kailangan ko ng BJ

MAY TAMA KA!
utin
pwede namang kurikong sa kamay na lang o matinding balakubak, o hadhad sa singit, lourd naman bakit naman dun pa!? at sus! pano na ang inuman sessions ko nyan!! at isa pa binigyan mo lang lalo si mrs. cabron ng dahilan para tanggihan ako! grrrrrrr!
.. kailangan kong uminom ng dalawang litrong tubig sa isang araw at kailangan kong lumunok ng 189 pesos na isang pirasong gamot isang beses kada araw sa loob ng isang linggo, naisip ko lang na kung andito pa yung baklang naggugupit sakin dati hindi ko na kailangan ng litro litrong tubig at mamahaling gamot… BJ nya lang okei na’ isang katok ko lang sa glass window ng parlor nya kahit natutulog yun bibigyan ako ng BJ nun.. haaays’
bigla ko tuloy naalala nung huli kaming magkausap, paalis na sila nun, pinaalis kse ng MMDA yung parlor nya dito sa may amin, sagabal daw sa kalsada’ malungkot kami pareho.. may luha sa mga gilid ng mga mata nya, ako tapang tapangan parang wala lang pero hindi ko maitago ang mga lungkot sa mata ko, hindi ko mapigilan ang mga nginig sa boses ko na pinipilit kong takpan ng sunod sunod na buntung hininga,

CARMINA: o pano jon, aalis na ang vaklah
JON: tsk, pano yan sino na ang maggugupit sakin ngayon
CARMINA: gupit ba talaga jon o ang bj?
JON: … iba kse talaga ang bj mo, marami na rin akong natikman pero kakaiba ang iyo’
CARMINA: corrected by! iba talaga ang bj ko dahil may mga ibang eklavu yan

.. naputol na ang usapan namin dahil dumating na ang demolition team at nakipag batuhan pa sya ng pillbox sa mga iyon, ilang taon din ang lumipas ng nakita ko ulit sya, nasa isang sulok sya ng palengke, medyo nagkaidad na pero andun pa rin ang malalanding pilantik ng mga kamay, pero hindi ako nakalapit dahil may kasama syang dalawang babae at isang binatilyo at alam kong BJ nya lang ang habol ng mga iyon.. ayokong makaistorbo at isa pa hindi ako sigurado kung kilala nya pa ako, hanggang sa sikuhin na ko ni mrs cabron para lumakad na pauwi, tinanong nya ko kung sino ang tinitignan ko at sinabi ko na lang na wala, para kseng may nakita akong isang dating kaibigan.. habang papalayo kinuhanan ko na lang ng litrato sa celfone ko ang isang dating kaibigan na walastik sa BJ..

mananatili sa puso ko ang larawang ito

Shares 0

0 thoughts on “kailangan ko ng BJ”

  1. sabi ko na nga baaaaaaaaaaaaa!
    korekted by talaga ako! di ako maloloko ng taytol mo kasi mahilig din ako sa BJ! bleh!

    ==
    bwahahah, bakit may iba pa bang bj?!

  2. Astig ung pic ng BJ. Nami-miss ko tuloy.
    Ang lagi ko sinasabi sa nagbibigay ng BJ is “mala-uhog ha”
    Yan nga lang talaga ang proven na immediate gamot sa UTI sabi ng doctors.

  3. ahh yun pala yun…nagets ko nung makita ko yung pic nyahahahaha!!!!

    habang naggugupit pala si carmina eh may sideline pang tinda ng BJ…tama ka jon..isang bj araw-araw lang katapat nyan….

  4. amf madumi talaga utak ko, hanap ako ng hanap ng bakla sa pix amf kundi p q nagbasa ng comments di q mage getz nyahaha (slowwwww)

  5. akala ko blowjob. ipagyayabang ko sanang nakakapagpaluha ako ng mga lalake dahil dun. wahahahaha

    bruho ka talaga jon cabron!

  6. walanya ka Mr. Cabron wala ng boses yung tawa ko sa sobrang katatawa dito lol!!! hehehehe Buko Juice Amp!!! naku dapat nga dyan sa sakit mo e BJ…mag BJ ka ng mag BJ hanggang sa luminis ihi mo… ganyan din ako nung buntis ako e puro BJ din, tapos tong mama na suki ko kahit ba naman hindi na ko buntis e gusto pa rin akong bigyan BJ tuwing umaga..ano sya hilo?

  7. Pare, muntinlupa pa rin ba ito? Parang malinis sa tao ngayon.

    Hope your med condition will improve asap.

    ***nagbalik ang mga alaala ng mga bakla sa tabing riles dahil sa post na ito***

  8. hahahaha kulets! naman naman naman…. ako din..durog na din kidney ko..acidic na daw eh(?!) actually wala talaga kong alam sa sakit ko..basta yun ang sinasabi saken ng mommy ko.. waaaa~

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *