kupal magnet

mula nung isinilang ako sa mundo ng internet, kasabay nun na nagsulputan ang mga kupal na aali-aligid sa likod ko at sa gilid ko na parang kakambal na ng pagkatao ko at mga nagmimistulang kakabit na ng pusod ko. masasabi kong sanggol pa ‘ko nung nagsimula akong makipag gerahan sa mga kupal na ‘to gamit ang keyboard at harap ng monitor ko at buong yabang kong ipinagmamalaki na ni isa wala man lang nagtagumpay na magalusan ako sa pamamagitan ng pagpapausok ng ilong ko sa galit gamit ang mga salita nilang iniisip nilang matitindi, binibitawan nilang brutal pero parang musikang dumadaan sa kaliwang tenga ko, lagpas sa kabila.
merong mga nakakagulat na parang mga lusis na mayayabang at matatapang na bigla na lang maingay na sumusulpot pero katulad din ng iba na wala rin palang ibubuga, matapos ang mayabang na pag angat kasunod ang pagbagsak ng basyo. walang iniwang pinsala. walang napala, walang nawala.
sa lahat ng ‘yan at sa idad ko sa cyberworld sa ngayon masasabi kong kaabnormalan na kung katulad ng dating iisa isahin ko pang patulan ‘yang mga retarded na nagsusulputan na parang mga kabuteng ‘yan. dahil sa aminin man natin o hindi, napakasarap mangupal sa internet! gawain ko rin ‘yan dati. masarap asarin ang taong alam mong pumapatol sa kahit na anong kakupalan, masarap dahil pakiramdam mo pumupuntos ka sa bawat kagaguhang nasasabi mo sa harap ng monitor mo. gawain ko rin ‘yan… nung wala pa akong alam gawin sa internet kundi magsaltik sa mga libreng porn sites na pinupuntahan ko. pero nung natuklasan ko ang lawak ng internet at natuklasan kong isang malaking kagaguhan na mag aksaya ka ng kuryente kakalabas masok sa isang forum, chatroom, o blog para lang humiram ng tapang sa keyboard mo, at isang sintomas ng pagiging big time loser ang mamalimos ng pansin sa isang tao sa internet sa pamamagitan ng pakikipagpalitan ng maaanghang na salita sa kanya, ipinasya ko ng tumigil.
nasan na ang matikas na si ludwig, si nonoy o ang nagpapanggap na s’ya, at ang nuknukan ng bopol na si denggoy, at ang mga iba’t ibang mukha ng retarded na panandaliang humiram ng atensyon ng blog na ‘to? wala na. ano pang maidadagdag sa paglaki ng cyber dick ko kung papatol pa ‘ko sa mga baguhang magsusulputan ulit? wala na. babalik pa ba ulit ako sa square 1 e halos pitumpu’t pitong beses ko ng pinatunayan na pinakabastos ang bunganga ko sa lahat ng blogger na makikilala n’yo? wag na.
sa huli magbibigay ako ng tip sa mga aspiring kups ng blog ko, galingan, patunayan, at panindigan n’yo. pag naimpress ako sa banat, baka sakali. pero hangga’t wala pa kayong pinagkaiba sa makulit na batang nakahubo at nakalabas ang titing pasayaw sayaw lang sa harapan ko.. baka sa idad kong ‘to masipa ko lang ang mga noo n’yo.
at pag nangyari ‘yun, wag kayong lalapit sa nanay n’yo ng umiiyak dahil ang alam nila, kaya ka nila pinayagang mag internet… para mag aral.

maraming salamat sa lahat ng tumatangkilik sa blog ko.
sa lahat ng ayaw sa’kin, wala akong pakialam sa inyong lahat.
at sa lahat ng nababastusan, naaangasan, at nayayabangan sa’kin… salamat dahil iyon talaga ang intensyon ko,
ang magyabang at mag angas sa lahat ng mga asshole sa buong mundo,
at iisipin kong bigo ako sa bagay na ‘yun pag lahat ng tao ay natutuwa sa akin.

at kung may magsasabing kaya ako “kupal magnet” ay dahil supot pa ako,
ipinapanalangin kong mamatay kayo sa isa sa pinakamasakit na karamdaman sa buong mundo
… ng dahan dahan.

i can’t change the way i am … but if i offended you, good. cause i still don’t give a fuck.
– “Still Don’t Give A Fuck

Shares 0

0 thoughts on “kupal magnet”

  1. hay naku… salamat naman at may bago… kahapon pa kc ako nag-aabang e. cno ba yang mga kupal na yan at mga sobrang magpapansin sau? parang nararamdaman ko ngaun ang tibay ng ung dibdib… :blush:

  2. season ender ba to? o sya cge na back to regular programming..ituloy ang mga masasayang kuwento sa buhay mo, kuro kuro, pagninilay, obserbasyon, rants at most specially ang mga pinakanakakatawang jokes sa mundo (seriously wag to, di ka marunong mag corny, nagiging kupal corny ka).

    aba’t napansin ko na bago na title mo. may show na pala…susunod nito may movie na… di malayong ma pick-up to ng mga producer etc. pero bababuyin lang ng mga writer. kaya dapat ikaw ang magsulat.

    keep it up!

    1. pagbabago lang, tama na yung masyadong mabait. nababaklaan na ko minsan sa sarili ko.

      at natuwa ako dun sa “kupal corny” yan ang gusto ko sa babae, bastos ang bibig!

      salamat.

      ps
      kung lalaki ka, kalimutan mo na lahat ng sinabi ko dito, at pakyu ka dahil sinabihan mo ‘kong “kupal corny”

  3. at kung maiisipan kong magdasal . . aalalahanin kong isama ang kaluluwa mo.. :nod:

    wala ka nun? amm yun ano na lang . . . :|

  4. ang taray talaga ng entry na to! bagay na bagay ang bagong avatar mo ngayon sa personalidad mo. tuwing nakikita ko ang bigote ng avatar mo…nakikiliti ang tingg*l ko. lols.

  5. “ANONG MALIGAYA SA ARAWWWWWWWWWWW? WALANG MALIGAYA SA ARAWWWWWWWWWWWW!!!!!!!!!!! ” —– taena! muntik na ako maihi sa katatawa!

  6. Bagsik mo talaga bossing jon! taal ko nang ngbabasa dito… ngayon lang ako nagcomment… i liked lurking and obsering how people interact here… bilib ako sayo… matagal na rin ako sa netat kaw ang pinakatotoong tao na nakita ko dito… i mean pinaka, kasi meron din namang totoo pero mas totoo ka!

    keep on writing bossing! saludo ako sa pagbahagi ng sarili mo sa internet!

  7. naalala ko pa yang 2 sa kups na nabanggit mo..ludwig at denggoy..masaya na siguro silang dalawa na nag aanuhan sa bukid. :nod:

    sa tingin ko marami pang lurker dito na takot magcomment..hehe! kawawa yung ayzz nabinyagan

  8. ewan ko ba kung baket ngayon lang din ako magco-comment sa avatar mo. cute nga. parang bading na bigotilyo. san mo ba nakuha yan? hehe.

    parang si ludwig lang naalala ko sa mga pa-bibong nang-asar sa yo. hmnnn… kunsabagay, di ko naman talaga pinagbababasa mga komento ng mga detractors mo.

    feeling ko lalo kang gumu-gwapo pag gantong tema ng mga entries mo. major ranting. hehe.

  9. pakyu ka jon. tae ka. bakit hindi na si jesas ang avatar mo? napag-isip isip mo na yung sinabi ng isang hater mo? sino nga ba yun? di na sya sikat ngayon. haha

    1. para san yung pakyu ako at tae ako? naniniwala akong mabubuo mo yang tanong mo ng wala yun, seryoso. pero para masagot ko ang tanong mo,
      wala kang pakelam, tnx.

  10. ayos ah. mainit na naman ang ulo mo. naalala ko bigla yung pagpapapansin nung ludwig sa blog na to.

    wala namang nakikipag-away sa kin sa net pero may nakikipagkilala weird.

    1. hindi pa man pero, itinuturing na kitang isang mabuting kaibigan mula ngayon, pero hindi ko alam ang intensyon mo.. baka malasing ako at masira ang pamilya ko… salamat na lang.

  11. ahhmmm.. pero masarap bashahin ang pang aasar mo sa kanila..

    hanggang ngayon tinitigasan pa rin ako pag naaalala ko ang
    mga komento mo tungkol kay ludwig at kay nonoy…

    ooops, kalimutan nyo na yun..

    1. ahhhhm so ayan ang dahilan kaya hindi n’yo ko siniseryoso? sa susunod magpopost ako sa youtube kung papano ko laslasin ang pulso ko hanggang sa siko para maniwala kayong nagagalit na ko!

    1. gusto kita, gusto ko lang din sabihin ‘yun.. at marami akong naiisip na posiblidad pag naging tayo.. ahhhm pero ayokong sabihin ang mga bagay na ‘yun.

  12. tingin ko sir, naiinggit lang yang mga yan sa inyo, tama lang po na wag na ninyo silang patulan… waste of time, ang mahalaga po ay madami po kayong napapasaya.. more power sir! mahal ko na kayo! ahahay!

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *