hoy kabataan!

napansin ko lang, bakit itong mga kabataan na ‘to adik na adik sa pakikipagrelasyon, ‘yung tipong lahat na lang ng bagay sa mundong ‘to umiikot lang sa pakikipag syotaan nila. pakiramdam nila lahat ng problema at kalungkutan sa mundo kayang resolbahin ng pakikipag relasyon. pag malungkot, kailangan ng kasama para sumaya. pakikipagyakapan ang sagot para hindi makaramdam ng pag iisa. pag may problema sa karelasyon, kailangang makipag relasyon sa iba. seryoso, hindi n’yo ba alam na pag mag isa ka lang walang ibang makakasakit sa’yo kundi sarili mo lang at nararamdaman mo lang naman ang lungkot ng pag iisa kung idinedepende mo ang sariling kaligayahan mo sa ibang tao. iprogram mo sa utak at sistema mo na hindi ang pakikipag relasyon ang sentro ng mundo.
madalas mas naiinis ako kesa nakikisimpatya sa mga kabataang babae na nariringgan ko na sumusuko na silang magtiwala dahil lagi lang naman daw silang nasasaktan. mali e, mali ‘yung sabihin mong ayaw mo ng magtiwala dahil ayaw mo ng masaktan. hindi naman ‘yung pagtitiwala ang nanakit sa’yo e ‘yung labis na pagmamahal, ang gawin mo magmahal ka ulit pero sa susunod haluan mo ng pag iingat.
pag nagmahal ka dapat handa ka laging masaktan dahil pag pumasok ka sa pakikipag relasyon dapat alam mong hindi lang puro kasiyahan ‘yun, dahil pag pinapasok mo ang isang tao sa buhay mo hindi mo lang s’ya binibigyan ng karapatang pasayahin ka, binibigyan mo rin s’ya ng kalayaan na saktan ka. kung hindi ka handang masaktan, ‘wag kang pumasok sa isang relasyon. kung hindi mo mapigil ang sarili mo, subukan mo pero ‘wag kang umasa. dahil madalas, nasasaktan lang naman ang tao pag umaasa s’ya ng sobra sa ibinigay sa kanya¬† kaya minsan turuan mo ‘yung sarili mong wag umasa ng sobra.

ang pagmamahal ay kusa, ang pakikipag relasyon.. obligasyon.
kung ayaw mo ng obligasyon, magmahal ka lang ‘wag kang papasok sa relasyon.

Shares 0

0 thoughts on “hoy kabataan!”

  1. hmmm another patuka sa utak na talaga namang me sense… bosing nihiram ko yung last line mo…

    syangapala, balik na ako sa libreng blog…wala na akong pambayad ng domain e…

    tenchu

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *