mula sa tanong sagot 20

naisipan ko lang gawan ng nakabukod na entry.
.. seryoso, kailangan ko pa bang magesplika sa’yo? syet!

Tanong: may asawa’t anak ka na ba? Sayang
Sagot:
kukuwentuhan kita, isinama ako dati ng isang kaibigan sa probinsya nila sa may parteng nueva ecija. nagulat ‘yung nanay n’ya na dinatnan namin dun kase hindi man lang daw nagpasabi ‘yung anak n’ya na luluwas s’ya , hindi man lang tuloy s’ya nakapaghanda ng pagkain nakakahiya at may bisita pa naman daw na kasama.. ako nga. sabi nung kaibigan ko kahit ano na lang daw na meron dun at sinegundahan ko naman na oo nga, tutal pagod din naman kami sa byahe kaya baka hindi rin kami makakain ng maayos. napagdesisyunan na lang ng nanay n’ya na magtinola, tamang tama daw dahil maniba na ‘yung bunga ng tanim nilang papaya, ayun daw ang masarap ‘yung alanganing hilaw at alanganing hinog. isinama n’ya akong manghuli ng manok sa likod ng bahay nila.. ang hinuli n’ya ‘yung nakatali, itinanong ko kung bakit hindi na lang ‘yung mga nakaalpas na pagala galang manok ang iluto n’ya nakakahiya naman dahil mukhang alaga ‘yung nakatali kase.. ang sagot sa akin ng nanay n’ya mas mabuti na ‘yung nakatali kase malinis hindi tulad ng mga manok na gala kung anu ano ang tinutuka n’yan sa kung saan saan at isa pa mas madaling hulihin ang nakatali.
tapos, ayun ansarap ng tinola.
.. ayun lang naman, ano nga ulit ang ikinakasayang mo sa tanong mo?

Shares 0

0 thoughts on “mula sa tanong sagot 20”

  1. panalo to, sir. maaasahan ka talaga sa mga ganitong bagay. for future refence, ibo-bookmark ko tong post na to at ipapamigay ko ang aral sa lahat ng kaibigan ko. :biggrin:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *