magingat sa manyakis

manyaknaunang sumakay ng bus sa akin ang mamang ito, medyo punuan na nung hapon na ‘yun. swerte ko ng naka tsamba pa ako ng upuan. pagupo ko pa lang sa tabi n’ya tinitigan n’ya na ako ng masama, ‘yung titig na mata sa mata. minukhaan ko ‘yung tao, inisip ko kung kakilala ko ba ‘to o nakaaway.. pero hindi s’ya pamilyar sa akin. at nauna akong umiwas ng tingin.
nung kinukuha ko na ‘yung pitaka sa bulsa ko at bahagyang tumama ang siko ko sa may tagiliran n’ya, tinapunan n’ya ulit ako ng isang tingin. at kung nakakalason lang ang masamang tingin.. malamang sa mga oras na ‘yun bumula na ang bibig ko at natumba na ako sa kinauupuan ko. naisip ko na wala naman akong ginagawa sa taong ‘to, ano kayang problema nito? hanggang sa napatingin ako sa ilang mga pasaherong babae na nakatayo at mga hindi sin’werteng nakaupo. at doon nabuo sa akin ang isang matinding posibilidad ng namumuong galit n’ya sa akin. naisip ko lang na siguro umaasa ang mamang ito na isa sa mga babaeng nagoopisinang kasabay kong sumakay sa bus ang makakatabi n’ya sa upuan, pero sa kasamaang palad para sa kanya mas nauna kong madiskubre ang bakanteng upuan sa tabi n’ya. siguro may balak kse s’yang patagong mag saltik sana kung babae ang makakatabi n’ya o siguro aamuyin n’ya lang ng aamuyin ‘yung buhok ng babaeng makakatabi n’ya tapos pag uwi n’ya sa kanila dun n’ya na gagawin ‘yung masamang hangarin n’ya… sa sarili n’ya.
o pwede din na habang katabi n’ya ‘ang babae, magtutulog tulugan s’ya tapos pasimple s’yang mapapaunan kunyari  sa balikat nito habang sinasaulo ng ilong n’ya ang amoy ng kilikili ng babaeng biktima.
o pwede din na pag abot n’ya ng bayad sa kunduktor, pasimple n’yang itatama ‘yung braso n’ya sa dede ng biktima.. at maaari din na itapat n’ya ang bibig n’ya sa tenga at batok ng biktima pag sinabi n’ya na sa kunduktor ang destinasyon n’ya kasabay ng mahina at mainit na pag ihip dito.. tsk tsk tsk.
pinapayuhan ang lahat ng kababaihan na umiwas sa lalaking ito.

.. ok, wala akong katibayan sa mga sinabi ko na ‘yan.

Shares 0

0 thoughts on “magingat sa manyakis”

  1. hmm detalyadong detalyado ahh..
    hindi kaya gawain mo din ang mga iyan? based on experience ika nga

    heheheheh jowk lang

  2. teka,bakit alam mo lahat ang mga bagay na yan?binabalak pa lang nya alam mo na agad kung papano ah?hhhmmmmmmm….

  3. kung ako rin ansa kalagayan mo malamang pareho tayo ng suspetya. akala nya kasi makakajackpot na sya ng kahit isang chiching. better luck next time na lang. pero jon ibig sabihin hindi mo binigay ang upuan mo sa isa mga babaeng nakatayo? wala kang natipuhan sa kanila noh.

  4. ganda naman niyan. kuya, pano po mapataas ang traffic ng blog ko? kakaunti kasi eh, halatang walang talento sa pagsusulat. join po ako rito para tumaas din ang traffic ko. thanks po. bago pa lang po ako.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *