kano

kakatuntong ko lang sa opisina, saktong kakagaling ko lang sa cafeteria para magtimpla ng kape. may tumawag na tao sa taas, kailangan kong pumunta sa kwarto ng guest para mag assist sa wifi at pinaalalahanan ako na mag ingat at magtimpi dahil nuknukan ng kasarkastikuhan daw yung guest na amerkanong yun.
umakyat ako at bago ko pindutin ang door bell sa kwarto nya, huminga muna ako ng tatlong malalalim at ikinundisyon ang sarili ko sa mga maririnig ko.
galit nga sya, dahil hindi sya makakonek at hindi raw sya nagpunta dito sa pinas para mamamasyal, andito sya para magtrabaho. cool lang ako, pinapaliwanag ko sa kanya na kaya ako andun sa harap nya para ayusin yung problema at kung sakaling hindi ko maaayos dahil hindi na abot ng utak ko, meron syang dalawang option, bumaba sa business center at dun gawin ang trabaho nya or pareho kaming maghintay na maayos ang internet sa amin. shit happens at wala akong magagawa, wala na akong kontrol dun.
hindi sya tumigil ng kakasalita at nakakarindi na habang nagtotrouble shoot ka e may dakdak ng dakdak sa tabi mo, at ang matindi.. dakdak ng dakdak ng english! ang sakit sa tenga.
naka ilang baba din ako sa opisina para magcheck at akyat ulit sa kanya para mag ayos. at sa bawas bukas nya ng pinto pasarkastiko nya kong binabati ng “good morning” na parang gusto nyang dugtungan ng “good morning, jon.. tutal hindi ako makapag trabaho, saluhin mo ang galit ko! sucks to be you, brown man!”
inabot ako ng halos 40 minutes kasama ang ilang pari’t parito bago ko naayos ang connection nya, iyon na yata ang pinakamatagal na kwarenta minuto sa buhay ko. at pakiramdam ko paglabas ko ng kwarto nya.. para akong ginahasa ng amerkanong yun. sa likod.
napangiti na lang ako na sweldo nga pala kahapon, at pwede akong gumimik mamaya dahil pang alas dos na ‘ko bukas. hmmmm parang masarap magpunta sa bar na puro amerikano ang waiters. kayo naman ang mabulol kaka sir yes sir sakin mga ‘ndot!

Shares 0

0 thoughts on “kano”

  1. hay naku, buti nga ngaun mo lang naranasan yan. Ung mga nasa callcenters, EVERY Fuckin Day! Sarap pagpipitikin ang itlog ng mga hinayupak! grrrr!

    ==
    pero iba yung sa telepono at iba yung aktwal.. wala kaming mute button

  2. “hmmmm parang masarap magpunta sa bar na puro amerikano ang waiters. kayo naman ang mabulol kaka sir yes sir sakin mga ‘ndot!”

    It’s payback time!
    -cheers!

    ==
    di ako natuloy

  3. Hmmmmnnnn good idea…
    Buti pa kayo sweldo na, kami dito wala pa.. May 2 pa huhuhuhu…

    Labor Day pala bukas… Ang saya walang pasok kami….
    I added u sa link ko,,, add me also pls… I’m ur new friend.. tnx

    ==
    huhwere?

  4. hahaha… dapat pinasak mo nalang sa ilong niya yunng cable wire no… hahahaah

    ay wi-fi nga pala yun…

    ==
    lols

  5. hahahahahaha, buti nga american english ang mga dirty words mo eh ang sa akin mga singaporean. imagine how they say bull$hit accent

    ang cute cute nila magalit…. hahahahahahaha damn it1

  6. minsan kakasuya nga ang mga foreigners na yan. my boss is aussie. at although feeling ko eh isa ako sa mga favorite nya, i hate it pag may pinapagawa sya na hindi naman ubra sa regulations dito sa pinas. ang dialogue nya lagi eh “in australia eklat eklat…” ansarap sabihan na ‘well, you’re not in australia!’

    ayos din mga ganyan minsan… they break the monotony of our daily activities. hehehe.

    ==
    magandang pantesting ng pasensya din.

  7. uy marami niyan dito… lalong marami nga kasama pa mga arabo. tsk..

    ==
    pakiramdam yata ng mga ‘ndot na to kasama yung pagkatao mo sa binabayaran nila.

  8. punta ka dito jon, kapag nag inglis ka, ikaw na pinakasikat at feeling mo ikaw lang educated, hahahaha

    ==
    dito ibinubulong ko sa kano yung sinasabi ko pag may pinoy na nakakarinig, mas maarte pa kse ang pinoy kesa sa kano pag dating sa inglis. sus!

  9. oo, lagi na lang nila sinasabi ni

    “japan style, japan style,”

    eh nasa pilipinas naman sila…

    ==
    tama!

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *