hmmlabyumwah!

isa sa hindi naman karamihang bagay na hinding hindi maipapagawa sa akin ng kahit na sinong babae na boboyprend sa akin ang mapilit n’ya akong magsabi ng “i love you” sa telepono habang may katabi ako at may posibilidad na may makarinig nung sasabihin ko.
sabihin mo ng killjoy ako o paniwalain mo na ang sarili mo na ikinakahiya kita kaya hindi ko magawa ang gusto mo,  pero kailangan mong intindihin na may mga batas kaming sinusunod na mga kalalakihan at iyon ay ang hindi ka pwedeng magparinig ng mga ganung ka eklatan sa kapwa mo lalaki. seryoso, halimbawang may katabi akong kaibigan o kahit na lalaking hindi ko kakilala na may kausap sa telepono at narinig kong bubulong bulong ng mga pakilig tulad ng
“i love you na honeybibikoy.. hummmwah”

maniwala ka sa ‘kin na kung ano man ang unang unang matigas na bagay na madadampot ko, ipapalo ko sa ulo n’ya at titigil lang ako pag nasigurado ko ng isang linggo s’yang kakain sa pamamagitan ng straw.
at kung ikaw na lalaking mambabasa ko ay may kaibigan na mariringgan mo ng ganyan habang may kausap sa telepono, nasa iyo ang lahat ng karapatan para saktan ang taong ‘yun. sapakin mo sa mukha. magtawag ka, bugbugin n’yo at sa oras na magdemanda ang taong ‘yun, ipabasa n’yo sa kahit na sinong pulis ang entry ko na ‘to. banggitin n’yo ang pangalan ko sa husgado, at sabihin n’yong binibigyan ko kayo ng karapatan na gawin ‘yun. at sa maniwala ka man o sa hindi, maiintindihan ka nila.

Shares 0

0 thoughts on “hmmlabyumwah!”

  1. isa sa hindi naman karamihang bagay na hinding hindi maipapagawa sa akin ng kahit na sinong babae na boboyprend sa akin ang mapilit n’ya akong magsabi ng “i love you” sa telepono habang may katabi ako at may posibilidad na may makarinig nung sasabihin ko.

    syempre namn!ikaw yata si JON CABRON!!..ahmmm..nasaktan kaba? binugbog kaba nila?!

  2. nakakaasiwa talaga pakinggan yung sapilitang pagsabi ng “i love you” sa telepono..di ko rin ginagawa yan eh! haaays..girls talaga anglakas magtrip.

  3. heehee. napangiti ako sa post na ito, kasi my hubby used to be anti, but now, its such a part of his system that out of habit, nasasabi nya minsan sa mga kaibigan nya, “o sige parts, halong, love you.” then he would stare at the phone in his hand, askance at what he just said wahahaa!

  4. pero hindi mo ba naisip kung anong klaseng kaligayahan ang idudulot ng pagsasabi mo ng i lab u sa gelpren mo…kahit PAMINSANMINSAN lang???

  5. naku buti wala pang nakakarinig sa aking gumagawa niyan.. ehehehehe baka nga magulpi ako ng di oras… hayaan ninyo sir jon, mag-iingat po ako.. salamat sa tip.. ehehehehe lab you pare!

  6. wow sabaw! buti nalang napadpad ako dito..hahahaha!!
    buti nalang yung bopren ko hindi pa sabog sabog ang mukha..:love:
    pero nahihiya naman siyang magsabi sa akin ng alabyu sa telepono kapag katabi niya nanay niya..baka daw magselos hahahaha!!!

    pwede po ba kitang i-link? salamat po..

      1. wahahaha! tumbling!

        ayoko po malink tayo sa isa’t isa kase malamang hindi mo ako sasabihan ng i wab you..hehehe!
        at wow naman talaga! loyal..burger! burger!

        na add ko na po kayo sa blogroll ko..salamat salamat!

  7. isa lang napagtanto ko..

    hinding-hindi ko na pilitin asawa ko mag- iluvyou sakin..
    ayoko maga maging biyuda..

    maraming salamat po sa pagmumulat sakin..

    kung kmi ba mag sabi ng luv you mr.jon cabron may tendency mabugbog din??? :love: :blush:

  8. ayoko din, corny, baduy, jologs, pasikat. kase kung lalaki ka at may gf ka o asawa, wala akong pake kung mahal mo siya, lalo na kung di kita kilala.

  9. nyahaha… let me see, madalas na sinasabi sakin ng lola ko eh wag daw ako magsalita ng tapos… ewan ko sa inyo, baka lunukin nyo sinabi nyo…

    pero ako, ayaw ko talaga ng mushy na usapan… kinikilabutan ako… ewan ko sa akin, baka lunukin ko mga sinabi ko(wag naman sana)… :no:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *