hiatus

kung regular visitor ka dito sa blog ko at hindi ka kasama sa mga alternicks ko na palihim na nagpopost ng mga comments dito para magmukhang maraming sumusubaybay at apektado sa mga pinagsususulat ko.. kung hindi ka naligaw lang dito dahil sa naloko ka ng hoax email na nagsasabing pumasok ka dito sa blogsite na to para makita mo si angel locsin ng nakahubad.. kung naloko ka lang sa chat room ng isang nagpost na dito ka yayaman sa site na ito.. mapapansin mong pasulpot sulpot na lang ako magblog sa ngayon.. di na tulad dati’ ayoko ng magpaligoy ligoy pa o magimbento ng mga dahilan para lang lumabas na sobrang busy ko.. na wala kseng nangyayaring makabuluhan sakin.. or what’
the thing is na approved kse at nasa kamay ko na yung citibank creditcard ko at ginamit ko na sya.. sobrang na amused ako papirma pirma lang, para kong may ari ng SM na lahat ng ituro napapasakamay ko.. kailangan lang pumirma.. sobrang naging alipin ako ng card.. eto yung mga nabili ko sa loob ng isang araw lang na pamamasyal at papirma pirma sa SM:
1. psp w/ 4gig mem (white)
2. logitech playgear pocket (white)
3. 993 pcs. personalized calendar (2007 – 3000)
4. personalized 99% silver doorknob from silverworks
5. grapes
6. milks
7. labindalawang damit sa guess na tiglalabindalawang kulay bawat isa
8. sandamukal na groceries na parang pang bukas ng sari sari store
9. kumain din kami sa isang resto at nagbatuhan ng lechon.. umorder ng turkey na may kaldereta sa loob ng tyan.. etc etc’

sa ngayon wala akong ibang ginagawa bukod sa magtrabaho kundi mag PSP habang nakababad yung mga paa ko sa katas ng ubas.. kaya pasensya na kung bihira na ko makapag update.. sana naiintindihan nyo at di pa rin kayo magsawang sumubaybay sakin..
mahal ko kayo!

Shares 0

0 thoughts on “hiatus”

  1. one of the best entry mo to, idol. ang angas! di ako nagkamali sa pagtingala ko sau… sa paglagay ko sayo sa pedestal. astig pa rin!

    idol…pa-ride naman sa credit card mo. bili ako ng epol iphone.

  2. /maru
    .. sige bah pagkatapos kong bayaran lahat tong mga to’
    .. at kung lalaruin mo ng maayos ang iyong laro.. di lang creditcard ko ang pwede mo iride.. wraaar!

  3. Ibang level ka na Jon dahil cashless purchase na ang ginagawa mo. hehehe! Wag kang mag-alala, hindi ako magsasawang dumaan sa blog mo, basta pahiram ako ng PSP! hehe!

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *