestyon mo maging sa maliliit na bagay lang, at ramdam mo na mahalaga na maisa tinig mo ang gusto mo.
nakatanggap ako ng text kanina habang nasa opisina ako, galing kay mrs. cabron habang nasa trabaho s’ya.

mrs. cabron: anong gusto mong ulam mamaya?
jon cabron: ano bang meron sa bahay?
mrs. cabron: ano nga gusto mo?
jon cabron: porkchop
mrs. cabron: walang porkchop sa ref

.. ok, inisip ko na lang na baka nga mali ako.. walang porkchop sa ref, napakasama kong tao para humiling ng wala. nagreply ako.

jon cabron:
para kang tanga, kaya ko nga tinatanong kung anong meron d’yan dahil hindi ko alam.
mrs. cabron: hotshots burger? bibili na lang ako dito?
jon cabron: sigeeeee! ‘yung ultimate cheese burger!
mrs. cabron: burger king na lang pala.
jon cabron: k

nakakapikon pero kalma lang ako, sino ako para tumanggi sa burger king na hapunan di ba?

pag uwi ko ng bahay…

.. spageti na may manok ng jollibee ang dinatnan ko.
wala pang balat, pinapak siguro ni polin.

pero at least kinuha n’ya ‘yung opinyon ko kanina.

Shares 0

0 thoughts on “hapunan”

  1. parang wala lang kayo pinag usapan ah..anlabo kausap..pero atleast tinirhan ka pa ng ulam..kahit binalatan na yung chicken..hehe!

    teka hapunan talaga yun? mas maigi sana kung lechon manok na lang sa baliuag o andoks..halos ganun din naman ang presyo.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *