kara is

  matagal ko ng idol tong taong to, hanga ako sa tapang nyang maglulusot sa mga maliliit na butas ng kuweba, umakyat sa mga bundok at bilib ako sa galing nyang magkuwento. ilang beses din akong binalisawsaw sa pagpipigil na umihi pag sya na ang nakasalang sa kuwento. napanood ko ang ahas sa kuweba, yung batang mukhang matanda, batang payat na payat, ikinasal na pilay, huling prinsesa, at marami pang iba.

at hindi ko alam kung anong tawag sa pakiramdam na tuwing nakikita ko sya sa tv.. parang tumutugtog ang bandang cueshe sa loob ng dibdib ko sa lakas at bilis ng kalabog.
nung nalaman kong may konek pala ang pinaybrodkaster sa kanya, kinaibigan ko agad ang babaeng yun. at eventually nagenjoy naman ako sa kanya kahit papano. lols.
at hindi ko inakala na nakatatak na pala sa isip nya yung mga bagay na nababanggit ko sa kanya tungkol sa babaeng to, at nung naglabas nga ako ng entry tungkol sa paraan na gusto kong gawin para sakin ng mga readers ko. isa sya sa mga naunang sumagot.
muling nabuhay ang pagmamahal ko sa dukyumentaristang to nung nakita ko ang iba’t ibang pictures nya kasama na yung mga pictures habang sinusulat nya yung mga mensaheng ‘yan. at muli katulad nung una kong makita si mrs. cabron habang namimili sa may ukay ukay sa baclaran habang papalabas ako sa isang tagong public toilet kung saan isinama ako ng baklang nakilala ko sa may sinehan, kinilig na naman ako. yung kilig na parang pambata, kilig na walang malisya.
ilang araw ng naka wallpaper sa desktop ko ang picture na yan, pinagyayabang ko sa lahat ng nakakakita at sinasadya kong magimbita ng kung sino sino para makapag yabang lang. hindi sila makapaniwala, at masaya akong tinititigan sila habang unti unting pinanlalambutan ng mga tuhod dahil sa inggit.
maraming salamat sayo pinaybrod, pinasaya mo ko ng sobra sobra. habambuhay kong itatago sa imbakan ng memorya ko ang mga bagay na to.
(taena para kong si cristy fermin magsalita)


naisip ko lang kung ano yung guhit na nasa pinaka ilalim ng message nya? hindi kaya isang mensahe yun na pinilit burahin gamit ang photoshop? kayang kaya ng teknolohiya yan. at kung isang mensahe pa nga yun, ano ang posibleng nakasulat dun? hindi kaya ang buong message ay

Jon,
Happy Birthday!

Kara

GET WELL SOON!

.. at pumasok sa isip ko na siguro sinabi nyang may isa syang kaibigan na may hydrocephalus at maaaring eto na ang huling bertdey ng bata.
watta friend, this lenggai.

‘niwei,

500+  hits isang araw, pero iilan pa lang ang nagpapadala ng picture sakin? anong pekeng pakikipagkaibigan tong inihahain nyo sakin?

Shares 0

0 thoughts on “kara is”

  1. ahaha. galeng ng huling linya eh. baka pinagiisipang mabuti kung pano ang greeting na gagawin nila for you.

    ang lame ko sa susunod kong sasabihin, pero sino ba yang chic na nasa pic? cute nga sya.

  2. wow naman kuya, sikat ka na! close kayo ni kara david ahehe.. kala ko sa bertdey mo mismo sesend yung pic, kelangan na pala now.. sige wait ka lang lolz

    ==
    close kami ni kara, para kaming pilikmata at patatas.

  3. ay! di pa ba sapat si kara? idol, kelan nga ba ang exact date ng birthday mo?

    ==
    hmp! kung si def siguro humiling nyan, ora mismo!…. HMPPPPPPPPPP!

  4. naks naman!! weeeee

    kainggit. hehe.
    kelan nga pla deadline nung pix?

    ==
    ahh bakit ba tayo mahilig sa deadline? pinoy..pinoy..pinoy.

  5. babae nanaman yan!! :p

    ako 1000 hits per day dahil kay ramiele malubay lol. ooops keyword.

    ==
    may bago ng keyword na patok, “ira eigenmann”

  6. parang di si kara yan,iba yung smile…saka yung ilong…mas kahawig pa nga si maui taylor kesa kay kara eh….

    selos lang siguro to…

    ==
    sya yan! .. dahil sinabi ko.

  7. aw you’re welcome! berdei mo kaya dapat karir.

    “close kami ni kara, para kaming pilikmata at patatas.”

    — nyahahaha!!!

    “… at eventually nagenjoy naman ako sa kanya kahit papano. lols.”

    hindi ako naniniwala na “kahit papaano” lang ang ligayang hatid ko sayo, jon!

    …at hindi ko rin akalaing gagawan mo pa ng entry ang pasasalamat mo… hehe… ngayon ay naniniwala na akong napasaya kita sa padala ko.

    ahm… talaga bang kelangan mo pa ng ako mismo ang me hawak?

    hmmm…

  8. Pasensya na di ka pa kasi sikat dito sa Inglatera eh…

    Sana maglive blog typing ka naman dito. Hehehehe!

    Nagiisip narin ako ng picture na ibibigay ko sayo eh… hmmmm… pagiisipan kong mabuti ito dahil super celebrity ka ng WPP…

  9. ang ganda mo pala kaya di kaila na marami kang friend at mga taong sumusuporta sayo isa na ako dun.sana magkita tayo at makag kwentuhan kahit sandali….ingat palagi ha…

  10. ay!..oo si kara david idol ko yan pagdating sa dokyumentaryo….kasi matuwid magsalita at managalog.kaya madaling maintindihan ang kanyang sinasabi…ikaw din matuwid managalog kaya nga gustong-gusto kita eh….sana minsan makabonding din kita…ano ba ang type mo sa isang boy?

  11. Sorry I didn’t mean to be sarcastic…

    Idol nga kita eh, kasi siyampre balang araw gusto ko ring umabot sa ganyan kadami ang bumibisita sa blog ko…

  12. @ludwig:

    kuuuu…. hindi mo binasa ng mabuti yung entry at yung header ng blog… halatang bago ka pa lang dito…

    basahin mo muna ‘yung entries ni jon, pihadong mag-eenjoy ka at malalaman mo kung bakit ang daming chicks na handang mag-alay ng puri at katawan nila kay MJC…

    @jon…

    ano raw ang type mo sa isang boy?

    lol!

  13. gung-gung pala kayong dalawa e.para kay lenggai yong tanong kong yon .sinadya ko talagang sa blog mo mag comment jon pero di para sayo yong tanong ko.kaya magdahan-dahan ka naman sa sinasabi mo…alam kong magkakaroon kayo ng komento tungkol dyan sa nasabi ko.pero sana naman walang bad word….. ha jon si JESUS pa naman yong picture mo front mo lang pala at ikaw rin “ALONE” kung sino ka man sana walang bad word ha siguro naman nag aral ka rin alam mo ang tama at mali.lam mo sa ugali nakikilala ang isang tao kung anong uri ng pamilya ang kanyang pinagmulan yan ang lagi mong tatandaan ha….pasensya na…

  14. “gung-gung pala kayong dalawa e.para kay lenggai yong tanong kong yon .sinadya ko talagang sa blog mo mag comment jon pero di para sayo yong tanong ko.kaya magdahan-dahan ka naman sa sinasabi mo…”
    – LMAO!!!

    “kaya magdahan-dahan ka naman sa sinasabi mo…alam kong magkakaroon kayo ng komento tungkol dyan sa nasabi ko.pero sana naman walang bad word….. ha jon si JESUS pa naman yong picture mo front mo lang pala at ikaw rin “ALONE” kung sino ka man sana walang bad word ha siguro naman nag aral ka rin alam mo ang tama at mali.”
    – ROFL!

    “lam mo sa ugali nakikilala ang isang tao kung anong uri ng pamilya ang kanyang pinagmulan yan ang lagi mong tatandaan ha….pasensya na…”
    – LOLS

    ansakit na ng abs ko kakatawa sa pinagsasasabi mo… tama na!!
    at ang nakakatawa pa dun.. wala naman akong abs!
    – ROFLCOASTER!!!!

  15. tumatawa ka sa ginawa mo…palitan mo na nga yang picture ni JESUS pati panginoon nadadamay sa mga kalokohan mo…tsik! tsik! tsik!…..

  16. ikaw rin “ALONE” kung sino ka man sana walang bad word ha siguro naman nag aral ka rin alam mo ang tama at mali.

    im no body, natawa lang kasi ako sa post mo eh at pasensya na di ko lang talaga mapigalan tumawa at mag post ng ganung sagot kasi nakita ko sa taas na ganun din ang reaksyon nila, ang pinag kaiba lang is may bad words ang akin.

    pasensya na nahalata mong kung anong pamilya meron ako @ lotto nalang ang pag asang biglang yaman ko (inshort mahirap lang). pero lapit ka may ibubulong ako sa iyo ludwig02 “you thought wrong” 7 yrs old palang wala nakong magulang, kaya di ko alam ang salitang pamilya

    p.s. ayusin mo kasi mag post, mababa kasi IQ ko eh iba kaagad ang pumasok sa isip ko. ^_^V

  17. “tumatawa ka sa ginawa mo…palitan mo na nga yang picture ni JESUS pati panginoon nadadamay sa mga kalokohan mo…tsik! tsik! tsik!…..”
    – LO LO LOLS!

    ahhhhhhhhhhh! anong nangyayari sakin? bakit hindi ko makuhang magalit sayo… pagkaganda gandang entry na to pag pinatulan ko yang retardiology mo!!! ahhhhhh hindi kaya ng kunsensya ko.

  18. pasensya na rin sayo “ALONE”yaan mo sa susunod aayusin ko.sorry talaga ha…at salamat din sa pang unawa mo.friend?….

  19. you don’t need to apologize, it’s just showing im the bad guy here in fact you got potential (stand up comedian perhaps? how really bad i am tsk tsk

    im cutting it out! friends? sure why not! click this site then post what number you got

    http://www.ipchicken.com/

  20. ayun naman pala..haha! liwanagin mo kasi ludwig sana man lang eh nilagyan mo ng @lenggai para naman hindi nagmukhang para kay jon yun..natural blog nya to. mabuti ng maliwanag..oks lang yun marami ka namang napasaya.

  21. GASTI thanks ha…nahiya nga rin ako sa ginawa ko lalo na kay jon at alone…yaan nyo next time aayusin ko na…friend?sana dumaan naman kayo sa blog ko pls;)

  22. “palitan mo na nga yang picture ni JESUS pati panginoon nadadamay sa mga kalokohan mo…tsik! tsik! tsik!…..”

    Hindi naman picture ni Jesus yan eh. Yan ang itsura ng mga manikin na ginagawa ng mga paring katoliko na tinatawag lang nilang Jesus na sinasamba, niluluhuran at inaalayan ng mga kawawang katoliko na naniniwalang ganyan nga ang itsura ni Jesus…

  23. paano ba ang gagawin para ma ipost sa lahat ang blog ko?bago lang kasi ako dito e….

    kala ko ba may blog kana? post mo nalang dito yung site. sample kung wordpress ka gumawa. http://ludwig02.wordpress.com ganito…post mo na dito….

    @Ms. Landlord if you don’t mind, are you a catholic?

  24. musta na mga friend? lols! ngyon ko lang nabasa yung ibang comments…ayos! mukhang forum na nga..nalayo na sa topic..hehehe! ito na yata ang may pinakamaraming comments sa post mo jon.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *