isang pangkaraniwang senaryo sa burol ng isang kamag anak

natapos na ang libing ng dalawang mahal ko sa buhay. kahapon ng umaga ‘yung sa tito ko at kinahapunan naman nun ‘yung sa asawa ng kapatid ng lolo ko. sa magkabilang side ng pamilya ko ‘yan kaya iba ibang tao ang kasalamuha ko sa dalawang ‘yan. habang nasa huling gabi ng burol ako ng tito ko, meron akong isang bagay na natutunan. malaki din talaga ang pagkakaiba pag pinagtagpo mo sa unang pagkakataon ang dalawang magkapareho ng kasarian pero magkalayo ng idad at iniwan mo sila para mag usap. ‘yung unang diskarte ng isa para magbukas ng usapan sa pangalawa at ‘yung pagsusumikap ng pangawala para hindi mainip sa usapan ‘yung isa. ibang iba.
halimbawa, ito ang karaniwang senaryo sa dalawang babaeng nagkausap sa unang pagkakataon sa burol ng isang kamag anak. pansinin na malaki ang agwat ng idad ni babae1 kay babae2.

babae1: hi, anak ka pala ni ano? (paypay ng isang punit na karton)
babae2: hihihi opo. (higop ng kape)
babae1: anliit mo pa nung una kitang nakita, kasa kasama ka pa ng tatay mo sa amin pag ganitong may patay.
babae2: ah ganun po ba? hindi ko na po naaalala, pero ang nanay n’yo po nababanggit ng tatay ko.
(kuha ng celfone text sa boyfriend n’ya “bulsyet amboring dito ang init, asan na u?”)

… ilang sandali pa.

babae1: ‘yung tita ano mo ang talagang numero unong mandarambong, anlaki ng naloko nun sa tito ano mo nung araw!
babae2: ah talaga po?
babae1: oo, maniwala ka sa akin. bago s’ya namatay.

…. at lilipas ang mahabang oras na magpapaikot ikot lang sila sa topic tungkol sa mga kamag anak nila, at kung paaano sila naging magkakone konekta sa mundo.

ibang iba pag dalawang lalaki ang pinagtagpo sa kauna unahang pagkakataon at nagkausap sa burol ng isang kamag anak. pansinin na malayo ang idad ni lalaki1 kay lalaki2.

lalaki1: walangya anak ka pala ni ano?
lalaki2: oho.
lalaki1: alam mo ‘yang tatay mo, kababata ko ‘yan kasa kasama ko sa kabaret ‘yan nung araw.
lalaki2: hehe ah ganun ho ba?
lalaki1: oo, nako napakadami naming napagdaanan n’yan bago ‘yan magbarko.
lalaki2: ahhhkei

… ilang sandali pa.

lalaki1: nakatapos ka na ba? anong kurso mo?
lalaki2: sa computer ho.
lalaki1: ah ganun ba, sa tingin mo ba magkanong magbuo ng isang computer ngayon?
lalaki2: mga ganto po…
lalaki1: ahhh may printer na ‘yan?

.. at magtatapos sa.

lalaki1: grabe talaga, lalo na ‘yung mga babaeng lebanese.. tangina mga mukhang anghel! ang ganda ng mga itsura ng mukha habang binibira mo ng patalikod.
lalaki2: .. ahhhm parang hindi ko ho maimagine na bumibira ako ng anghel.
lalaki1: bwahahahah loko!

nakuha n’yo ba ‘yung pagkakaiba?

Shares 0

0 thoughts on “isang pangkaraniwang senaryo sa burol ng isang kamag anak”

  1. hmmmmmkei…

    ayoko ng mga ganyang setting. hindi kasi ako magaling sa mga oy-kamusta-ka-na-ang-tagal-na-kitang-hindi-nakita-ano-na-ang-balita-sa-yo moments. hahays

  2. hahaha. ibig sabihin i’m blessed with good & funny relatives. ang nakikinita ko kseng scenario ko, sa mga kamag-anak ko, if ever eh yung sa lalaki 1 & lalaki 2.

  3. parang si mareng antuken lang, more of scenario number 2 ang sa angkan namin(both sides). lahat pasaway. pero subukan mong si babae1 kausapin si lalaki2 tapos si lalaki1 kausapin si babae2.. try lang, kahit hindi burol. iba rin sya..

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *