kinis guapo!

naranasan mo na ba na sobrang emergency na, kritikal, at kailangang kailangan mo nang magdesisyon pero wala ka ng pagpipilian kundi kunsintihin ang nararamdaman mo, wala ka ng panahon na mag alinlangan, wala kang pinagkaiba sa isang suicide bomber. ilang minuto lang sasabog ka na. at alam mong hindi lang ikaw ang maaapektuhan. pagkatapos. nagmamadali mong kinuha ang kikay kit mo sa bag mo sabay takbo sa pinakamalapit na cr. napangiti ka pa nung inabutan mong walang tao sa loob, walang nananalamin, walang kaagaw sa upuan. napangiti ka ulit at kinikilig na naibulong mo sa sarili mo “ahhhh maaga pa kase.” matapos mong isara ang pinto para masolo mo ang misyon na hinahangad mong matapos ng mapayapa at walang makakaalam, maingat mong tinantya ang mga bagay bagay, sinipat ang mga butas, iniwasan ang mga bagay na basa.. at matapos mong makumbinsi ang sarili mo na pabor sa’yo ang lahat ng bagay.. maingat mong pinakawalan ang bombang kanina mo pa dala dala… at matapos mong mapagtagumpayan ‘yan, kinuha mo ang lalagyanan ng mga armas mo.. para lang magulat na wala ka palang sabon dun’ at ang tanging laman ng bagahe mo ay suklay, sepilyo, kolgeyt, at pampahid sa mukha… MASTER ESKINOL ICE PORE MINIMIZER. at wala ka ng pagpipilian, binasa mo sa gripo ang kamay mo at nilagyan mo ng eskinol cream, malamig! nakakakiliti! .. at mabango.
at ngayon, ilang oras matapos ang misyon na ‘yun ramdam mo pa rin ang lamig at kiliti.. at kinikilig ka sa sensasyon na nararanasan mo tuwing ikinikembot mo ang puwet mo sa upuan.

naranasan mo na ba lahat ‘yan? ako. hindi pa.

Shares 0

0 thoughts on “kinis guapo!”

  1. nice one jon! hindi ko mapigilang matawa habang binabasa ito, naalala ko kasi bigla ang kaibigan kong bading na somewhat nakaranas gumamit ng ganyan sa puwet dhil nakalimutan nya petroleum jelly nya…nyahahahha!

    gandang umaga pala

  2. meron sa watson’s na paper soap. murang mura lang. wala pang bente pesos. madali pang bitbitin. kahit sa wallet mo pwede mo ilagay. try mo lang din yun.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *