internats

payong kaibigan lang, ibangon mo ang dignidad mo isipin mo na lang na merong isang party, bukas para sa lahat ..pero hindi ka pinapasok dahil hindi ka nakasapatos o kaya bumaba si santa mula sa langit at nag bigay ng regalo sa lahat ng mga tao ..pero hindi ka kasama sa naabutan ng regalo dahil putol ang mga kamay mo.
mabait ka naman at malambing kaya lang may malaking kulang sa ‘yo, wala kang pinagkaiba sa sinigang na walang siling berde.. pwede na sana kaso lang nakakatamad kainin. nakakasuka pag sumobra. nakaka umay. nakakasulasok. pag idinighay lumalabas sa ilong.
dapat mong malaman na kung gaano kasaya ang nakikita natin sa mundo ng internet kapag nagsisimula pa lang tayong matuklasan ito, ganun din kasalimuot ang buhay dito habang tumatagal tayo. hindi mo dapat ibinubuhos ang buong pagkatao mo sa isang mundo na puno ng pagkukunyari, dog eat dog. palakasan at pataasan. kainan ng mahihina.lahat na lang mayaman, makapangyarihan, malakas, at may abs. 
magulo ang mundo ng internet, parang perya na libre ang pagpasok pero may bayad ang rides. at kung sakto lang ang pera mo kailangan mong tiisin ang gutom para may pambayad kang hiluhin ang sarili mo.
may taong para sa internet at may taong hindi para dito, mauubos ang isang taon mo kung pagkukumparahin mo ang dalawa, ang isang mundo ay para sa paglilibang at ang isa ay panseryosohan.. ikaw ang may hawak ng buhay mo, pumili ka kung alin dun ang alin.
hindi lahat ng tao nabibigyan ng pribilehiyong maging masaya dito. parang buto ng mansanas yan.. hindi mo pwedeng itanim yan kahit saan, kahit anong alaga mo dyan hindi rin tutubo ‘yan kase hindi s’ya para sa lugar na yun, tumubo man hindi rin tatagal.
dapat mong malaman ang pagkakaiba ng natatawa sa natutuwa, at ang matinding kaibahan ng sitwasyon na nagtatawanan kayo at ng sitwasyon na pinagtatawanan ka nila. sinubukan mong baguhin ang nasimulan na, iniangat mo ang kamay mo para manakit pero nakalimutan mong may ulong nakapatong sa balikat mo, sa mukha mo rin tumama ang sampal na dapat sana ay sa kanila.. minsan sa kakapilit magpumiglas ng isang tao lalo n’ya lang naisisiksik ang sarili n’ya sa kahon ng katangahan. hindi ko alam kung papayuhan kitang manahimik na lang dahil alam kong mali ‘yun, ayoko din naman na payuhan kang lumaban dahil alam ko naman na wala kang ibubuga at lalo ka lang masasaktan. subukan mong ilagay ang computer mo malapit sa bintana, baka sakaling pag ngalay na ang leeg mo at pagod na ang mga mata mo  matanaw mo ang buhay sa labas ng bahay n’yo at marealize mo na merong tunay na mundo sa labas ng internet.

Shares 0

0 thoughts on “internats”

  1. wow ang deep wish ko lang pag nabasa nya to eh hindi hi i miss you ang sabihin nya sayo…. hehehehehe…
    ang habang eksplanasyon pero ang basa ko “hello ang Tangga mo” at get a life! :nod:

  2. “may taong para sa internet at may taong hindi para dito” :nod:

    kawawa naman yung mga taong hindi para dun pero pinagsisiksikan pa rin yung sarili nila.

  3. nice one kuya jon…
    wag sanang hyaang mabuhay at umikot ang buhay sa internet lalo na kapag ito ay di para sayo, masarap din ang buhay sa labas nito… minsan hayaan mo ang sarili mong pagbigyan at makisalamuha sa iba baka dun mo matagpuan ang tunay na kasiyahan

  4. kahanga hanga, di ako talaga nagkamali ng mahalin kita (err)

    may mga tao talagang pasikat sa madla kaya lalong nagmumukang tanga!

    One hit! favorite post ko na to!

  5. ang lungkot ng post hindi ko alam kung bakit…or alam ko ayoko lang tanggapin.

    salamat jon ulit. . .

    hagis ko na lang yung computer sa terrace!

  6. Hmm..kakaiba ka talaga Mr. Cabron. Marami akong napupulot sa mga sinasabi mo. Pamilyar sa akin ang senaryong yan. Sana mabasa nya yang mga cnabi mo, at maisip nyang lumabas sya ng bahay nila para makita nya ang realidad. Sana laging brownout sa kanila para malaman nyang may buhay sa labas ng PC nya.

  7. paano mo ba kasi malalaman na in or out ka dito?

    sa palagay ko naman ang internet para sa lahat ng tao… yun nga lang, kailangan alam natin kung saan ang dapat na limitasyon sa paglilibang natin dito sa virtual world na ito…

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *