kung masakit ang ulo mo uminom ka ng biogesic..

naranasan n’yo na ba ‘yung bagong trapik mula alabang hanggang bago umakyat ng skyway? grabe no! nakakapag init ng ulo, ilang araw na tuloy akong hindi nakakakain ng tanghalian dahil bago pa makaluto ang nanay ko kailangan ko ng umalis ng bahay para makipag buno sa mahabang trapik na ‘yun para mapaligaya ang boss ko sa pagdating ko ng maaga at mapasaya si mrs. cabron sa araw ng sweldo.
ang maganda lang sa ganyang matagalang byahe, otomatik na nagiging malikot ang utak mo sa mga posibleng maiblog na pangyayari o mga bagay na dahil mas matagal na napagmamasdan mo ngayon dun mo lang mapupuna ‘yung mga bagay na hindi mo napapansin dati, tulad nito..
sino ang mag aakalang matagal na palang pasimpleng nginangaratan ni john lloyd ang sambayanan sa pamamagitan ng billboard n’ya ng biogesic?

jlc

isang posibleng kwento:
may gawa ng billboard: sir, pustahan tayo kaya kong gamitin ang isa sa pinakasikat na batang artista sa pilipinas ngayon para pakyuhan ang buong sambayanan nang walang makakapuna.
boss ng may gawa ng billboard: hindi ako naniniwala!
may gawa ng billboard: isang milyon?
boss ng may gawa ng billboard: deal!

simple lang ang mensahe dito,
kung masakit ang ulo mo uminom ka ng biogesic na pakyu ka!

Shares 0

0 thoughts on “kung masakit ang ulo mo uminom ka ng biogesic..”

  1. idol, hindi pak u ang ginawa ko jan, sakto lng naitago ung hintuturo ko kc mejo mahaba ung himpapakyu ko eh :D, kaya mukhang pak u ung litrato ko jan..

  2. hahaha!!!!oo nga ano?nakapakyu pala siya dun.ang galing mo namang magmasid.kala ko mga tsiks lang ang madalas mong mapansin

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *