martes

gusto kong maranasang maging isang magandang babae kahit isang linggo lang, ‘yung mala ellen adarna tapos may malaking boobs. tapos magiging mataray ako sa mga kalalakihan. ‘yung taray na parang pang tipikal na babae, ‘yung mataray pero papansin. makikipag usap ako ng malakas sa celfone habang nasa mall ako tapos pag may napatingin sa akin iirapan ko. magsusuot ako ng sobrang ikli sa jeep tapos hihilahin ko ng hihilahin pababa para takpan ‘yung legs ko o kaya hihilahin ko ng pataas para takpan ‘yung cleavage ng p’wet ko. pag naglalakad ako hahayaang kong madislocate ang tadyang ko sa pagkembot ng bewang ko tapos ‘yung nguso ko lagi kong patutulisin. pag naging babae ako, ang una kong gagawin maghahanap ako ng lalaking katulad ko, ‘yung jon cabron na ako. kase biruin mo ha’ nagtatrabaho ako ng anim na araw isang linggo, gumigising ako ng alas kwatro kinse ng madaling araw tapos nun ala singko nasa kalsada na ako, naghihintay ng jeep at nakikipag unahan sa pagsakay ng bus. ang balik ko na sa bahay n’yan alas kwatro trenta ng hapon. kakain, magyoyosi, maliligo, haharap saglit sa computer habang nagyoyosi, tapos magyoyosi bago matutulog. tapos nun balikan mo lang ‘yung kwento ko ganun ang ikot ng buhay ko. anim na beses, isang linggo. narindi ka ba? p’wes hawakan mo ang dibdib mo sa impormasyon na sasabihin ko dahil baka sumabog ‘yan sa pagkahabag mo sa akin. martes ang dayoff ko. seryoso, sinong matinong tao ang magrerest day ng tuesday? martes ang simula ng linggo ng responsableng manggagawa, hindi linggo at hindi lunes. bakit? tuesday mula friday nagtatrabaho ‘yang mga taong ‘yan, sabado sila nagiinom at ‘yung linggo walang gagawin ‘yang mga ‘yan kundi mahiga dahil may hangover sila at lunes sila nagpapahinga sa mga opisina nila. oo naman, kailangan din nilang magpahinga s’yempre. kung tuesday simulang sisipagin ang mga trabahador at ang araw ng pahinga ko ay tuesday malamang wala akong mayayakag na matinong tao na makakainuman man lang sa gabi, ako na naman ang magisang magiinom sa bahay. tuesday ang pinakawalang kakwenta kwentang araw sa buong linggo. bakit?

monday – pahinga
wednesday – yes! gitna na..
thursday – isang araw na lang friday na!
friday – petiks, petiks.
sabado – inom!
linggo – hilata!

tuesday – putangina!

ano ang punto ko, sa mga dahilang sinabi ko na ‘yan. gasino na ‘yung minsan man lang sa buhay ko dalawin ako ng isang martes na may naghihintay na mala ellen adarna sa akin na may malaking dede. seryoso, abusadong tao pa ba ako nun? hindi n’yo lang kase alam.

Shares 0

0 thoughts on “martes”

  1. haahha! ur post amused me! what’z up wid big boobs man! bkit gs2ng gs2 ng mga lalaki un? dhil b wla keo nun? lolz juz a question… :p

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *