maling paniniwala

habang nagkakaidad tayo, andami nating napapatunayan na maling paniniwala nung mga bata pa tayo, tulad na lang ng aswang, ng mga kutong tatangayin ka sa isang isla pag di ka nagpahinguto sa nanay mo, at ng mga bumbay na nangingidnap ng mga batang gutom kaya kailangan mong kumain sa oras..
hindi lang siguro dahil mas nagiging matalino na tayo ngayon, siguro dahil din sa dami ng mga pinagdadaanan natin kaya nagigising na tayo sa mga kwento ng mga matatandang walang magawa sa buhay kundi suminghot ng mga apyan nila at maggawa ng mga kung anu anong kwento,
sa panahon ngayon na may asawa at pitong taon na anak na ako.. hindi ko inisip na may mga madidiskubre pa akong mga tututol sa kwento ng mga unang tao

1. hindi totoong lalabo ang mata mo pag natulog ka ng basa ang buhok.
2. hindi totoo na hindi ka pwedeng magdemanda pag nasagasaan ka sa kalsada at wala ka sa pedestrian lane.
3. walang siyentipikong pagpapatunay na makakatulong ang paglalagay mo ng asin sa pusod mo pag binabalisawsaw ka.

at higit sa lahat….

4. alamat lang ang babaeng gigising ng umaga para lang pagsilbihan ng almusal ang asawa nyang magdamag nagtrabaho sa opisina.

Shares 0

0 thoughts on “maling paniniwala”

  1. 4. alamat lang ang babaeng gigising ng umaga para lang pagsilbihan ng almusal ang asawa nyang magdamag nagtrabaho sa opisina.

    -hahaha reklamo din yan ng boyfriend ko nung nagkwento sya sakin tungkol dun sa “legal”.. hehe lalang.. naalala ko lang..

  2. “alamat lang ang babaeng gigising ng umaga para lang pagsilbihan ng almusal ang asawa nyang magdamag nagtrabaho sa opisina.”

    di pa naman alamat, endangered specie na nga lang

  3. alamat lang ang babaeng gigising ng umaga para lang pagsilbihan ng almusal ang asawa nyang magdamag nagtrabaho sa opisina.

    wahahaha

    QUESTION: Anong tawag sa asawang guwapo, di seloso, mapagmahal, galante, malambing, masipag, hinde reklamador at hinde babaero?

    ANSWER: GUNI-GUNI.

  4. “alamat lang ang babaeng gigising ng umaga para lang pagsilbihan ng almusal ang asawa nyang magdamag nagtrabaho sa opisina.”

    magdamag ba sa opisina? opis lang ba? lols

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *