matakot ka, babae

naisip ko lang, bakit hindi na lang lagyan ng expiration date ang marriage contract, tapos kunyari after 6 months o kaya 2 years may option ka kung gusto mong mag renew ng ilang buwan at taon pa, taena’ tignan ko kung mag matapang pa ‘tong mga babaeng ‘to pag hinihingian mo ng perang pang inom, o tignan ko kung makabuka pa ng bunganga ‘tong mga babaeng ‘to na kesyo pagod na dahil nagtatrabaho din naman sila pag ginigising mo ng madaling araw para paglutuin ng sinangag at noodles. kung tutuusin, tayong mga lalaki ang naunang lumabas dito sa mundo. hinugot sa tadyang nating ‘yang mga babaeng ‘yan.. dun pa lang pangita na kung gaanong pasakit ang gagawin sa buhay natin ng mga ‘yan. at dahil sa kaadalentaduhan n’yang mga babaeng ‘yan at likas na pagiging pakialamera at gustong laging nasusunod, pinakialamanan ang mga bagay na pinagbabawal. kaya tayo ganito ngayon na pahirapan para makabalik sa paraisong ‘yun. tapos ano? hanggang ngayon gusto nila sila pa rin ang masusunod? kalokohan.
lagyan ng expiration date ang marriage contract at tignan ko kung hindi parang mga naging pusang ke aamo at ke lalambing n’yang mga babaeng ‘yan na naghihilahod sa mga binti natin pag nalalaman nilang malapit ng mapaso ang kontrata nila. at kung sasabihin n’yong kawawa naman ang mga anak sa ganung sitwasyon..
ahhhhm, bakit k’se hindi pa magimbento ng puno ng saging na p’wedeng magbuntis, kasimple simple ng buhay pinapahirap.

Shares 0

0 thoughts on “matakot ka, babae”

  1. ayos ah! babae din ako pero kung tutuusin kahit walang expiration date ang marriage contract pakiramdam ko nagagawa naman ng mga lalaki ang gusto nilang gawin ng malayang-malaya.

    bakit k’se hindi pa magimbento ng puno ng saging na p’wedeng magbuntis…

    e di ung anak mo half tao, half saging!!!

    ==
    ayokong makinig sa mga sinasabi mo, dahil babae ka.

  2. asteeg neto sehr, buti at hindi ka nabubogbog ni esmi pag nabasa nya to. wahehe

    ==
    hindi n’ya mababasa ‘to. dahil pikit ang mata n’ya dahil sa blackeye.

  3. hmmm… 2 consecutive post tungkol sa magagandang babae + 2 consecutive post tungkol sa init ng ulo sa misis = kulang sa romansa

    baka nga… :nod:

    ==
    .. at bilang kaibigan, handa mo ba akong tulungan? hindi? k.

  4. aasa-asawa ka tas idadamay mo lahat ng kababaihan. tumigil ka nga diyan sa pagdidiskusyon mo ng mga tadyang-tadyang. wala kang kredibilidad!

    ==
    shudap, woman.

  5. alam mo akala ko ako lang ang baliw na nakaka isip na lagyan ng expiration yung mariage contract, gusto ko din lagyan ng expriation yung mariage contract ko if ever gusto ko minimum of 3yrs tapos renewable LOL

    ==
    3 years?!? baliw ka nga, antagal nun ah!

  6. buti na lang di ka naging congressman

    pero hmnn.. ok nga din cguro yang may expiration date, para di obligado ang mga babae na magtiis sa asawang babaero na, lasenggero pa! taz maliit pa ang… sweldo!!!

  7. natawa naman ako sa reply ni Mine..pero may puntos din naman sya dun..

    pero sa totoo lang, sana magkaroon ng Divorce sa Pilipinas..kesa sa annulment lang..

  8. ganda ng entry ahh, pansin ko lang lately almighty jon parang irita ka na kay misis ahh, kulang ka lang yata talaga sa haplos ng asawa di kaya?

    ^_^V

    buti nalang di pa ako nag aasawa

  9. gingmaganda & mine

    hahaha tama kayo

    sino ba may kilala kay mrs. cabron ipaalam niyo nga tong blog ng magkaalaman na. :grinnod:

  10. hanngang ngayon pa ba di mo pa rin matanngap na magkaiba ang babae at lalaki?
    “they are wired differently..ika nga” magkaibang planeta ang pinanggalingan…

    kung hindi pa umpisahan mo na.
    mag-sauna ka muna, para lumamig ang ulo mo. kung san ka happy.

  11. OT: ako pala ang nangunguna sa “Makakating Dila”. Sana dumating ang araw na matikman mo rin kung gaano katotoo ang kati ng dila ko as in. :grinnod:

  12. kung sakaling magprotesta ka at ipaglaban mo ang iyong katwiran,nasa likod mo ako para suportahan ka.tama ang iyong ipinaglalaban.

  13. ahahaha… me punto naman na hindi lang pro ng lalake ang expiration date na yan…feeling ko mas maraming kababaihan ang naghahangad na sana nga me expiration date ang marriage certificate. :grinnod:

  14. @maru: ganun ba yan? kulang sa sex? ahh… kaya ba laging tahimik ang asawa ko? hahaha

    mighty jon c. — init ulo ka na naman. dinamay mo na naman kaming lahat ng girls. 5th ako sa makating dila na yan. di ko pa nga naintindihan nung una yung OT comment ni sexy mamaru…

  15. mamaru,

    ako ang third place sa makakating dila. konti palang na pinya nakain ko. pero nagulat ako na pangatlo ako! baka isipin nila fans na fans ako ni cabron! ergsh!

    jon,

    naiinis ka sa asawa mo kasi parang gusto mo na siya iwanan, kasi parang may gusto ka nang ibang puntahan. kaso nagugulami ka kasi sabi ng lipunang ito hindi pwede. kaya sinisisi mo na lang sa kanya ang kung ano-ano. yey!

    kanta ng rivermaya: wag na init ulo, baby…

    ehehehehe

  16. OT:
    @gingmaganda: at kaninong pinya naman ang kinain mo? ha? psst! baka pwede ako diyan…patikim din ng pinya…yung hindi makati.

  17. Hay, sarap talagang pumunta dito lalo na pag malungkot ako. Hihih. Cge i-try mo nga yan. Kaso wala naman maghahabol or marerenew c0ntract para makasama ako.lols

  18. ngyon ko lang din napansin yung kategoryang makakati ang dila..lols!

    parang gusto ko sang ayunan yung sinabi mo jon kaya lang baka dala lang ng galit yan. pero mas ok sana kung hindi na nauso ang kasalan eh..puro na lang gastos. mas ok sana kung syota syota na lang..mas less complicated ang buhay.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *